6 tips para tumaas ang chance na makabuo ng baby boy

Nais malaman kung paano gumawa ng baby boy? Narito ang ilang tips para makapagpataas ng chance na magkaroon ng junior si mister.

Paano gumawa ng baby boy? Narito ang ilang paraan na pwedeng subukan ng mag-asawa.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Sex positions at orgasm – may kinalaman ba para magkaroon ng anak na lalaki?
  • Paano gumawa ng baby boy? Subukan ang mga tips na ito

Kapag natatanong ang mga magiging magulang kung anong mas gusto nilang kasarian ng baby, kadalasang sagot ay kahit ano – basta healthy ang baby.

Kahit pa hindi basehan ang kasarian sa pagmamahal sa baby, may mga ilan na hinihiling na magkaroon ng baby boy. Halimbawa, kung ang pangganay ay babae, maaaring gustuhin ng magulang na magkaroon ng baby boy para maging balanse.

Pero mayroon nga bang paraan para lumaki ang posibilidad na magsilang ng baby boy?

Teorya kung paano gumawa ng baby boy

May mga iba’t ibang bagay na pinaniniwalaang nakaka-apekto sa kakayahan gumawa ng tiyak na kasarian ng isang baby. Mula sa uri ng pagkain na maaaring kainin para sa baby girl, o maging pagkain ng ilang prutas para sa baby boy. Ngunit, sinusuportahan ba ng siyensiya ang mga ito?

Ayon kay Dr. Landrum Shettles, na may-akda ng best-selling na librong “How to Choose the Sex of Your Baby,” mayroong mga paraang pwedeng gawin para mapataas ang posibilidad na makagawa ng baby sa gender na iyong gusto.

Sinasabi ng mga pag-aaral na ang sperm na gumagawa ng male fetus ay mas maliit, mas mahina, ngunit mas mabilis kumpara sa mga sperm na gumagawa ng female fetus. Sa katotohanan, ang mga babaeng sperm ay mas matibay at mas kayang tumagal sa loob ng katawan nang mas matagal.

Paano gumawa ng baby boy? 

Wala naman talagang kasiguruhan na makukuha mo ang gusto mong gender para sa iyong anak hanggang malaman mo na ito sa ultrasound. Pero kung gusto mo nang magbuntis at tumaas ang chance na magkaroon ng anak na lalaki, narito ang ilang paraang pwede mong subukan.

1. Makipatalik kapag malapit ka nang mag-ovulate

Ang sino mang sumusubok magka-anak ay alam ang kanilang ovulation cycle. Mahalaga kasi ang impormasyong ito para mapataas ang tsansa na makabuo. At bukod dito, maari rin itong makatulong para magkaroon ng lalaking anak.

Ayon sa mga eksperto, kung gusto mong magkaroon ng baby boy, subukan niyong magtalik ni mister kapag malapit na ang iyong  ovulation.

Tulad ng sinabi ni Dr. Shettles, ang male-producing sperm (Y-chromosome) ay mas mabilis sa babaeng sperm. Mas mabilis din mamatay ang lalaking sperm, habang ang mga female-producing sperm (X-chromosome) at mas tumatagal sa pagpunta egg. Kung ginawa ang baby nang malapit sa ovulation, mas nabibigyan ng pagkakataon ang mga lalaking sperm na makarating sa itlog at makabuo ng baby boy.

Paano mo malalaman kung mag-oovulate ka na?

Calendar

Para mabuntis ang isang babae, dapat ay makipagtalik siya sa kaniyang fertile window kung saan naglalabas ng itlog mula sa kaniyang ovaries. Ito ang tinatawag na ovulation.

Mas madaling malaman ang eksaktong araw ng iyong ovulation period kung regular ang iyong monthly period. Kadalasan, ang ovulation ay nangyayari 14 araw bago dumating ang iyong monthly period.

Makakatulong kung maita-track mo ang iyong monthly cycle para malaman kung kailan ka nag-oovulate at kung kailan dapat makipag-sexual intercourse para mapataas ang chance na magka-anak na lalaki.

Pwede mo ring obserbahan ang iyong sarili at iyong discharge para malaman kung posibleng nag-oovulate ka na.

Cervical mucus

Mommy, alam mo ba kung ano ang cervical mucus (CM)?

Ang iyong katawan ay naglalabas ng maraming bodily fluids sa iyong cycle. Ang cervical mucus ay malapot na maputing substance sa loob ng ari na nagsisilbing tagapagpahiwatig kung kailan ang ovulation.

Makinig sa katawan at tandaan ang mga sintomas na nararanasan. Kapag mid-cycle at makikipagtalik na, magpasok muna ng daliri sa vagina. Kung ang discharge ay malabnaw at madulas, indikasyon ito na mag-oovulate ka na ilang araw nalang!

