STOP YELLING: Isang trick kung paano mapigilan na sigawan ang anak

Palaging nasisigawan ang iyong anak? Narito kung paano maiiwasan ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paano ang positibong pagdidisiplina sa anak? Narito kung paano ayon sa isang mommy blogger na si Ciara Magallanes.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Trick paano mapigilan na masigawan ang iyong anak
  • Positibong pagdidisiplina sa iyong anak

Image from Mommy Diaries PH Facebook account

Paano ang positibong pagdidisiplina sa anak?

Bilang magulang, minsan talaga’y hirap tayong pigilin ang galit natin sa harap ng ating mga anak. Lalo na sa tuwing nakakagawa siya ng isang bagay na hindi natin gusto o alam nating mali. Isa itong natural na reaksyon nating mga magulang na ayaw lumaki ang mga anak natin na mali o hindi katanggap-tanggap sa mundo nating ginagawalan. Pero para sa 29-anyos na mommy at blogger na si Ciara Magallanes, ang pagdidisiplina sa ating anak ay magagawa natin sa positibong paraan. Tinatawag itong positive parenting na kanilang ginagawa ng kaniyang mister sa kanilang apat na taong gulang na anak. Ayon kay Mommy Ciara, narito kung paano ito ginagawa.

Laging gawing priority ang iyong anak at pamilya.

Kuwento ni Mommy Ciara,ang ipinatutupad na lockdown ngayon bunsod ng COVID-19 pandemic ay nagdulot ng malaking pagbabago sa kanilang pamilya. Lalo na sa pag-uugali ng kaniyang anak na akala niya noon ay alam at kabisado niya na. Dahil bilang isang working mom na mas marami ang oras ngayon sa bahay ay hindi umano niya mapigilan na kung minsan ay uminit ang ulo niya dahil sa mga trabaho na sasabayan pa ng tantrums ng anak mga niya. Pero hangga’t maaari’y sinusubukan niyang maging cool at mapasensya. Ang inilalagay lang ni Mommy Ciara sa isip niya ay higit sa anuman pa man, dapat ang anak at pamilya ang priority niya.

“May times na nagmamakaawa na siya sa oras ko. Na-guguilty ako. Kagaya nung nakaraan nagtratrabaho ako umiiyak siya sa tabi ko.  So, parang nasungitan ko siya. Tapos sabi ko bakit kaya? Ayun pala gusto niya lang pansinin ko siya.” “Kaya kahit sinusubukan mong i-balance, minsan kailangan paalalahanan ‘yung sarili mo na kailangang ihinto mo ‘yan kung kaya mong ihinto. Kasi siyempre ang number 1 priority mo e ‘yung family mo.”

Ito ang pahayag ni Mommy Ciara sa isang ekslusibong panayam namin sa kaniya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Mommy Diaries PH Facebook account

BASAHIN:

Ang iyong maling pag-aakala sa tamang pagpapalaki ng iyong anak

3 phrases o mga salita na dapat araw-araw mong sinasabi sa iyong anak

10 paraan para lumaking masayahin ang iyong anak

Laging tingnan ang positibong pag-uugali ng iyong anak.

Siyempre normal lamang sa bata ang maging makulit at minsan nga masasabi natin na nakakaubos na pasensya. Pero payo ni Mommy Ciara, may paraan para maiwasan mong magalit o maubos ang pasensya mo sa iyong anak. Ito’y ang laging pag-alala o pagtingin sa mabubuting ginagawa ng iyong anak at hindi ang mga pagkakamali niya.

“We look more on sa ginagawa niyang positive. And we always look the light on her. Kasi kapag nagta-trantrums sasabihin mo, ano ba tong batang to? Pero lagi mong iisipin na hindi mabait ‘yang anak natin. Sadya lang na hindi niya pa kayang i-handle ‘yung emotions niya.”

Ito umano ang laging pinapaalala ni Mommy Ciara at kaniyang mister sa sarili nila sa tuwing nag-tatantrums ang kanilang anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Disiplinahin ang iyong anak gamit ang positive approach.

