Overprotective na magulang: 4 signs na nagiging O.A. na parent ka na

Tandaan, imporante ang iyong ginagampanan sa pagbabago. Hindi pa huli ang lahat. | Lead image from iStock

Overprotective na magulang ka rin ba? Ito ay may pagkakahawig sa mga Helicopter Parent. Sila ang mga magulang na labis na ang pagiging nanay o tatay sa kanilang mga anak.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Overprotective na magulang o helicopter parenting
  • Halimbawa ng helicopter parenting
  • 4 signs na nagiging O.A. na parent ka na

Ang Helicopter Parenting ay nangyayari kapag pinipigilan ng isang magulang na maging mas malakas na tao ang kanilang anak. Ang mga batang nasa ganitong uri ng pagdidisiplina ay bigong makadiskubre ng bagong bagay o sumubok ng bago sa kanilang karanasan.

Sa paglipas ng panahon, isa-isa nang naitala ang negatibong epekto ng overprotective na magulang o mas kilala sa tawag na helicopter parenting.

Ano ang halimbawa ng Helicopter Parenting?

Ayon sa pag-aaral, ang ganitong uri ng parenting style ay maaaring magdulot ng psychological distress, narcissism o hirap maka-adjust sa isang bagay. Kasama na rin dito ang pagkalulong sa bisyo katulad ng pag-inom ng alak at pag-gamit ng ipinagbabawal na gamot.

Ito ay kadalasang nangyayari sa edad na 18 hanggang 25 years old. Sa makatuwid, hindi ito nakakatulong sa isang bata.

Overprotective na magulang | Image from iStock

Overprotective na magulang: 4 signs na nagiging O.A. na parent ka na

Narito ang apat na ginagawa ng mga helicopter parents. Kung sakaling nalaman mong ginagawa mo ito sa iyong anak, ‘wag agad i-judge ang iyong sarili. Pwede ka pang magbago!

1. Pagsalo sa gawain na kaya naman ng iyong anak

Hinahayaan mo bang magluto ang iyong anak o kaya naman maglinis? Paano ang paglalagay ng palaman sa kanilang tinapay? Ginagawa mo rin ba ito? Pati ang paglalagay ng juice sa kanilang baso? Pagsintas ng sapatos ng iyong anak, pagpili ng susuoting damit, ikaw din ba ang gumagawa?

Ang mga magulang na sinasalo ang madadaling bagay na kaya namang gawin ng kanilang anak ay mas mataas ang tiyansa na magkaroon ng mababang tiwala sa sarili.

Pwede bang magkamali? Normal ba ito? Ang sagot ay oo. May pagkakataon talaga na maaaring matapon ang sinasalin nilang juice sa baso o kaya naman malaglag sa sahig ang hawak na tinapay. Pero ano naman? Kung hahayaan mo ang iyong anak na magkamali at gawin ang isang bagay na bago sa kanilang paningin, ito ay makakatulong para mabuo ang tiwala sa kanilang sarili at patatagin ito.

BASAHIN:

6 healthy tips kung paano disiplinahin ang batang mainitin ang ulo

Pinapalo ko ang anak ko, ito nga ba ang tamang disiplina sa mga bata?

#AskDok: Paano disiplinahin ang magkapatid na magkaiba ang ugali?

2. Pagprotekta sa iyong anak

Nasubukan mo na bang protektahan ang iyong anak kapag nasasaktan sila? O kaya naman mula sa resulta ng isang bagay na sila ang pumili? Ang gandang pakinggan ‘di ba? Isa ito sa maituturing na responsibilidad ng bawat magulang.

Ngunit base sa aking karanasan sa anak kong lalaki, nadiskubre ko na mas mahalaga ang pagtitiwala sa sarili at pagiging aware sa paligid kumpara sa binibigay nating proteksyon.

