Paano gumamit ng breast pump? Bakit may dugo ang pumped breastmilk ko?
Ito rin ba ang katanungang gumugulo sayo Mommy? Huwag ng mag-alala dahil narito na ang sagot sa katanungan mo.
Maling pag-aakala ng isang breastfeeding na ina
Isang Thai actress ang nagbahagi ng isang larawan sa Instagram na nagdulot ng pagkatakot sa mga inang katulad niya. Aktres ibinahagi ang larawan ng kaniyang pumped breastmilk na may kasamang dugo na hindi niya din alam kung paano nangyari.
Ayon sa aktres na si Panward Hemmanee, 39-anyos ay nakakaramdam siya ng sakit sa tuwing siya ay nag-pupump ng kaniyang breastmilk. Ngunit tinitiis niya ito sa pag-aakalang ito ay normal lang.
Mabuti nalang ay agad siyang nagpatingin sa kaniyang doktor na kung saan nalaman niyang siya pala ay gumagamit ng breast pump sa maling paraan.
Ayon sa doktor niya ay gumagamit ang aktres ng suction na napakalakas na naging dahilan para mapunit ang kaniyang capillaries at kaniyang nipples. Ito ang paliwanag kung bakit may dugo ang pumped breast milk niya.
“I misunderstood that pumping with the strongest pressure would clear my milk better and faster to prevent clogging.”
Ito ang maling akala at paniniwala ng aktres.
Dagdag pa ng aktres bagamat siya ay ina na ng dalawang supling ay aminado siyang marami pa siyang hindi alam at kailangang matutunan.
Sa ngayon ay patuloy parin nagpupump ng kaniyang breast milk ang aktres. Dahil pagsisiguro ng kaniyang doktor hindi naman ito seryosong problema. Ngunit, dapat ngayon ay gawin niya na ito ng tama.
Mga dahilan kung bakit mayroong dugo ang breast milk
Samantala, ang ilang maaring maging dahilan kung bakit nagkakaroon ng dugo ang pumped breast milk ay ang sumusunod:
1. Cracked nipples
Ang cracked o damaged nipples ang kadalasang dahilan kung bakit nagkakaroon ng dugo ang breast milk ng isang ina. Ang pangunahing dahilan kung bakit nangyayari ito ay ang poor positioning ng baby sa tuwing ito ay sumususo sa kaniyang ina. Kapag si baby ay sumususo o dumede ng malakas, ito ang nagdudulot ng pagdurugo sa tissue na mapapansin sa iyong breast milk.
Ang solusyon dito ay ang tamang paraan at pwesto ng pagpapasuso na maituturo sayo ng mga lactation consultants.
2. Vascular engorgement
Ang vascular engorgement ay kilala rin sa tawag na Rusty Pipe syndrome. Ito ay dahil sa rust-color ng breastmilk na nararanasan ng isang ina pagkatapos manganak. Dulot ito ng increased blood flow sa suso ng ina na kailangan sa development ng milk ducts at milk-making cells sa kaniyang suso.
Walang lunas sa kondisyon na ito dahil kusa naman itong nawawala sa loob ng isang linggo. Ayon sa mga eksperto, ay maari paring magpatuloy sa pagpapasuso ang breastfeeding mom na nakakaranas nito.
3. Intraductal papilloma
Ang intraductal papilloma ay ang pagtubo ng isang maliit na bukol sa lining ng milk ng duct ng suso. Ang bukol na ito ay nagdurugo kapag nadurog o pumutok na.
Ang breast papilloma ay hindi delikado at ang pagdurugo na dulot nito ay kusang hihinto.
4. Broken capillaries
Ang broken capillaries ay dulot ng sobrang pagpiga o malakas na pag-pump ng gatas mula sa suso. Ito ay dulot din ng maling paggamit ng breast pump na madalas na dahilan ng kondisyong ito.
Kung makakapansin ng dugo sa iyong breastmilk habang gumagamit ng breast pump ay i-turn down ang suction nito. Sa ganitong paraan ay mababawasan ang pressure sa area ng damage na capillaries at unti-unti na itong maghihilom.
Paano gumamit ng breast pump
Ang unang kailangang siguraduhin sa tuwing gagamit ng breastpump ay dapat malinis at na-sterilized ang mga parte nito. Para magamit ito ng maayos ay makakatulong ang pagbabasa ng manual para ma-familiarize ka sa proseso ng pagpupump ng iyong suso.
Ito ang mga general steps na kailangang sundin sa kung paano gumamit ng breast pump na manual.
- Maghugas ng iyong kamay para masigurong ito ay malinis.
- Saka masahiin ang iyong suso ng dahan-dahan na parang ito ay pinupump.
- Kapag na-istimulate na ang iyong suso ay saka ilagay ang iyong nipple sa loob ng pump saka ito i-posisyon ng flat sa iyong suso.
- Simulang i-pump ang iyong suso ng dahan-dahan sa rhythmical at smooth action ng tulad ng pagsuso ng iyong sanggol.
- Ulitin ang steps 3 at 4 sa kabila mong suso. Magpapalit-palit sa magkabilang suso para sa mas malakas na milk flow.
- Tapusin ang proseso sa pamamagitan ng pagpiga ng iyong suso gamit ang iyong kamay.
Ito naman ang tamang paraan ng paggamit ng electric breast pump.
- Maghugas ng iyong kamay para masigurong ito ay malinis.
- I-assemble ang breast shield, milk container, tubing at breast pump.
- I-posisyon ang breast shield sa iyong suso. Dapat ito ay fitted at hindi masakit. Ang tunnel size nito ay dapat 3 to 4 millimeters na mas malaki sa iyong nipple. I-pwesto ito na kung saan ang sentro ay ang iyong nipple at saka i-press para masigurong ito ay sealed sa iyong suso.
- Isipin ang iyong baby para ma-stimulate ang let-down reflex o para mas dumami ang milk supply mo. Saka buksan ang pump sa low intensity setting. Maari mong unti-unting dagdagan ang intensity ng pump basta hindi ito nagdudulot ng pananakit sa iyong suso. Ipagpatuloy ang pag-aadjust haggang sa mag-flow ng mas malakas ang gatas mo
- Pagkatapos gumamit ng pump ay linisan ang breast shield at ipa pang parte nito na nalagyan ng breast milk. Siguraduhing basahin ang manual ng electric breast pump na gagamitin dahil may iba’t-ibang paraan ng paglilinis ng mga ito.
Para mas mabigyan ng sapat na impormasyon sa tamang paraan kung paano gumamit ng breast pump at tamang pagpapasuso ay mabuting makipag-usap sa isang lactation consultant.
Source: Healthline, The AsianParent, AsiaOne
Basahin: 4 breastfeeding positions para sa tamang pagpapasuso kay baby