Pero siyempre, ayon pa rin kay Mommy Ciara, may mga oras na mauubusan ka talaga ng pasensya o kaya naman ay hindi talaga susunod ang iyong anak. Dito na kailangan ang positibong approach sa pagdidisiplina.

“At first sisitahin namin siya, we’ll talk it out on a positive approach. Kapag hindi pa rin nakikinig, ok pa rin ‘yung pangalawang sita. Pero kapag hindi talaga nakikinig, kailangan na ng spanking. Pero sobrang dalang nun. Tapos sinasabi namin ‘yung dahilan. Then we have this discipline stick binalot namin ‘yun ng pula to symbolize that we are doing it for love. We do it para mapalaki namin siya ng tama.”

Hayaang magsalita at makinig sa iyong anak.

Maliban sa pagpapaliwanag sa kanilang anak ng maling ginawa nito ay binibigyan din umano nila ito ng pagkakataon na magsalita. Ito’y para masabi nito ang kaniyang nasa isip at nararamdaman. Isang paraan na kung saan mas nakikila nila ang kanilang anak at ito ay kanilang mas naiintindihan.

“Ini-explain namin sa kaniya kung bakit namin ‘yung ginagawa. Ano ‘yung maling ginagawa niya. And of course, we listen to her side. Kasi bilang magulang hindi tayo laging tama.”

Ito ang pahayag pa ni Mommy Ciara.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Mommy Diaries PH Facebook account

Kumalma muna bago makipag-usap sa iyong anak.

Dagdag pa ni Mommy Ciara, para maayos na makausap at marinig ang side ng iyong anak ay dapat ka munang kumalma bago humarap sa kaniya. Hindi rin umano dapat siya sinisita o pinagsasabihan sa harap ng iba dahil makakaapekto ito sa confidence niya. Kaya naman ginagawa nila’y dinadala ito sa isang sulok para doon kausapin. Para nga umano mas magawa nila ito ng maayos ay ito ang ginagawa nila ng kaniyang mister.

“Kailangan naming huminga muna and pause. Para kapag hinarap namin siya mas refresh ‘yung utak namin, nasa level kami ng utak na walang frustration, walang stress. Hindi naman mabubuhos ‘yung stress namin sa kaniya.”

Huwag masyadong sitahin ang iyong anak.

Paalala pa ni Mommy Ciara, bagamat gusto natin laging tama ang ipinapakita ng ating anak, dapat ay iwasan nating hangga’t maaari na sitahin siya. Dahil ang paninita na ito’y pumipigil sa kaniyang mag-grow at mas mag-develop pa bilang isang bata.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Kasi kung masyado tayong no-no parent ay baka mapigilan natin ‘yung pag-grow nila bilang bata at pag-develop ng kanilang creativity and imagination.”

Mahalin at alagain ang iyong sarili.

Pero para umano magawa ang lahat ng nabanggit, may isang mahalagang paalala si Mommy Ciara sa mga magulang. Ito rin ang sinasabi niyang tip kung paano niya naiiwasang masigawan ang kaniyang anak. Ito’y ang pag-aalaga sa iyong sarili na sasabayan ng pagkakaroon ng sapat na pahinga.

“It all starts from taking care and loving yourself. Kapag may sapat kang pahinga, kapag inaalagaan at mas minamahal mo ang sarili mo, mas para kang hindi aburido. Kung baga parang mas mahaba pasensya mo.”

Ang bagay na ito’y mas nagagawa umano ni Mommy Ciara sa tulong ng kaniyang mister na katuwang niya na ma-achieve ang goal na mapalaki ng maayos ang anak nila.

“My husband and I take turns. Kapag alam niyang pagod na ko, pagpapahingain niya ko saglit. Para mas refresh ‘yung utak ko na mag-alaga na mas maramdaman ng anak namin ‘yung pagmamahal namin bilang magulang.”

Ito ang pahayag pa ni Mommy Ciara.

Si Ciara Magallanes ay ang mommy sa likod ng blog na Mommy Diaries PH. Habang ang kaniyang asawa naman na si Vladimir Magallanes ang ama sa likod ng Daddy Diaries PH.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Photo: Mommy Diaries PH