7 tips para tumaas ang chance na makabuo ng baby boy

7 tips para tumaas ang chance na makabuo ng baby boy

Nais malaman kung paano gumawa ng baby boy? Narito ang ilang tips para makapagpataas ng chance na magkaroon ng junior si mister.

Kapag natatanong ang mga expectant parents kung anong mas gustong kasarian ng baby, kadalasang sagot ay kahit ano – basta healthy ang baby.

Kahit pa hindi basehan ang kasarian sa pagmamahal sa baby, may mga ilan na hinihiling na magkaroon ng baby boy. Halimbawa, kung ang pangganay ay babae, maaaring gustuhin ng magulang na magkaroon ng baby boy para maging balanse.

Alamin natin kung paano gumawa ng baby boy.

Teorya kung paano gumawa ng baby boy

how to conceive a baby boy

May sigurado bang paraan kung paano gumawa ng baby boy? | Image source: Unsplash

May iba’t ibang bagay na nakaka-apekto sa kakayahan gumawa ng tiyak na kasarian ng isang baby. Mula sa uri ng pagkain na maaaring kainin para sa baby girl, o maging pagkain ng ilang prutas para sa baby boy!

Ngunit, sinusuportahan ba ng siyensiya ang mga ito?

Ayon kay Dr. Shettles, meron! Sa kaniyang best-selling na librong “How to Choose the Sex of Your Baby,” sinulat niya na magkaiba ang katangian ng lalaki at babaeng sperm.

Sinasabi ng mga pag-aaral na ang lalaking sperm ay mas maliit, mas mahina, ngunit mas mabilis kumpara sa babaeng sperm. Sa katotohanan, ang mga babaeng sperm ay mas matibay at mas kayang tumagal sa loob ng katawan nang mas matagal.

7 Tips kung paano gumawa ng baby boy

paano gumawa ng baby boy

Sundin ang mga tips na ito kung nais magkaroon ng baby boy! | Image source: Shutterstock

Paano gumawa ng baby boy? Gamitin ang mga tips na ito para tumaas ang chance na magkaroon ng baby boy sa pagsimula o pagpapalaki ng pamilya.

Isa pa: Para sa eksklusibong access sa mga parenting, health, child development articles at mga advice, i-download ang libreng theAsianparent app dito.

1. Alamin ang iyong cycle

Ang sino mang sumusubok magka anak ay kilala ang kanilang ovulation cycle. At sa kagustuhang magkaroon ng baby boy, masmahalaga ang impormasyon na ito. Para magkaroon ng lalaking anak, kailangang gawin ang pagbuo nang malapit sa ovulation.

Tulad ng sinabi ni Dr. Shettles, ang male-producing sperm (Y-chromosome) ay mas mabilis sa babaeng sperm. Mas mabilis din mamatay ang lalaking sperm, habang ang mga female-producing sperm (X-chromosome) at mas tumatagal sa pagpunta egg. Kung ginawa ang baby nang malapit sa ovulation, mas nabibigyan ng pagkakataon ang mga lalaking sperm.

Sundin ang guidelines na ito upang mas eksaktong masundan ang iyong cycle.

Simulan sa unang cycle

Mommy, simulang i-log ang mga sintomas gamit ang app o pagsusulat sa papel. Isulat ang tagal at kung gaano kabigat ang naranasang period. Makakabuting sabihan ang duktor kapag tumagal ito nang higit sa pitong araw o hindi umabot ng dalawang araw.

Sa pagbuo ng baby boy, mahalagang maayos ang kondisyon ng katawan. Ibig sabihin ay dapat tigilan ang paninigarilyo, pag-inom ng alak, at paggamit ng pinagbabawal na gamot. Dapat din itong itigil ng iyong partner! Ang pag-inom ng maskaunting kape at masmaraming tubig ay makakatulong din sayo.

Mag-schedule ng pagbisita sa iyong OB/GYN para sa pre-conception checkup. Tanungin ang iyong duktor kung anong mga gamot ang ligtas inumin sa pagsubok na mabuntis. Simulan narin ang pag-inom ng pre-natal vitamins!

Day 8 hanggang sunod na period – Ang pagiging mapagpasensya at disiplinado ay mahalaga sa pagbuo ng baby boy.