Subalit, kung ang residue at malapot at clumpy, posibleng senyales ito na hindi ka pa fertile.

Temperature

Isa ring paraan para malaman kung nag-oovulate ay ang pagsukat ng Basal Body Temperature (BBT). Bumili ng BBT thermometer mula sa lokal na pharmacy (tignan kung mayroong dalawang decimal numbers para mas-sakto) at i-record ang temperatura bawat umaga bago simulan ang araw.

Kadalasan, ang BBT ay tumataas bago ang ovulation at nagsisilbing magandang pahiwatig ng tamang oras para makipag-talik.

Ang mga Ovulation prediction kits (OPKs) ay mahal ngunit isa ring paraan upang malaman kung kailan mag-oovulate.

Bantayan ang mga bagay na nabanggit sa loob ng isa o dalawang buwan at subukang itala ito sa isang chart. Makakatulong ang mga fertility calendar o period calendar apps sa phone upang maitala mo ang mga araw ng iyong period pati ang iyong body temperature at uri ng vaginal discharge.

Kapag alam mo na ang araw kung saan nag-oovulate ka, doon kayo magtalik ni mister para tumaas ang posibilidad na makabuo ng baby moy.

Makakatulong rin kung kokonsulta kayo sa isang OB-Gynecologist upang matulungan kayong malaman ang iyong ovulation period. Mahalaga ito lalo na kung irregular ang iyong menstruation cycle.

2. Subukan ang Chinese gender chart

Maraming paniniwala ang mga Tsino na sinusunod rin nating mga Pinoy. Isang bagay na minsang sinusundan ng mga buntis ay ang Chinese gender prediction chart.

Ang Chinese gender chart ay pinapagsama ang edad ng ina at ang buwan na inaasahang nakabuo ng baby para matukoy ang kasarian ng baby. Sa pamamagitan nito, matutukoy ang mga araw kung kailan mataas ang posibilidad na makabuo ng baby boy.

Bagamat para sa ibang tao, wala itong katotohanan at matibay na basehan, marami pa ring magulang ang nagpapatunay na epektibo ito sa kanila. Kung sabagay, wala namang masama kung susubukan, diba? Alamin ang mga araw na pwedeng makabuo ka ng baby boy mula rito.

3. Subukan ang mga sex positions na ito.

Sumubok ng masmalalim na penetration para makabuo ng baby boy| Image source: Shutterstock

Kung mayroong mga sex positions na nakakatulong para mabuntis ang isang babae, mayroon rin ba para gumawa ng baby boy? Kaugnay sa teorya ni Dr. Shettle, mayroon!

Ayon sa method na pinasikat ng doktor, kailangang tigilan muna ang missionary position at maging mas creative ang mag-asawa para makabuo ng lalaki. Para tumaas ang tsansa na magkaroon ng baby boy at para maging masaya rin ang pagtatalik, subukan ang mga sex position na nagbibigay ng deep penetration.

Dahil nga mas mabagal ang sperm na gumagawa ng lalaki, dapat ay mas malalim na penetration upang mas mabilis itong makarating sa uterus.

Isa pang posisyon na pwedeng subukan para magka baby boy ang rear entry o mas kilala sa tawag na Doggy Style. Ito ay maaaring magpahintulot ng mas malalim na penetration, at madalas inirerekumenda bilang isa sa pinakamagagandang posisyon sa pagbuo ng baby boy.

Maaari ring subukang magtalik nang nakatayo. Marami ang naniniwalang mas nakakayanan ng lalaking sperm ang gravity dahil mas mabilis silang lumangoy patungo sa egg. Subukan ang sumandal sa dingding para mas madaling bumalanse o hilingin sa iyong partner na buhatin ka.

Isa pang posisyon ng pagtatalik na malalim ang penetration ay ang straddling o woman on top. Habang nakahiga o nakaupo sa kama ang iyong partner, papatong ka sa kanya. Dahil nasa ibabaw ka, mako-kontrol mo ang lalim ng penetration.

Kahit nasasabing 75% na epektibo lamang ang method ni Shettle, isang Canadian registered nurse, si Pat Buie, ang nagsama ng Shettles method sa kanyang gender selection plan, na nagsasabing mayroong 95% success rate.

Larawan mula sa iStock

3. Tamang environment o estado ng vagina

Ayon sa teorya ni Dr. Shettles, ang male-producing sperm ay mas lumalakas sa isang alkaline na environment.

Paano mo ba malalaman ang alkaline environment?

Ayon sa Healthline, ang normal na pH level ng ating vagina ay nasa pagitan ng 3.8 hanggang 4.5. At ang alkaline environment na tinutukoy ay pH level na mas mataas sa 7. Ang ating pH level ay natural na tumataas kapag nakikipagtalik.

