X
TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Isasama ba ang mga online games sa Palarong Pambansa?

3 min read
Isasama ba ang mga online games sa Palarong Pambansa?

Mga larong pinoy tinampok sa ginaganap na 62nd Palarong Pambansa sa Davao City.

Online games ang isa sa kinahuhumalingan ng maraming kabataang Pinoy ngayon.

Kaya naman naging tanong sa iilan kung naiisip bang maisama ito sa Palarong Pambansa. Lalo pa’t kasama ito sa darating na Southeast Asian Games na gaganapin dito sa Pilipinas.

Online games hindi isasama sa Palarong Pambansa

Image from Freepix

Online games vs Larong Pinoy

Ayon kay DepEd Undersecretary Revsee Escobedo na Secretary General rin ng Palarong Pambansa 2019, sa ngayon ay hindi pa nila napaguusapan na maisama ang online games sa taunang kumpetisyon.

Bagamat, kasama na ito sa medal sports sa darating na Southeast Asian Games hindi pa daw handa ang DepEd para sa mga atletang nakapokus sa online games o e-sports.

Gayunman, maraming laro na kabilang sa SEA Games ang pinag-iisapan nilang isama sa taunang Palarong Pambansa bilang demo sport. Ngunit mas pinili nilang isama ang larong Pinoy ngayong taon alinsunod narin sa hiling ni DepEd Secretary Leonor Briones.

“The secretary wants to include larong Pinoy in the regular Palarong Pambansa sports. Maybe next year, we have larong Pinoy as demo sports with other sports. But not online games,” pahayag ni Escobedo sa isang panayam.

Bagamat kinahihiligan ng maraming kabataang Pinoy ngayon ang online games gaya ng Mobile Legends at DOTA ay mas priority daw ng Palaro Board ang mga larong mabuti sa katawan at mag-iimprove ng motor at physical skills ng mga batang manlalaro.

“There are positive and negative observations with regards to online games. What is important is we have to balance. What is important to us, the officials of DepEd, is the holistic development of our lifelong learners,” dagdag pa ni Escobedo.

Samantala ang mga larong Pinoy na naisama sa demo sports ng Palarong Pambansa ngayong taon ay ang patintero, kadang-kadang, sack race at tug of war.

Ito ang naging pambungad na aktibidad ng taunang kompetisyon na pinamagatang “Laro ng Lahi” na naglalayong magpaalala ng mga larong bahagi ng kulturang Pilipino.

“Larong Pinoy is no longer part of the regular sports. But these larong Pinoy, these are cultural heritage that we cherished. This indeed a cultural treasure to Filipinos,” ani ni Escobedo.

Kaya naman bilang paalala sa mayamang kulturang Pinoy sa mundo ng laro at isports ay binibigyang pansin ang mga larong Pinoy na unti-unti ng nalilimutan at nawawala dahil sa modernisayon.

Ngunit hindi naman nangangahulugan ito na hindi na bukas ang DepEd sa pagsama ng mga online games sa Palarong Pambansa. Nais daw muna nilang mapag-aralan pa ang mga benepisyong maaring makuha ng mga kabataan lalo ng mga estudyante sa online games o e-sports na talaga namang kinahuhumalingan ng nakakarami.

Mga pagbabago at improvement sa Palarong Pambansa

Patuloy naman ang mga improvement na isinasagawa ng DepEd sa Palarong Pambansa.

Pagmamalaki parin ni Escobedo, ay hindi na nagpapahuli ang Palaro pagdating sa teknolohiya na kanilang ginagamit sa tulong ng Philippine Sports Commision o PSC.

“Yes, we are adapting to the technology. We are implementing technological innovations. Some of the equipment we will use in Palarong Pambansa are borrowed from PSC like in swimming,” paliwanag ni Escobedo.

Ang tema ng Palarong Pambansa ngayong taon ay “Shaping the Future Through Sports”.

May isang araw ding inalaan sa Palaro na kung tawagin ay “Sports Heroes Day” na nagbibigay oportunidad sa mga batang manlalaro ng makausap ang kanilang idolo sa isports.

Ito ay kasalukuyang ginaganap sa Davao City na nilahukan ng mahigit sa 12,000 na kalahok.

Ang 62nd Palarong Pambansa ay nagsimula noong Abril 27 na magtatapos nitong Mayo 4.

 

Source: ABS-CBN News 

Basahin: Adik sa online games: Nanay ng binatilyo sa viral video, nagsalita na

 

 

Partner Stories
Is Your Child Experiencing Digestive Discomfort? Here’s How to Tell
Is Your Child Experiencing Digestive Discomfort? Here’s How to Tell
Starting Preschool? 10 Ways to Get Your Child Ready For School
Starting Preschool? 10 Ways to Get Your Child Ready For School
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development
Safety First, Mommies! Know What's in Your Baby Wipes
Safety First, Mommies! Know What's in Your Baby Wipes

 

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • Isasama ba ang mga online games sa Palarong Pambansa?
Share:
  • When Love Hurts: What We Can Learn From the Meiko and Patrick Cheating Controversy

    When Love Hurts: What We Can Learn From the Meiko and Patrick Cheating Controversy

  • 12 Bagong Haligi ng Senado: Sino ang May Puso para sa Pamilyang Pilipino?

    12 Bagong Haligi ng Senado: Sino ang May Puso para sa Pamilyang Pilipino?

  • RA 12199: Bagong Batas Para sa Kinabukasan ng Batang Pilipino

    RA 12199: Bagong Batas Para sa Kinabukasan ng Batang Pilipino

  • When Love Hurts: What We Can Learn From the Meiko and Patrick Cheating Controversy

    When Love Hurts: What We Can Learn From the Meiko and Patrick Cheating Controversy

  • 12 Bagong Haligi ng Senado: Sino ang May Puso para sa Pamilyang Pilipino?

    12 Bagong Haligi ng Senado: Sino ang May Puso para sa Pamilyang Pilipino?

  • RA 12199: Bagong Batas Para sa Kinabukasan ng Batang Pilipino

    RA 12199: Bagong Batas Para sa Kinabukasan ng Batang Pilipino

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko