Paano magpalaki ng anak? Narito ang 3 phrases na dapat mong sabihin at gawin sa iyong anak ayon sa isang book author at parenting coach.
Mababasa sa artikulong ito:
- Mga pangungusap na maaari mong sabihin sa iyong anak
- Payo ng isang book author at parenting coach sa mga magulang
- Pagpapalaki sa anak
Photo by Elly Fairytale from Pexels
Paano magpalaki ng anak
Ayon sa book author at parenting coach na si Ariane de Bonvoisin, ang mga bata ay natututo sa tulong ng mga visual cues o sa mga bagay na kanilang nakikita. Auditory cues o mga bagay na kanilang naririnig at mga kinesthetic cues o kanilang mga nararamdaman.
Isa sa mga tatlong cues na ito ang nalilimutan o binabalewala ng maraming magulang. Ito ang auditory cues o ang mga bagay na dapat sinasabi natin o maririnig dapat ng ating mga anak mula sa atin. Ang pahayag na ito ni de Bonvoisin ay sinuportahan ng resulta ng isang 2001 study. Ayon sa pag-aaral, mas mahalaga o mas binibigyan pansin ng mga bata ang mga auditory cues kumpara sa visual at kinesthetic cues.
Base naman sa isang 2011 study, nagsisimula nga ang epekto ng auditory cues sa mga bata simula nang sila’y ipinagbubuntis pa lang. Kaya naman kung iyong matatandaan, laging ipinapayo ng mga doktor sa ating mga ina tuwing magbubuntis na kausapin ang baby sa ating tiyan. Sapagkat isang paraan umano ito para maka-bond si baby. Makakatulong din para ma-recognize ni baby ang ating boses na magko-comfort sa kaniya kapag siya’y naipanganak na.
Bilang magulang, ayon pa rin kay de Bonvoisin, may tatlong phrases o bagay na dapat sinasabi o araw-araw na maririnig ng ating mga anak mula sa atin. Ang mga ito ay ang sumusunod:
3 phrases na dapat araw-araw sinasabi sa ating mga anak
Photo by Ketut Subiyanto from Pexels
Mahal kita o “You are loved”.
Mahalaga para sa mga bata na marinig araw-araw ang salitang “I love you” o “Mahal kita”. Dahil maliban sa isang paraan ito upang maiparamdam sa kaniya ang iyong pagmamahal, ito ay mayroon ding malaking impact sa kaniyang development at overall na pagkatao.
Ayon sa mga child development experts, ang pagpaparamdam ng iyong pagmamahal sa iyong anak ay nagbibigay sa kanila ng feeling na mayroon silang taong maaring pagkatiwalaan. Pinaparamdam mo rin sa kanila na sila’y valuable na kanilang ma-adapt at maipaparamdam din sa iba. Mas pinapakas din nito ang kanilang loob. Kaya naman mas nagagawa nila ang mga bagay na makakatulong sa kanilang development at maayos na paglaki.
Sa ibinibigay mong pagmamahal at pagtitiwala, mas nagkakaroon sila ng tiyansa na mag-grow o matuto. Hindi rin sila matatakot gumawa ng pagkakamali na maaring sumalamin sa kanilang pagkatao bilang magpagpatawad sa kaniyang kapwa.
Ang mga feelings na ito’y nagbibigay sa kaniya ng saya at kaligayahan. Pati na pag-asa’t positibong pananaw sa buhay na wala siyang dapat ikatakot at ikabahala dahil nandyan ka.
Walang tamang oras para masabi mo sa iyong anak na mahal mo siya. Maaari mong gawin ito kahit anong oras. Maaaring sa umaga paggising niya, bago siya matulog sa gabi o sa tuwing mahihiwalay o aalis ka sa tabi niya.
BASAHIN:
STUDY: Kahalagahan ng magandang academic relationship ng iyong anak at kaniyang guro
Nagsisinungaling ka ba sa anak mo para mapasunod siya? Ito ang epekto nito sa kaniya
7 tips kung anong gagawin kapag umiinit na ang ulo mo sa anak mo
People photo created by shurkin_son – www.freepik.com
Ligtas ka sa tabi ko o “You are safe.”
Ayon pa rin kay de Bonvoisin, maraming mga bata ang hindi nakakaramdam na sila ay safe o ligtas. Ito ang dahilan kung bakit sila nakakaranas ng anxiety o stress sa mura nilang mga edad. Ang mga ito’y maaaring magbuo ng mga imaginations o nakakatakot na scenario sa kanilang utak na maaaring pumigil sa kanilang maayos na growth at development.
Kaya naman payo pa rin ni de Bonvoisin, mahalaga na dapat ipaalala sa iyong mga anak na siya’y ligtas o safe kapag kasama ka. Maaaring sabihin ito sa kaniya sa gabi bago matulog. Halimbawa sa pamamagitan ng pagsisiguro sa iyong anak na matulog siya ng mahimbing dahil nandyan ka lang sa kaniyang tabi at magbabantay sa kaniya. O kaya naman kapag siya’y nasaktan o nadapa. Sabihin sa kaniya na wala siyang dapat ipag-aalala dahil nandyan ka sa tabi niya. Sa tuwing kasama ka niya, siya’y siguradong ligtas at alam niyang walang masasamang mangyayari sa kaniya.
Photo by Budgeron Bach from Pexels
Sapat ka na o “You are good enough.”
Oo nga’t bilang isang magulang ay nais natin ng the best lagi sa ating mga anak. Gusto natin lagi silang nangunguna. Laging sila ang star, lagi silang number one. Mukha mang inosente ang mukha ng iyong anak, ang pagpaparamdam sa kaniya na siya’y dapat mag-excel pa sa kahit anong bagay na ginagawa niya’y nakaka-pressure. Ang pressure na ito maaaring magdulot sa kaniya ng pagkabahala. Dahil sa takot na sila’y magkamali o ma-disappoint ka.
Kaya bilang isang magulang, dapat mong iparamdam sa kaniya na para sa ‘yo siya’y sapat na. Wala na siyang dapat patunayan. Sapagkat bilang iyong anak, mahal mo siya kung sino siya. Tanggap mo siya kung sino siya. Kahit hindi man laging mataas ang grades niya sa school. Hindi man siya natanggap sa basketball try-outs o kaya naman sa entrance exam ng isang university. Hindi man siya nanalo sa dance competition na sinalihan niya. Ano man ang talent at skills niya, iparamdam sa kaniya na very proud ka sa kaniya. Sapagkat marami pa siyang bagay na maaaring gawin sa tulong ng suporta at pagmamahal mo sa kaniya.
Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa mga sikreto sa kung paano magpalaki ng anak na puno ng pagmamahal. Kung hindi pa ito ginagawa, mabuting simulan na itong gawin ngayon at tunghayan sa iyong sarili ang nito sa iyong anak.
Source:
Psychology Today, Researchgate
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!