Pero para matulungan ang pagtaas ng alkaline level ng ating katawan at tumaas ang posibilidad makabuo ng baby boy, pwede mong subukan ang mga sumusunod:

  • Uminom ng fresh green smoothie araw-araw.
  • Kumain ng maraming alkaline na prutas at gulay tulad ng leafy vegetables, apples, grapes at citrus gaya ng orange at lemon.
  • Iwasan ang processed na pagkain at asukal.

Kailangan ding malaman na ang orgasm ay nakaka-apekto sa pH levels sa katawan, kaya magandang paraan ito para hikayatin ang partner na ipag-orgasm ka muna.

BASAHIN:

#AskDok: May mga puwede bang gawin upang mabuntis nang mabilis?

5 amazing sex positions kapag maliit ang ari ni mister

STUDY: Mababa ang chance na magkaroon ng baby boy ang mga nakaranas ng stressful pregnancy

4. Pagsuotin ng boxers si hubby

Isang importanteng bagay na dapat isaalang-alang para makabuo ang mag-asawa at tumaas ang tsansa na magkaroon ng anak na lalaki ay ang sperm motility. Ito ay kung gaano kabilis na makakalangoy ang sperm papunta sa itlog ng babae.

At habang tumataas ang temperatura, nababawasan naman ang sperm motility ng lalaki kaya mahalaga na mapanatili ang tamang temperatura ng kanilang sperm para mas makarating ito sa egg cells.

Anong kinalaman nito sa salawal ng isang lalaki? Ang boxers ay mas preskong suotin kumpara sa brief. Nahahayaan nito ang ari ng lalaki na maging malaya at nagpapanatili ng tamang temperatura para sa sperm.

Hindi rin dapat maligo ang partner ng sobrang init na tubig o maglagay ng laptop sa hita. Napapa-init nito ang mga sperm, na nagdudulot ng pagbagal at hindi pag-abot ng male sperm sa egg.

5. Bigyan ng caffeine boost ang iyong partner!

Wala mang scientific na ebidensiya, marami ang nagsasabi na painumin ng kape ang lalaki bago makipagtalik. Marahil ang caffeine sa kape ay nakakatulong sa pagbilis ng sperm. Ayon kay Dr. Shettles, ang isang tasa ng matapang na kape para sa lalaki bago makipagtalik at nakakatulong sa pagiging aktibo ng Y-chromosomes.

6. Mauna kang magka-orgasm

Marami ang naniniwala na ang female orgasm ay malaki ang naitutulong sa pagkabuo ng baby boy. Ayon sa teorya ni Dr. Shettles, may alkaline secretion na nailalabas sa vagina kapag nagkakaroon ng orgasm. Dahil dito, mas tumatagal ang buhay ng mga male-producing sperm.

 Makabagong paraan: gender selection

Genetically, ang ina ay XX, at dumadagdag ng X chromosome sa baby. Ang ama ay XY, at maaaring magdagdag ng X o Y chromosome. Dahil ang parehong magulang ay pinagmumulan ng tig-kalahati ng DNA ng baby, ang sperm ang deciding factor pagdating sa magiging kasarian ng baby.

Sa pagtatalik, mahigit 200 million sperm ay nailalabas na binubuo ng pinaghalong X ay Y chromosomes. Isa lamang dito ang tatagal sa uterus.

Ang gender selection ay isang makabagong medical technique na ginagawa ng mga magulang na gustong piliin ang gender ng kanilang magiging anak. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng sperm selection o genetic testing. Ang mga embryos na nagtataglay ng gustong gender ng mag-asawa ang siyang inilalagay sa uterus ng babae.

Bukod sa komplikado, may kamahalan rin ang presyong ito. Sa Amerika, ang procedure na ito ay hindi bababa sa $4,000 o tumatayang 200,000 libong piso. Para sa ibang mag-asawa, walang mahal basta makuha nila ang gender na gusto nila para sa kanilang baby.

Larawan mula sa Unsplash

Pero kung wala ka namang ganitong kalaking halaga, maari mo namang gawin ang mga tips sa itaas para lumaki ang tsansa mong magkaroon ng anak na lalaki. Wala namang masama kung susubukan, diba? Kung maging matagumpay ka at magkaroon ng baby boy, magaling! Subalit kung hindi naman, magkakaroon ka pa rin ng isang baby girl na mamahalin.

Paano gumawa ng baby boy? Para matulungan ka sa iyong mga katanungan tungkol sa pagkaka-anak at pagbubuntis, mas mabuting kumonsulta sa isang OB-Gynecologist.

Source:

Healthline, San Diego Fertility, WhatToExpect

Dito sa theAsianparent Philippines, mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.