Ang karanasan ng kabiguan sa buhay ay nangyayari mula sa ating pagkabata hanggang sa tayo ay tumanda. Sa panahon ngayon ng samu’t-saring suliranin, paano ba dapat aluin ang iyong anak kapag siya naman ang napaharap sa kabiguan?
Bagaman karamihan sa atin ay hindi masyadong pinagtutuunan ng pansin ang mga anak kapag nabibigo sila, mabuting alamin natin mula sa isang child psychologist ang mga dapat gawin para aluin ang iyong anak.
Bakit dapat aluin ang iyong anak kapag nabibigo siya
Kapag napapaharap sa pagsubok ang mga bata, dalawang bagay ang dapat na agad isaisip ng mga magulang: ang pagaanin ang loob nila at tulungan silang mapagtagumpayan ang pagsubok.
Karamihan sa mga magulang ang tumitigil lamang sa pagpapagaan ng loob ng bata dahil ayaw nilang naririnig ang pag-iyak nito o ayaw nilang inaabala sila ng mga bata sa tuwing nabibigo ito.
Ngunit ipinunto ni Alan Kazdin, isang sterling professor ng Psychology at Child Psychiatry sa Yale University, na mahalagang maturuan ang mga bata na maging matiyaga sa pagresolba ng anumang pagsubok na kinakaharap nila.
“Persistence is what drives actions such as finishing a task, pushing through frustration, putting in time and effort, or finding creative approaches to a challenging problem,” sabi niya.
Kapag inaalo (comfort o console) ang bata sa tamang paraan, natututunan ng bata na maging bukas sa komunikasyon at natututo siyang magtiwala na kayang ayusin ang anumang problema na dumadating sa buhay.
“The ability to keep trying early in life is linked to all sorts of favorable outcomes years later, according to research—including a greater likelihood to succeed in schools, careers and personal relationships,” dagdag niya.
3 paraan kung paano aluin ang iyong anak
1. Maging mabuting halimbawa sa mga bata
Alam nating lahat na ang mga bata ay sensitibo sa anumang bagay na nakikita niya sa kanyang paligid. Iniaangkop ng mga bata ang kanilang sarili sa mga bagay na ginagawa ng mga nakatatanda sa kanila kaya mahalagang magsilbing role model nila.
“Parents who noticeably struggle with something, but continue to pursue the activity anyway, and repeat that pattern over time, may naturally foster persistence in a child,” sabi ni Professor Kazdin.
Dagdag niya: “It helps if the parent narrates what he or she is trying to accomplish out loud, and talks about any new approach to the goal: “Hmm, that did not work. Let me try another way.”
2. Purihin sila kapag nagsisikap silang maresolba ang kabiguan nila
Kilalanin ang anumang pagsisikap ng mga bata na ayusin o resolbahin ang mga bagay na naging dahilan ng kanilang kabiguan sa pamamagitan ng mga simpleng papuri.
Malaking bagay sa mga bata na nakikita nilang pinapahalagahan ng kanilang mga magulang ang mga nagagawa nilang achievements at mas lalo silang nagsisikap na paghusayan ito.
“In general, if you spot the child trying hard or harder than she usually does and working through tasks, praise them for what they are doing,” sabi ni Professor Kazdin.
3. Tulungan at gabayan ang mga bata kung nahihirapan na sila
May ilang pagsubok ang mga bata na hindi nila kayang harapin ng mag-isa. Kaya bilang magulang, dapat handa ka rin na suportahan at gabayan sila upang malagpasan ito.
Subukan silang tulungan mula sa maliliit na bagay gaya ng pagbuo ng mga puzzle o pagsagot ng mga trivia hanggang sa matutunan na nila ito kalaunan.
“Depending on how it is going, have the child do more and more of the task while you keep him or her company. If that is too much, and you continue to take turns, that is fine,” sabi ni Professor Kazdin.
Nakasalalay sa mga magulang ang mga paraan kung paano nila dapat aluin ang kanilang mga anak dahil sila ang higit na nakakakilala sa kanila. Sa huli, ang mga bata pa rin ang dapat na humarap sa kanilang mga pagsubok hanggang sa sila ay tumanda.
“Some people are more naturally persistent than others. Without training, some people are excellent, others less so. But where we start is not the same as where we end up,” sabi niya.
“Repeated practice can teach children that the process is important — sometimes just as important as the goal.”
Source: Time
Images: Shutterstock, Videoblocks
BASAHIN: 5 tips kung paano maging mas mabuting magulang
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!