Panatilihin ang healthy lifestyle kasabay ng ehersisyo at moderate diet. At ipagpatuloy ang pagtatalik! Hindi dapat ihinto sa pag-aantay sa sunod na cycle! Maaari rin magpalit ng lubricant sa fertility-friendly na lubricant para tumaas ang tsansang makabuo!

Alamin ang timing para sa ovulation

Mommy, alam mo ba kung ano ang cervical mucus (CM)?

Ang iyong katawan ay naglalabas ng maraming bodily fluids sa iyong cycle. Ang cervical mucus ay malapot na maputing substance sa loob ng ari na nagsisilbing tagapagpahiwatig kung kailan ang ovulation.

Makinig sa katawan at tandaan ang mga sintomas na nararanasan. Kapag mid-cycle at makikipagtalik na, magpasok muna ng daliri sa vagina. Kung ang discharge ay malabnaw at madulas, indikasyon ito na mag-oovulate ka na ilang araw nalang!

Subalit, kung ang residue at malapot at clumpy, hindi ka pa ready. Pero ayos lang, mag-enjoy parin!

Isa ring paraan para malaman kung nag-oovulate ay ang pagsukat ng Basal Body Temperature (BBT). Bumili ng BBT thermometer mula sa lokal na pharmacy (tignan kung mayroong dalawang decimal numbers para mas-sakto) at i-record ang temperatura bawat umaga bago simulan ang araw.

Kadalasan, ang BBT ay tumataas bago ang ovulation at nagsisilbing magandang tagapagpahiwatig ng tamang oras para makipag-talik.

Ang mga Ovulation prediction kits (OPKs) ay mahal ngunit isa ring paraan upang malaman kung kailan mag-oovulate.

paano gumawa ng baby boy

Mga kailangang tandaan sa ika-limang cycle

Ngayon, ikaw ay dapat nakakapag-ehersisyo nang madalas, kumakain ng tama, at sinusundan ang iyong BBT, CM at OPK araw-araw. Sa puntong ito, mahalagang matuto mag-relax at maiayos ang stress. Normal na maging anxious at simulang isipin na may nangyari na. Ngunit, panatilihin ang iyong routine na pinaghirapan mo!

Ano ang dapat gawin sa ika-6 o ika-12 na cycle

Sa unang araw ng ika-12 cycle (o ika-6 kung lagpas 35 taong gulang na), oras nang makipag-usap sa fertility specialist. Huwag alalahanin ang pagsunod sa mga BBT, CM, o OPK dahil matutulungan ka na sa pagbuo ng baby boy.

2. Ang Chinese gender chart

Ang paggamit ng Chinese gender chart ay isa ring magandang tip na ginagamit na nang ilang siglo. May nagsasabi pa na ito ay 99% accurate.

Ang Chinese gender chart ay pinapagsama ang edad ng ina at ang buwan na inaasahang nakabuo ng baby para matukoy ang kasarian ng baby. Sa pamamagitan nito, matutukoy ang pinakamagandang buwan kung kailan malamang makabuo ng baby boy.

3. Sumubok ng iba’t ibang posisyon sa pagtatalik

paano gumawa ng baby boy

Sumubok ng masmalalim na penetration para makabuo ng baby boy| Image source: Shutterstock

Kung gusto ng baby boy, kailangang tigilan ang missionary position at maging mascreative pa. Ito ay kaugnay ng method ni Dr. Shettle na nagsasabing mas-epektibo ang natural na paraan ng pagpili ng kasarian sa pamamagitan ng pagsama ng cycle ng babae, posisyon ng pagtatalik at inoorasang pagtatalik.

Samakatuwid, ang masmalalim na penetration ay kalamangan ng lalaking sperm dahil masmalapit sila sa uterus. At sa karera, mas mauuna ang lalaking sperm kumpara sa babaeng sperm.

Hindi man ito romantiko, maaari parin itong maging mas-intimate na pagtatalik.

Ang Doggy Style ay maaaring magpahintulot ng masmalalim na penetration, at madalas inirerekumenda bilang isa sa pinakamagagandang posisyon sa pagbuo ng baby boy.

Maaari ring subukang magtalik nang nakatayo. Marami ang naniniwalang mas nakakayanan ng lalaking sperm ang gravity dahil masmabilis silang lumangoy patungo sa egg. Subukan ang sumandal sa dingding para sa balanse o hilingin sa iyong partner na buhatin ka.

Isa pang posisyon ng pagtatalik na malalim ang penetration ay ang straddling. Habang nakahiga o naka-upo sa kama ang iyong partner, papatong ka sa kanya. Dahil nasa ibabaw ka, mako-kontrol mo ang lalim ng penetration.