Sa realidad, mas gumagana ang pagtuturo sa ating mga anak kung paano tamang pgkontrol at tiwala sa kanilang sarili kumpara sa proteksyon na ating ibibigay. Habang pumoprotekta ang mga magulang, ang kanilang anak ay kabaliktaran naman.

Overprotective na magulang | Image from iStock

Habang pinoprotektahan natin ang mga anak, tinuturuan din natin ang ating mga anak na hindi maging aware. Tinuturuan natin silang matakot at mag-aalala sa mga bagay. Hinayaan natin silang makaramdam ng stress imbes na turuang sumubok ng mga bagong bagay.

Bigyan ng pagkakataon ang iyong anak namag-take ng risk at masubukan ang kanilang kalayaan. Isa itong pagkakataon para malaman nila kung ano ang konsepto ng pamumuhay ng sarili lamang nila.

3. Pagiging perpekto

Isa ka bang magulang na ang laging gusto ay perpekto ang lahat lalo na kung pag-uusapan ang iyong anak? Ito ay nangyayari kapag pinagkukumpara ng isang magulang ang kanilang anak sa ibang mag-aaral. Pasok din sa usaping ito kapag pinagtatawanan ka ng mga taong nakapaligid sa’yo at para bang kinakailangan mong maging perpekto sa bawat pagkakataon.

Likas na sa ibang tao ang magkaroon ng labis labis na kagusuthang maging perpekto, pakiramdam nila ito ay KAILANGAN. Hindi ito totoo. Ang “perfectionism” ay maaaring makasira sa iyong anak. Maaaring permanenteng nasa isip na nila na kailangang maging perpekto para makaiwas sa panghuhusga pati na rin ang pagkakaroon ng pagdududa sa sariling kakayahan.

Tanggalin na natin ang mindset ng pagiging perpekto. Para sa’yo at sa iyong mga anak.

“What is right about me that I am not getting? What is right about my kids that I am not getting?” maaaring itanong ito saa iyong sarili kapag nararamdaman mo ang pagdududa sa mismong sarili at sa iyong mga anak.

Overprotective na magulang | Image from iStock

4. Pagiging mali at tama

Minsan ba, nabitawan mo na ang mga salitang “This is the right way to do things? This is the wrong way to do things?” May pagkakataon ba na binibigyan mo agad ng leksyon ang iyong mga anak kapg hindi nila nasunod ang kagustuhan mo?

Ang pagdidisiplina ng bawat magulang ay may kaakibat na panghuhusga; panghuhusga sa mismong sarili, panghuhusga ng mga anak, panghuhusga mula sa ibang magulang at bata. Aminin natin, ito ang pangunahing dahilan kung bakit nasisira ang isang relasyon.

Imbes na manghusga, bakit hindi na lamang tanungin ito,

“OK, if I wasn’t judging, what would I know? What did this choice actually create for me or my child? How can we work with that? How can we learn from that? What could we create together?”

Kung hahayaan mong sumubok ng bagay ang iyong anak, gawin ang mga bagay ng walang suporta mo, pagturo ng self-awareness at pagtitiwala sa kanilang sarili o kaya naman walang takot na magkamali, isa itong magandang pag-uugali para sila ay mas maging malakas bilang indibidwal. Ikaw na magulang, kailangan mo ring gawin ito.

Tandaan, imporante ang iyong ginagampanan sa pagbabago. Hindi pa huli ang lahat.

 

Drawing upon his transformation from a struggling tradesman and single dad to global speaker, Brendon Watt facilitates classes and workshops all over the world empowering others to know they are not wrong, that anything is possible and that they are only one choice away from change. As well as being a speaker, entrepreneur, and business and life mentor, Brendon is the facilitator of several special Access Consciousness advanced programs including Choice of Possibilities, Conscious Parenting Conscious Kids, and Joy of Business. Relationship: Do you really want one? is Brendon’s first book.

This article was first published in KidSpot and republished on theAsianparent with permission.

Translated with permission from theAsianparent Singapore

Translated in Filipino by Mach Marciano

Sinulat ni

Mach Marciano