Paano ngaba maging mabuting magulang sa ating mga anak?
Maliban sa pag-iisip kung paano maibibigay ang tama at maayos na pangangailangan ng anak. Isang malaking tanong din sa atin ang kung paano maging mabuting magulang.
Walang taong perpekto ganun din ang mga magulang, lahat tayo ay dadaan sa pagkakataon na tila nauubusan na tayo ng pasensya sa ating anak. At mula doon, maiisip mo na maaring hindi ka na isang mabuting magulang para sa kanila.
Ayon kay Dr.Laurence Steinberg, isang child psychologist, ang good parenting o ang pagiging isang mabuting magulang ay dapat tumutulong sa paghubog ng isang batang may empathy, honesty, self-reliance, self-control, kindness, cooperation at cheerfulness. Dapat din daw ay nagpro-promore ito ng intellectual curiosity at motivation.
Paano maging mabuting magulang? Ang good parenting din daw ay dapat pumuprotekta sa mga bata sa pagdevelop ng anxiety, depression, eating disorders, anti-social behavior at alcohol and drug abuse.
Paano maging mabuting magulang? | Image from Shutterstock
Ayon naman kay Dr. Laura Markham, isang psychologist at parenting coach, para maging isang mabuting magulang ay may limang bagay kang kailangang gawin at baguhin sa pakikitungo sa iyong anak. Ito rin ang magiging daan upang magkaroon ng masaya at mapagmahal na tahanan ang iyong anak. Ang pagiging responsableng magulang ang daan para rito.
5 Tips kung paano maging mabuting magulang
1. Matutong mag-control o mag-self-regulate ng iyong emotions
Ang unang hakbang para mas maging pasensyoso sa iyong anak ay ang pagkakaroon ng healthy at self-nurturing na lifestyle. Ito ay iyong magagawa sa pamamagitan ng pagtulog ng maaga para makapagpahinga ng maayos, pagkain ng masustansya para ma-maintain ang iyong energy, pag-transform sa mga negative comments bilang form of encouragement at pag-isslow down sa paggawa ng mga bagay para hindi ka masyadong stress. At ang pinakaimportante sa lahat ay ang pagco-commit sa pagma-manage ng iyong reactions at emotions. Kaya ugaliin ang pagiging responsableng magulang sa iyong mga anak.
Tulad na lamang pag nagtatantrums ang iyong anak. Bago mo siya kausapin ay pakalmahin mo muna ang iyong sarili upang maayos mong masabi sa kaniya ang gusto mong sabihin.
Sa ganitong paraan ay mas maiintindihan niya na mali ang kaniyang ginagawa at mararamdaman niya ang pagmamahal at pagmamalasakit mo sa kaniya. Sa una ay mahirap gawin ngunit ito ay makakasanayan mo rin at iyong makikita ang malaking pagbabagong maidudulot nito sa kaniyang pag-uugali.
Paano maging mabuting magulang? | Image from Freepik
2. Mahalin ang iyong anak bilang siya
Ang bawat bata ay unique kaya naman kailangan rin ng magkakaibang approach para maipakita ang pagmamahal mo at pagpapahalaga sa kanila. Huwag mong asahang tulad ng ibang bata ay ganun din ang iyong anak.
Dapat ay matuto kang mahalin at tanggapin siya bilang kung sino siya habang ginagabayan siya sa tamang pag-uugali. Ang sikreto dito ay empathy o pagiging sensitive o pakikibahagi sa bawat step ng kaniyang buhay. Dapat ay maramdaman niyang sa lahat ng oras ay nariyan ka para sa kaniya na handang umitindi at umalalay habang tinuturuan din siya ng mga tama at mali.
3. Maging connected
Ang mga bata ay sumusunod at nakikipag-cooperate kapag nararamdaman nilang connected sila sa iyo. At ang pagkakaroon ng connection na ito ay maisasagawa sa pamamagitan ng pagkakaroon ng quality time sa kanila. Maaari mo itong gawin sa pamamagitan ng pagyakap sa kanila pagkagising sa umaga o ang paghalik sa kanila bago ka umalis at magpaalam.
Matapos ang hindi pagkikita ng ilang oras ay mag-spend ng 15 minutes sa iyong anak na siya lang ang focus at inaasikaso mo. Yakapin siya, makipaglaro o kumustahin kung ano ang nangyari sa kaniya habang ikaw ay wala.
Bago mag-hapunan ay patayin ang iyong cellphone at computer at mag-focus sa iyong pamilya. Bago matulog ay iparamdam sa kanila ang iyong pagmamahal sa pamamagitan ng goodnight kiss o pakikipagusap sa kanila.
Paano maging mabuting magulang? | Image from Freepik
4. Maging role model
Ang pagiging responsableng magulang ang susi para rito. Ang isang bata ay gumagaya lang sa kaniyang nakikita. Kaya naman para magpakita sila ng maganda ring asal ay maging isang example o role model para sa kanila. Matutong makipagusap sa kanila ng may respeto at may konsiderasyon. Kapag nagagalit lagi mong tatandaan at sasabihin sa iyong sarili ang mga mantras na ito.
- Ako ay isang role model.
- Isa siyang bata at hidi niya pa alam ang kaniyang ginagawa.
- Lilipas din iyan at matuto siya.
5. Bigyang pansin ang kailangan at damdamin ng iyong anak na dahilan ng kaniyang behavior
Isa sa pinakaimportanteng oras ng pagiging connected sa iyong anak ay kapag siya ay nag-tatantrums o nagpapakita ng misbehavior. Sa oras na ito ay dapat mong bigyan pansin kung ano ang kailangan niya o nararamdaman kung bakit siya nagwawala. Imbis na siya ay bigyan ng punishment ay maging loving example tulad ng pag-iencourage sa kaniya sa kung anong gusto niyang sabihin na hindi nagwawala o nanakit ng iba.
Ang sagot sa kung paano maging mabuting magulang ay hindi madali. Isa itong proseso na nagbibigay daan sa mas magandang samahan ng isang anak at magulang. Sa lahat ng oras ay dapat lang isipin na ikaw ay isang role model na kung saan ang bawat kilos mo ay tinitingnan ng iyong anak. Kaya naman para humubog ng isang mabuting anak, ang una mong kailangan gawin ay maging isang mabuting magulang muna.
Sources: WebMD, Psychology Today, Psychology Today
Basahin: How not to raise entitled kids
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!