Kahit nasasabing 75% na epektibo lamang ang method ni Shettle, isang Canadian registered nurse, si Pat Buie, ang nagsama ng Shettles method sa kanyang gender selection plan, na nagsasabing mayroong 95% success rate.

4. Gumawa ng tamang kapaligiran

paano gumawa ng baby boy

Ang green smoothies ay nakakatulong nang malaki sa pagplano na makabuo ng baby boy | Image source: Unsplash

Ang Male-producing sperm ay maslumalakas sa alkaline na environment. Kaya gumawa nito para sa kanila sa pamamagitan ng pagsunod sa healthy diet na ito:

  • Uminom ng fresh green smoothie araw-araw.
  • Kumain ng maraming alkaline na prutas at gulay.
  • Iwasan ang processed na pagkain at asukal.

Ayon sa isang pag-aaral na nabanggit ng WebMD, napag-alaman na ang mga mums-to-be na kumain ng breakfast cereal at diet na mayaman sa potassium ay nagka baby boy. Subalit, nagbabala ang mga eksperto na hindi malinaw kung ang mataas na calories o potassium ang nagdulot ng resultang ito.

Kailangan ding alaman na ang orgasm ay nakaka-apekto sa pH levels sa katawan, kaya magandang paraan ito para hikayatin ang partner na ipag-orgasm ka muna.

5. Ipaggamit ang partner ng boxers

Ang boxers ay maspresko kumapara sa brief. Nahahayaan nito ang ari ng lalaki na maging malaya at nagpapanatili ng tamang temperatura para sa sperm.

Hindi rin dapat maligo ang partner ng sobrang init na tubig o maglagay ng laptop sa hita. Napapa-init nito ang mga sperm, na nagdudulot ng pagbagal at hindi pag-abot ng male sperm sa egg.

Kahit pa inirerekumenda ang method na ito para sa pangkabuohang fertility, benepisyal ito para sa masmahihinang Y-sperms.

6. Bigyan ng caffeine boost ang iyong partner!

Wala mang scientific na ebidensiya, marami ang nagsasabi na painumin ng kape ang lalaki bago makipagtalik. Marahil ang caffeine sa kape ay nakakatulong sa pagbilis ng sperm. Ayon kay Dr. Shettles, ang isang tasa ng matapang na kape para sa lalaki bago makipagtalik at nakakatulong sa pagiging aktibo ng Y-chromosomes.

7. Ang female orgasm ay nakakatulong sa pagkakaroon ng baby boy

Marami ang naniniwala na ang female orgasm ay malaki ang naitutulong sa pagkabuo ng baby boy. Ayon sa teorya, may alkaline secretion na nailalabas sa vagina kapag nagkakaroon ng orgasm. Dahil dito, mas tumatagal ang buhay ng mga lalaking sperm.

 

Paano ginagamit ang gender selection para magka-baby boy

paano gumawa ng baby boy

Ganito ginagamit ang gender selection sa pagplano kung paano makabuo ng baby boy | Image source: Pixabay

Genetically, ang ina ay XX, at dumadagdag ng X chromosome sa baby. Ang ama ay XY, at maaaring magdagdag ng X o Y chromosome. Dahil ang parehong magulang ay pinagmumulan ng tig-kalahati ng DNA ng baby, ang sperm ang deciding factor pagdating sa magiging kasarian ng baby.

Sa pagtatalik, mahigit 200 million sperm ay nailalabas na binubuo ng pinaghalong X ay Y chromosomes. Isa lamang dito ang tatagal sa uterus.

Kahit wala mang kasiguraduhan, bukod sa makabagong medikal na paraan na nagbibigay ng mataas na tsansa ng pagiging tama, ang mga natural na paraan na ito ay may katuturan at marami ang naniniwala dito.

Hindi man epektibo, maaaring maging masayang subukan. At kahit hindi magkaroon ng baby boy, magkakaroon parin ng baby girl na mamahalin nang buong buo.

Mayroon bang tried-and-tested na paraan sa pagbuo ng baby boy? Ibahagi sa amin sa pamamagitan ng pagbigay ng comment sa baba!

Basahin din:

More on natural baby gender selection

Eat THIS fruit if you want to conceive a baby boy!

What food should I eat to conceive a baby girl?

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner