Simula na ang enrollment ngayong June para sa mga schol na nagpatupad ng online class. Ang tanong, nakapag enroll na ba ang iyong anak? Narito ang listahang ng mga online enrollment na hatid ng DepEd.
School year 2020-2021
Sa pagbubukas ng klase ngayong Agust 24, sunod-sunod na ang paghahanda ng mga paaralan para sa school year 2020-2021. Ngayong June na rin kasi ang pagsisimula ng enrollment para sa darating na pasukan.
Dahil may banta pa rin ng COVID-19 sa bansa, nagtaas na ng protocol tungkol sa pagpasok ng mga studyante sa paaralan. Dito na pumapasok ang online study ng mga studyante.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ang pagbabalik eskwela ng mga estudyante ngayong School Year 2020-2021 ay tuloy na tuloy pa rin. Ang enrollment ay nagsimula noong Lunes, June 1. At ang pagbubukas ng klase ay mag-uumpisa sa August 24, 2020.
“Ang sigurado po, tuloy ang pag-aaral ng mga kabataan. Ang isyu na lang, ano ang sitwasyon pagdating ng Agosto 24. Ito ba ay sapat na para tayo ay mag-face-to-face o blended.”
Paglilinaw ni Presidential Spokesman Harry Roque, ang face-to-face classes o yung pisikal na pagtuturo ay para lamang sa mga lugar na hindi nakataas ang community quarantine.
DepEd online enrollment | Image from Freepik
“We are preparing for the possibility of both: Face-to-face and blended learning,”
Samantalang ang ibang lugar kung saan nakataas pa rin ang community quarantine ay magsasagawa ng tinatawag na blended learning.
Naging issue ang pagpapatigil ng enrollment nang matatandaang tumutol si Pangulong Duterte sa pagbabalik eskwela ng mga studyante ngayong school year 2020-2021. Diin ng pangulo, walang mangyayaring balik eskwela hangga’t wala pang vaccine kontra COVID-19.
DepEd remote online enrollment: Paano mag-enroll ngayong pasukan?
Ayon kay DepEd Spokesperson Undersecretary Annalyn Sevilla, hindi kailangang magmadali ng mga magulang na asikasuhin ang mga kailangan para sa school ng kanilang mga anak. Ito ay dahil ang mga teacher nila noong nakaraang taon ang mismong magbibigay ng instructions kung paano ang enrollment ng mga bata ngayong taon.
DepEd online enrollment | Image from Unsplash
Ginagawan naman nila ng paraan para matulungan ang bata na hindi abot o walang access sa technology. Ito ay sa pamamagitan ng pag contact nila sa LGU o local government.
Ang mga studyanteng hindi makakapag enroll online ay kailangang pumunta mismo sa kanilang school sa huling dalawang linggo ng June. Ito ay para maasikaso ang enrollment na nakaligtaan. Ngunit ito ay nakabase pa rin sa magiging pamamalakad ng naturang school.
Narito ang mga sample ng remote online enrollment process at procedure:
Narito naman ang video sample ng implementaion at plano ng mga paaralan:
DepEd online enrollment | Image from Freepik
Kasama ng protocol na ito, mahigpit pa ring ipinag uutos ang mga safety measures para maiwasan ang mahawa sa virus na COVID-19 lalo na ngayong magbubukas ang klase. May iba pa rin kasi na papayagan ang face-to-face learning lalo na ang mga college students.
Social distancing, paghuhugas ng kamay, pagtatakip ng ilong kapag babahing, pag-iwas sa mga matataong lugar, pag susuot ng mask at pag papanatili ng disiplinadong ugali; ilan lamang ito sa mga safety measures na kailangang tandaan ng mga studyante sa pagbubukas ng klase.
Source: Manila Bulletin
BASAHIN: LOOK: Official DepEd academic school calendar ngayong S.Y 2020-2021
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!