Ogie Diaz nag-share ng saloobin patungkol sa pagbibigay ng aguinaldo sa mga inaanak ngayong pasko at payo na rin sa mga magulang sa pagpili ng mga ninong at ninang.
Mababasa sa artikulong ito:
- Ogie Diaz sa pagkakaroon ng inaanak
- Para sa mga bata naman talaga umano ang pasko ayon kay Ogie
- Tips pagpili ng ninong at ninang ng iyong anak
Ogie Diaz sa karanasan sa inaanak
Sa isang Facebook post ibinahagi ng comedian/actor/host na si Ogie Diaz ang mga sintemyento niya sa pagbibigay ng aguinaldo sa mga inaanak ngayong pasko.
Sa kaniyang post nagbahagi siya ng larawan,
Kasama ng larawan na ito ang caption niya rito at pagbabahagi ng kaniyang karanasan. Pagkukuwento niya,
Sila rin yung isa lang ang inaanak mo, pero pati mga pinsan, kapitbahay, bitbit. Tapos, nakasimangot pa sila pag binigyan mo ng Christmas souvenir. Gusto nila, me kasamang pera.”
Dagdag pa ni Ogie, dahil umano artista siya ay malaki ang expectation kung magkano ang ibibigay mo, pero binigyan niya pa rin kahit umano ‘surprise guests ang mga ito.
Kwento pa niya,
Kaya yung nanay ng di umano’y inaanak ko, sinabihan ko. “Next time, pag nagbitbit ka pa ng marami, yun mismong ibinibigay ko sa anak mo, paghahati-hatiin ko sa mga kasama mo. Okay ba sa yo?”
Ito ang pagbabahagi ni Ogie sa kaniyang Facebook post.
Para sa mga bata naman talaga umano ang pasko ayon kay Ogie
Ayon pa sa post ni Ogie, sinabi niya na ang pasko naman umano ay para sa mga bata at pagbibigayan. Lalo na umano kung nakakaluwag-luwag ka, mas maganda raw umano ‘yong pagbabahagi ng mga biyayang natanggap natin.
Pero kung ipapamulat natin umano sa ating mga anak na kailangan niyong kumita sa pasko ay para umano hindi na ito tama. Pahayag niya,
“Ang Pasko ay totoo namang araw ng mga bata ‘yan. Pagbibigayan. Lalo na kung nakakaluwag-luwag ka, share your blessings. Pero yung ipamulat mo sa mga anak mo na “kailangan kayong kumita pag Pasko,” ay hello! Wait lang, ha?”
BASAHIN:
Payo ni Ogie sa mga magulang sa pagkuha ng mga ninong at ninang
Kaya naman payo ni Ogie, dapat kapag kukuha ng ninong at ninang ay dapat ka-close talaga natin para alam natin na maaasahan natin sila. Lalo na pagdating sa pagpapalaki sa ating mga anak.
“Una sa lahat, kung kukuha kayong ninong at ninang ng anak nyo, dapat mga ka-close ninyo at alam nyong maaasahan nyo pag nawala kayo sa mundo.
Siya nga ang pangalawang magulang, di ba? Kasi kaya mong ipagkatiwala ang anak mo sa kanya or sa oras na kailangan ng payo o gabay ng bata at di na nakikinig sa magulang, andiyan si ninong o si ninang. Kasi nga, close kayo.
Wag kayong kukuha ng ninong dahil ang gusto nyo lang eh me ninong o ninang na sikat at kilala ang anak nyo, pero di nyo naman ka-close.
Ito ang pagbabahagi ni Ogie Diaz.
Tips pagpili ng ninong at ninang ng iyong anak
Narito ang mga tips sa pagpili nang mga magiging ninong at ninang ng inyong anak.
1. Dapat kakilala mo at malapit sa iyo at alam mong maaasahan mo kapag kailangan mo ng tulong sa papalaki sa iyong anak.
2. Pumili ka ng ninong at ninang na tanggap ang kaniyang magiging role sa buhay ng anak mo.
3. Dapat ang magiging ninong at ninang ng iyong anak ay magiging mabuting ehemplo sa kaniya.
4. Isa pa sa dapat mong ikonsidera sa pagpili ng ninong at ninang ng iyong anak ay dapat siya ang responsable.
5. Higit sa lahat kailangan na lubos na kakilala mo ang magiging ninong at ninang ng iyong anak.
Tandaan mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga ninong at ninang sa buhay ng ating mga anak. Hindi lamang sila taga-bigay ng regalo o aginaldo sa pasko. Kundi makakatulong din sila sa atin sa pagpapalaki sa ating mga anak. Isa rin sila sa mga magbibigay gabay sa ating mga anak.