Oyo Boy Sotto inoperahan matapos maaksidente sa bisikleta

Oyo nag-rerecover na ngayon at nagpasalamat sa pag-aalaga ng misis na si Kristine Hermosa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Oyo Boy Sotto kinailangan ng surgery dahil sa bike accident.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Oyo Boy bike accident and surgery
  • Kristine Hermosa and Oyo Sotto’s family

Oyo Boy bike accident and surgery

Larawan mula sa Facebook account ni Oyo Boy Sotto

Sa Instagram ay ibinahagi ng aktor na si Oyo Boy Sotto na siya ay nakaranas ng bike accident. Siya daw ay sumailalim sa surgery na tinatawag na Arthroscopic AC joint reconstruction.

“God is good! Surgery (Arthroscopic AC joint reconstruction) done! Had a bike accident last week that led to this.”

Ito ang sabi ni Oyo sa kaniyang Instagram tungkol sa bike accident na naranasan.

Ang naging operasyon ni Oyo naging matagumpay at siya ngayon ay nagpapagaling na. Laking pasalamat nga daw ni Oyo sa Diyos. Pati na rin sa mga doktor at higit sa lahat sa misis niyang si Kristine Hermosa na hindi umalis sa kaniyang tabi at siyang nag-alaga sa kaniya.

“Lord Jesus, maraming salamat, You’re the best, I love you! To my wife, I love you very much! Thank you for taking care of me. Iba ka talaga. To my doctors, maraming salamat sa inyo. Keep safe everyone and God bless you all. Let’s not forget to thank the Lord in good and especially in bad times.”

Ito ang sabi pa ni Oyo tungkol sa naranasang bike accident at naging operasyon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang mga celebrity friends ni Oyo at IG followers agad na nag-komento sa post ng aktor at hinihiling ang mabilisan niyang paggaling.

Ryan Agoncillo: Uy, heal well brother

Gian Sotto: Praying for healing in JESUS NAME, Bro!

Joross Gamboa: Get well soon kapatid

Si Oyo ay kilalang bike enthusiast. Makikita ito sa mga IG post niya na kung saan ibinabahagi niya ang ilan sa kaniyang journey. Minsan pa nga ay kasama niya ang kaniyang mga anak at misis na si Kristine Hermosa. Maliban sa pagbibisikleta, ang pagjo-jogging na magkasama ang isa rin sa mga bonding nila.

Larawan mula sa Facebook account ni Oyo Boy Sotto

Kristine Hermosa and Oyo Sotto’s family

Naikasal si Kristine at Oyo noong January 12, 2011. Sila ay may limang anak na ngayon. Ayon kay Kristine, bagama’t biglaan at wala silang relasyon ni Oyo ng mag-propose ito ng kasal ay wala siyang naging pagsisisi sa naging desisyon niya.

Pagbabahagi pa ni Kristine,

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Kapag tinitingnan ko siya and looking back sa naging buhay ko in the past, sabi ko God thank you. Thank you kasi you spared me.”

“Alam mo kung hindi mo ako iniwas doon sa mga wrong decisions in the past at talagang nagmatigas pa ako ng ulo hindi ito ‘yong mapapangasawa ko. Hndi kami magkakaroon ng ganitong anak. So no regrets, thank you God sabi ko.”

Sa ngayon, bilang mag-asawa ay aminado sina Oyo at Kristine na tulad din sila ng ibang mag-asawa. Sila’y nag-aaway at hindi nagkakaintindihan. Pero pinili nila ang isa’t isa kaya naman sila ay committed hindi lang bilang husband and wife. Kung hindi pati na rin bilang ama at ina sa mga anak nila.

Pagkukuwento pa ni Oyo,

“Hindi araw-araw mahal mo ‘yong asawa mo, kahit si Kristine Hermosa pa to. Kahit gaano kaganda at ka-sexy ang asawa mo, hindi mo araw-araw yan mamahalin. Naniniwala talaga ako na ang love hindi siya feelings e. Love is a decision, it’s really a decision. It’s a choice.”

Dagdag pa niya kung may isang word nga raw para ma-describe niya si Kristine. Ito raw ay ang salitang gorgeous.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Gorgeous in every way. Kasi how she handles ako, she’s very patient with me. Saka ‘yong pagpapatawad niya sakin, how she handles our kids. ‘Yong bahay, hindi ito magiging tahanan o magiging home kung wala siya.”

Larawan mula sa social media account ni Oyo Boy Sotto

Oyo and Kristine Hermosa’s relationship

Nito lang Enero ay nag-celebrate si Oyo at Kristine ng kanilang 11th wedding anniversary. Ito ay kasabay ng birthday rin ni Oyo. Si Kristine may pabati sa mister sa Instagram. Ito ang kaniyang sabi.

“Today may be a little extraordinary birthday for you but thank you for enduring with me… mas lalo kang gumagwapo ‘pag kasama kitang nagtitiis at nahihirapan. Joke! But on a cheesy note, you are the best thing. Ang sarap mong kasama sa buhay, Hun. I love you so much!!! Happy birthday!!”

“P.S. Sorry wala akong makuhang solo photo mo, either may kasamang bata, aso or stolen shot kaya malabo. Nevertheless, gwapo ka sa lahat,” she added. “Happy 11th my By!! Sino ba namang mag-aakala. Iba talaga ang plano ni Lord! The best!”

Ito ang anniversary at birthday greeting ni Kristine kay Oyo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Si Oyo naging maikli naman ang post tungkol sa kanilang 11th wedding anniversary.

“Thank you Father God for keeping us together.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement