Kabi-kabilang pagsubok ang kinaharap ni Mommy Carmie sa kanyang pagdadalang-tao sa kanilang ikalawang baby ng kaniyang mister. Isa sa pinakamabigat na hinarap niya ay ang pagkakaroon ng rare case ng ovarian cyst.
Ngunit sa kabila nito ay hindi pa rin siya pinanghinaan ng loob, at ginawa ang kanyang makakaya para sa anak na nasa kaniyang sinapupunan.
Ovarian cyst diagnosis
Children are a gift from God. Kaya naman thankful ako na dumating sa aming buhay ang mga anak ko.
Iba pala talaga ang feeling kapag nanay ka na. Mixed emotions kumbaga! Exciting and scary at the same time. A most special feeling but yet a very challenging phase of our life.
Same feeling sa 1st born ko but more scarier on our 2nd child.
24 weeks akong buntis sa 2nd child ko until I found out na may ovarian cyst ako. My clinical diagnosis : Ovarian New Growth Probably Benign. It usually don’t cause any problems daw during pregnancy.
Pero parang iba itong case ko. It was huge and rare case of mucinous cystadenoma measuring 25.0×23.0x20.0cm on screen. I don’t know kung ano yun. But then, I researched about it.
Mucinous cystadenoma is a benign tumor that arises from surface epithelium of the ovary. At talagang lumalaki siya.
Fortunately, 80% daw ay benign meaning hindi siya cancerous. Kaya naman pala masyadong malaki ang tiyan ko. Inakala kong ganun lang talaga ako magbuntis kasi wala naman akong naramdamang kahit anong sakit.
But months passed by, unti-unti na akong nakakaramdam ng sakit. Pain killers ang naging kasangga ko pero wala pa rin.
Talagang pabalik-balik ang sakit. Halos maya’t maya. Hindi naman pwedeng basta-bastang uminom ng gamot na hindi prescribed ng doctor kasi may baby ako sa sinapupunan ko.
Ganun talaga kapag nanay. Titiisin ang lahat para sa anak.
Worried dahil nasabay ang pagbubuntis sa health crisis
Kapanahunan ng COVID-19 noon kaya mas lalong nagpahirap sa akin. Laganap ang cases ng virus, tapos ako ay buntis na may ovarian cyst na sobrang laki.
Sino ba naman ang hindi maii-stress? Paano kapag pati ako mahawaan ng COVID-19? Ano nalang ang mangyayari sa amin?
Pero pinilit kong maging okay para sa baby ko. Umiiyak ako gabi-gabi at tinatanong ang sarili ko kung bakit sa akin pa ‘to nangyari.
And then, narealize ko na baka nangyayari ito sa akin ay para patatagin ako. Ibinigay Niya ‘to kasi yakang-yaka ko. Sobrang blessed ko hindi pa rin Niya ako pinabayaan.
September 2020, ipinanganak ko ang baby ko via normal delivery. Hindi naging madali sa akin lalo na sa naging kalagayan ko.
Take note ha, nakayanan ko po kahit maliit lang akong babae. Ginawa ko ang makakaya ko kahit may bukol ako na pagkalaki-laki.
“Baby girl!” Narinig kong sinabi ng doktor na nagpaanak sa akin. Sobrang sarap sa feeling may baby girl na kami.
BASAHIN:
Removing ovarian cyst while pregnant: Why this surgery needs to be done
REAL STORIES: “Nakabasag ng gamit si baby, hindi ko siya pinagalitan.”
How to bond with your son as a mother? 5 ways how you can bond with your son
Finally, nailuwal ko siya ng healthy at ligtas. ‘Yon naman talaga ang dalangin ko. Ang maging okay siya.
Malagay na ako sa alanganin wag lang ang baby ko. Pero napakabuti ng Diyos! Pareho Niya kaming hindi pinabayaan.
After four months kong nanganak, naoperahan na rin ako. It was January 19, 2020. Natanggal na ang left ovary ko na may cyst at ang fallopian tube ko via exploratory laparotomy with salpingo-oophorectomy.
It measures 18.4 x15.0x3.3 with a rough, convoluted surface with multiple cysts. Nawakasan na ang paghihirap ko na matagal ko ng pinagtiisan. Ang laking ginhawa para sa akin at sa aking pamilya.
Alam ko na ang pakiramdam ng ma-CS dahil halos same procedure lang naman. Mas mahaba nga lang ang hiwa ko. Lagpas hanggang pusod. Okay lang sa akin at least cyst-free na ako!
‘Yong cyst ay talagang karaniwan na daw sa mga babae. Iba-iba ang mga uri ng cyst. Kaya mas better na kumonsulta kaagad ng doktor kapag may nararamdamang kakaiba.
Ako ay pwede pa naman daw magkaanak ulit pero ayoko na. Nakaka-trauma pala.
Ewan ko lang ha, kasi parang sinabi ko na rin ‘yan dati na hindi na ako uulit. Wala pa ring kadala-dala di ba?
Hindi natin masabi kung ano ang mangyayari. Syempre tatanggapin namin kung ipagkakaloob ng Panginoon.
At laking pasasalamat ko din ,sa pamilya ko na laging andiyan para damayan ako sa lahat ng oras. Sa mga doktor, mga nurses at sa mga staff ng ospital na mga mababait at maasikaso. Sa mga taong tumulong sa amin financially kasi talagang kapos kami.
Syempre sa asawa ko na nagbantay at nag-alaga sa akin sa ospital at magpahanggang ngayon. Sa mga anak ko na laging nagpapalakas sa akin sa tuwing nanghihina ako. Sila pa rin ang dahilan kaya patuloy akong nabubuhay. Being their mother is the greatest joy of my life kaya lagi akong lalaban!
Kaya sa katulad kong nanay na may pinagdadaanang ngayon, kapit lang!
Don’t panic at maging kalmado! Alagaan ang sarili. Tayo ang inaasahan ng ating mga anak kaya dapat lang na alagaan mabuti ang sarili.
Try to minimize your anxiety level and talk to your gynecologist. Sila ang makakatulong sa atin. Mag-research din at alamin kung ano ang cyst na meron ka para kahit papaano may idea ka.
Lastly, wag mawalan ng pag-asa dahil laging may pag-asa basta sa Diyos laging manalangin at magtiwala!