Online classes hours DepEd ipinapanukalang i-extend ng 7-8 oras. Ito ay matapos iurong ang pagbubukas ng klase sa October 5 ngayong taon.
Online classes hours, DepEd iminumungkahing i-extend
Mula sa dapat na pagbubukas ng klase ngayon Agosto 24 ay inuurong ito sa Oktobre 5. Ito ay dahil sa patuloy na pagkalat ng sakit na COVID-19 at seryosong banta nito sa kalusugan ng mga Pilipino.
Kaya naman dahil dito, ayon sa DepEd ay posibleng magkaroon ng adjustments o pagbabago sa school days at hours ng pasukan ngayong school year 2020-2021. Ito ay upang ma-kompleto umano ang itinakda sa batas na 200 to 220 school calendar days. Ito ay ayon kay Department of Education Undersecretary Jesus Mateo.
“We need to abide by the law that it has to be about 200 to 220 calendar days and therefore there has to be some adjustments.”
Ito ang kaniyang pahayag sa isang panayam.
7-8 hours na online classes extension araw-araw
Ang mga adjustments na nakikitang paraan ng DepEd upang ma-kompleto ang school days na itinakda ng batas ay ang pag-iextend ng school days hanggang May. At ang pag-iextend rin ng online school hours ng mga estuyante mula sa 6 na oras hanggang 7 o 8 oras araw-araw.
“There are several things. It can be done through extensions of all the classes. That means from 6 hours, it can be extended to about 7 to 8 hours in a day. Just so we can extend the number of hours for the delivery of the minimum essential learning competencies.”
Ito ang pahayag pa ni USec Mateo.
Paliwanag pa ni Mateo, maliban sa ipinatutupad na mahigpit na community quarantine sa ilang bahagi ng Luzon ay may isa pang dahilan kung bakit nabago ang petsa ng pagbubukas ng klase mula Agosto 24 sa Oktobre 5. Ito ay ang pagkaka-delay ng delivery ng mga learning materials sa ilang eskwelahan sa bansa. Partikular na sa mga lugar na kung saan walang pampublikong transportasyon na masakyan.
Dagdag pa niya, sa ngayon ang mga nabanggit na adjustments ay proposal pa lamang. Sa oras na ito ay maaprubahan at mapagkasunduan ay saka na sila maglalabas ng guidelines o dagdag impomasyon tungkol dito.
Reaksyon ukol sa online classes hours extension
Wala pa mang kasiguraduhan ay umani na ng negatibong reaksyon ang extended online classes hours DepEd proposal na ito.
Ayon kay ACT Teachers Party-list Congressman France Castro, ang plano na ito ng DepEd ay hindi makakabuti para sa mga guro, estudyante at mga magulang.
“Policies such as these will do more harm than good for the welfare and well-being of teachers, students and their parents. The education department should be reminded that both teachers and the students are not robots that should be subjected to 8 long hours of online classes amid this pandemic.”
Ito ang pahayag ni Castro.
Ito ay dagdag gastos sa mga mag-aaral at guro.
Maliban rito ang extension ng online classes ay nangangahulugan rin ng extension sa magagastos ng mga mag-aaral at guro. Dahil sa kinakailangan nila ng dagdag na bayad sa oras ng koneksyon sa internet. Pati na sa gastos na magagamit sa kanilang kuryente.
Kaya naman apela ni Castro, dapat ay mas maging sensitive ang DepEd sa pinagdadaanan ng mga Pilipino sa ngayon. Lalo na sa mga mahihirap na walang trabaho dahil sa COVID-19 pandemic.
“If even teachers have been having a hard time on the access to a quality and reliable Internet connection, then students from less fortunate backgrounds are worse off. The families of these students barely make enough for daily subsistence, how can they be expected to afford Internet access?”
Ito ang dagdag pang pahayag ni Castro. Apela pa niya kailangan rin isaalang-alang ng ahensya ang kapakanan ng mga guro. Dahil sila ay may nakalaan lamang na 6 hours teaching time sa isang araw. Ang natitirang dalawang oras ay para sa paggawa nila ng lesson plans, school activities, research, trainings at iba pang dapat nilang gawin.
Dapat ito ay may katumbas na dagdag sahod sa mga guro.
Kaya kung itutuloy ang iminumungkahing dagdag na oras o extension sa online classes ay dapat magkaroon rin ito ng dagdag na sweldo sa kanila.
“Excess time for longer teaching time shall have an equivalent compensation of a regular hourly rate plus a 25% premium on the same.”
Dagdag pa ni Castro, maliban rito ay dapat siguraduhin rin ng ahensya na maibigay muna ang mga kinakailangan ng mga guro at mga estudyante lalo na sa panahon ngayon ng pandemya.
Ang online learning ay isa lamang sa mga alternative learning option na maaring pagpilian ng mga estudyante ngayong pasukan. Maari rin silang mag-aral ng kanilang leksyon sa pamamagitan ng DepEd TV at radio channel. At sa pamamagitan ng mga printed modules na makukuha sa paaralang pinag-enrollan ng iyong anak.
Source:
Inquirer News, Manila Standard
BASAHIN:
Ready na ba sa online learning ang anak mo? 15 laptop na pasok sa budget
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!