Para sa mga working moms, hindi laging madali ang pagkakaroon ng work-life balance dahil minsan, kailangan magsakripisyo ng oras sa pamilya, para lang makapagtrabaho at kumita ng pera.
Madaling sabihin na kailangan lang ng time management para magkaroon ng work-life balance, pero ang katotohanan ay hindi ganung kasimple.
Kaya heto ang ilang mga tips para sa mga working moms:
Wag kayong ma-guilty!
Mahirap para sa kahit sinong ina ang iwan ang mga anak nila para magtrabaho, pero hindi rin naman tama na mastress at ma-guilty ka dahil dito, lalo na at kung ginagawa mo naman ang lahat ng makakaya mo upang magtrabaho at alagaan ang iyong mga anak.
Ang pinakamahalaga mong dapat tandaan ay kung bakit ka ba nagsasakripisyo. Lahat ito, ay para sa mga anak mo.
Mahalaga ang pagkakaroon ng yaya
Sa panahon ngayon, mahirap na makahanap ng yaya na mapagkakatiwalaan. Kaya importante na siguraduhin mong humanap ng isang tao na mahusay, mabait, marunong mag-alaga, at higit sa lahat, mapagkakatiwalaan mo, lalo na at sila ang magiging pangalawang magulang ng mga anak mo.
Importante ang pagiging hands-on
Syempre, kahit na may katulong ka mag-alaga ng mga anak mo, importante pa din ang pagiging hands-on sa pag-aalaga. Mga maliliit na bagay tulad ng paghahanda ng kanilang baon, paghahatid sa kanila sa school, pag-aayos ng gamit nila bago pumasok etc.
Sa pamamagitan ng mga maliliit na bagay na ito ay mararmdaman ng iyong mga anak ang pagmamahal ng isang ina, at kahit hindi mo sila palaging kasama ay mas mauunawan din nila kung bakit mo kailangan magtrabaho.
Gumawa ng schedule
Tulad sa trabaho, mahalaga ang schedule upang magkaroon ka ng work-life balance. Siguraduhin mo na pagdating sa mga importanteng pangyayari sa buhay ng mga anak mo, tulad ng kanilang birthday, graduation, recital, mga pagsali sa contests, etc. ay lagi kang maglalaan ng oras.
Mahalaga din ang mga weekends, dahil ito ay ang panahon na mas magkakasama kayo ng pamilya mo. Kung kailangan mong mag overtime para hindi mo na kailangang magtrabaho kapag Sabado at Linggo, mas mabuti.
Tiyaga ang mahalaga
Mahirap maging isang working-mom. Lahat ng ina ay gustong makasama palagi ang kanilang mga anak, kaya talagang malaking sakripisyo sa isang ina ang hindi magkaroon ng sapat na oras para sa kanyang anak at pamilya.
Gayunpaman, hindi natin maikakaila ang sipag at tiyaga ng mga working-mom na kahit papano ay nabibigyan pa rin ng panahon ang kanilang mga anak. Mahirap sa bata ang lumaki sa yaya, dahil iba pa rin ang alaga at pag-aaruga na kayang ibigay ng isang ina.
Source: parents.com
READ: Achieving work-life balance: Tips for busy moms
Be sure to check out theAsianparent Community for more insightful stories, questions, and answers from parents and experts alike. If you have any insights, questions or comments regarding the topic, please share them in our Comment box below. Like us on Facebook and follow us on Google+ to stay up-to-date on the latest from theAsianparent.com Philippines!
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!