DepEd Commons: Libreng online learning portal para sa mga bata

Narito kung paano mai-enjoy ng iyong anak ang DepEd online learning portal na ito, habang nasa inyong bahay lang.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paano gamitin ang DepEd commons? Narito kung paano matututo at mag-ienjoy ang iyong anak sa DepEd online learning portal na ito.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Ano ang DepEd Commons?
  • DepEd online learning portal
  • Step by step guide kung paano ma-access at gamitin ang DepEd Commons

Paano gamitin ang DepEd commons | Image from Freepik

DepEd Commons

Ang DepEd Commons ay ang DepEd online learning portal na ganap na binuksan noong March 17, 2020 ng Department of Education.

Sa pamamagitan ng online platform na ito ay maari ng mag-upload ang mga pampublikong guro ng teaching materials na maaring ma-access ng kanilang estudyante gamit ang internet.

BASAHIN:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

LOOK: Official DepEd academic school calendar ngayong S.Y 2020-2021

DepEd’s Modular Learning: Mga dapat paghandaan at tandaan

Ready na ba sa online learning ang anak mo? 15 laptop na pasok sa budget

Ayon sa DepEd mula noong soft launch ng DepEd commons nitong Marso 14 hanggang Abril 1 ay mayroon na itong 2,614,605 users. Ito ay palatandaan na maganda ang pagtanggap ng mga guro at mag-aaral sa malaking hakbang na ito ng ahensya na makapagbigay ng alernatibong paraan upang matuto ang mga bata sa gitna ng krisis at habang nasa bahay lang.

“I think we made the right decision to launch. It even if it was still incomplete. We took advantage of the ECQ [Enhanced Community Quarantine], as we know that teachers and students can continue their teaching and learning at home as long as we provide them the option or the opportunity to do it, and that is the essence of DepEd Commons.”

Ito ang pahayag ni DepEd Undersecretary for Administration Alain Del Pascua tungkol sa pagbubukas ng DepEd online learning portal. Bagamat sinabi niyang hindi pa ito ganap na kumpleto.

Paano gamitin ang DepEd commons | Image from Freepik

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

DepEd online learning portal

Ang DepEd Commons ay ang nakikitang sagot ng ahensya sa mga panahong imposible ang ang face-to-face instruction. Tulad ngayon na suspendido ang mga klase ng dahil sa pinatutupad na enhanced community quarantine.

“We have longed for the time when suspension of classes will not in any way obstruct nor delay the education of our school children. Whenever we experience typhoons, floods, earthquakes, volcanic eruptions, and armed siege, we worry about the lost days and opportunities for the next generation’s education.”

Ito ang dagdag na pahayag ni Pascua.

Pinasalamatan naman ng mga guro at magulang ang pagbubukas ng DepEd online learning portal na ito. Maliban sa matututo ang mga bata ay mai-ejoy rin nila ang paggamit nito. Dahil maaring mamili ang mga bata sa paraan na gusto nilang matuto. Maaring ito ay sa pamamagitan ng puzzles, games o powerpoint slides na kung saan makikita ang kanilang aralin.

Reaksyon mga magulang at guro

Magandang pagkakataon rin ito upang magabayan ng mga magulang ang kanilang anak sa pag-aaral. At isang mainam na paraan upang sila ay magkaroon ng productive at quality time ng magkasama.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“As a teacher po nila, I can say na napakalaking tulong po sa mga bata nito lalo na po na nakahome quarantine. Masasabi ko po na this is the best way to continue their learnings even without their teachers. Nag eenjoy na sila, natututo pa.”

Ito ang pahayag ni Teacher Alleluia Romero ng Indang Central Elementary School sa Cavite.

“Sobrang helpful po ang DepEd Commons sa mga bata especially now na sa gadgets na po nakatutok ang mga bata lalo walang pasok. May mga options pa po sila pwede makapag- advance once na malampasan na nila yung para sa level nila. Kitang kita po yung tuwa sa kanila lalo na kapag nakikita nila na tama yung sagot nila. Big help din po ito para hindi na puro games lang ang ginagawa nila while using gadgets.”

Ito naman ang pahayag ng ina na si Jasmin Papa.

Paano gamitin ang DepEd commons | Image from Freepik

Paano ma-access at magagamit ang DepEd Commons? Step by step guide

Upang magamit ng iyong anak ang DepEd Commons ay kailangan niya ng internet. Pati na smart phone, tablet, laptop o desktop computer na kung saan maaari niyang buksan ang learning portal.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

1. Hanapin sa google ang DepEd Commons o kaya naman ay bisitahin ang website nito na https://commons.deped.gov.ph/.

2. Sa landing page ng DepEd Commons website ay hanapin at piliin ang pangalan ng school ng iyong anak. 3. Kapag nakita at napili na ang school name ng iyong anak ay i-click ang save button. 4. Sunod na lalabas ang mga grade level na maaring pagpilian kung saan nabibilang ang iyong anak. Piliin at i-click ang kaniyang grade level. 5. Matapos piliin ang grade level ay saka naman maglalabasan ang mga subjects na mayroon ang iyong anak. Tulad ng Mathematics, Science, English, Araling Panlipunan, Filipino, at iba pa. Ang mga subjects na available sa DepEd online learning portal ay naka-depende sa grade level ng iyong anak. 6. Kapag napili na ang subject na gustong aralin ay lalabas ang mga available resources na mayroon sa online learning portal. Dito ay maaring mamili kung gustong matuto sa pamamagitan ng games o puzzle. I-click lang ang “Go to link” button upang ito ay mabuksan.

Mayroon rin namang available resource na maaring i-download kung gusto itong pag-aralan sa susunod pang mga oras.

Bagamat sa ngayon ang DepEd Commons ay para lamang sa mga estudyanteng may access sa internet, patuloy naman na gumagawa at umiisip ng paraan ang DepEd na mabigyan rin ng pagkakataon ang mga batang hindi ma-access ito na matuto habang nasa kanilang bahay lang.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

SOURCE:

DepEd Gov, Manila Bulletin