Ngayong school year 2020-2021, tuloy na tuloy ang klase sa gitna ng pinagdadaanan nating pandemic. Isa sa mga naisip na paraan ng DepEd para matuloy ang academic school year ngayon ay ang modular learning dito sa Philippines.
Balik eskuwela ngayong school year 2020-2021
Hindi naging maayos ang pagtatapos ng school year 2019-2020 para sa mga mag-aaral rito dahil sa nangyaring COVID-19 outbreak. Matatandaang Enero 2020 ay unang umingay ang virus na ito sa bansa. Kasabay nito ang sunod-sunod na pagkakansela at pagsuspinde ng pasok sa mga eskuwelahan dahil sa banta ng COVID-19.
Modular Learning in Philippines | Image from Freepik
Dahil nga nagbaba na rin ng utos na lockdown na ang buong Luzon, hindi na nakapasok ang mga estudyante sa kanilang paaaralan. Ito’y hanggang matapos ang school year na ito. Naging kumplikado ang mga pangyayari at takbo nito. Ang iba’y nagkansela na rin ng mga graduation ceremony para pagsunod sa social distancing. Ipinagbawal na rin kasi ang mass gathering para sa gayon ay makaiwas kahit papaano sa pagkalat ng COVID-19.
Sa public briefing na ginanap noong nakaraang buwan sa Laging Handa, opisyal na inanunsyo ni Department of Education Secretary Leonor Briones ang pagbubukas ng school year 2020-2021 sa Philippines ngayong August 24 (ngunit ngayon ay naurong sa October 5).
“Nai-report ko na sa IATF last week at nasabi ko na ang naipili naming date. Dahil sa pag-consultation namin, ang preference nila ay August… Ang napili nating school opening date ay August 24,”
Ngunit dahil sa banta pa rin ng COVID-19 sa bansa, hindi magiging normal o dating kinagawian ang pagsisimula ng bagong school year ng mga estudyante.
Modular Learning in Philippines | Image from Freepik
Ayon kay Secretary Briones, maaaring pumunta mismo sa school ang estudyante o kaya naman via online ang pag-aaral. Ang pagpasok ng rstudyante ay nakabase sa magiging desisyon ng government task force bawat lugar. Ang mode of learning na ito ay tinatawag na ‘Blended Learning’
Nakapaloob sa Blended learning ang pagbibigay ng printed o digital study modules na ihahatid mismo sa mga estudyante, ito’ y ang Modular Learning. Maaari rin naman kuhain ito ng mga magulang ng bata sa designated place na itatalaga ng paaralan. Isa pang uri ng learning ngayon ay ang online learning kasama na ang TV at radio.
Ang klase ay magtatapos sa April 30, 2021.
DepEd’s Modular Learning: Mga dapat paghandaan at tandaan
Unang inanunsyo sa publiko na ang pagbubukas ng klase para sa school year 2020-2021 ay sa August 24 ngunit ito ay inilipat din ngayong October 5. May ibang paaralan naman ang nagsimula na at ito nga ang tinatawag na online o distance learning.
Sa mga uri ng learning na ito, mahigpit na ipinagbabawal muna ang face-to-face o pisikal na pagpunta ng mga estudyante para mag-aral sa paaralan. Sa ibang paaralan, sila naman ay nasa ilalim ng module learning.
Libre ba ang printed module?
Ayon sa Department of Education, ang printed module materials ay libre o walang bayad at hindi na kailangang bumili pa ng gadgets na isang pangunahing problema ng karamihan.
Modular Learning in Philippines | Image from Freepik
Paano makukuha ang printed module?
Ngayong taon, bibigyan ng kanilang guro ng SLM o printed module ang mga estudyante bawat quarter. Ang printed module na ito ay hatid ng DepEd at kailangang ibigay sa mga magulang ng estudyante bago magsimula ang klase. Kung bigo namang kuhain ito mismo sa paaralan, maaari itong makuha sa mga naitalagang barangay. Ang distribution na ito ay apat na beses mangyayari.
Paano kapag tapos nang sagutan ng anak ko ang module?
Pagkatapos sagutan ng iyong anak ang mga module na ito, ang mga magulang nila’y dadalhin ito sa paaralan at ibibigay sa kanilang guro o designated pick up point. Pagkatapos nito, ang mga estudyante ay sasailalim sa summative exercises o performance task ng paaalan.
Nasa tinatayang 13 million na public school students ang gagamit ng printed module, ayon kay Education Undersecretary Diosdado San Antonio.
Bukod dito, magsasagawa ng 14 episode na webinar ang Department of Education para sa magulang ng mga estudyante. Ito ay may temang “Isulong! Karapatan ng Bata sa Panahon ng COVID-19” na mangyayari sa buong buwan ng September hanggang unang linggo ng October.
Source:
Rappler
BASAHIN:
Online classes maaaring ma-extend ng 7 hanggang 8 oras, ayon sa DepEd
Teacher na dumalo sa online class na walang damit pantaas, suspendido
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!