Paano hindi magpalaki ng spoiled na bata?
Walang magulang na gustong lumaki ang kanilang mga anak spoiled o entitled child. Kaya naman mahalaga para sa isang magulang na alamin ang iba’t-ibang uri ng behavior na hindi nila alam na nagiging dahilan pala ng pagiging spoiled brat ng isang bata. Paano nga ba hindi magpalaki ng spoiled na bata?
Narito ang pitong reminders para maiwasang maging spoiled si baby.
1. Madalas na pagbibigay ng reward
Ang pagbibigay ng reward o regalo sa iyong anak kapag nakakakuha sila ng mataas na grade o paggawa ng chores ay ayos lamang. Ngunit kapag ito ay nasanay, tila kailangan mong nang bigyan sila ng regalo bawat magandang aksyon na kanilang ginawa.
Ang pagbibigay ng reward ay kailangan napapanahon lamang. Katulad na lamang kung nakakuha sila ng mataas na grade o nanalo sa isang competition.
2. Pagbibigay ng labis labis na allowance
Ang main purpose ng allowance ng anak mo ay para pambili ng pagkain o pamasahe papunta sa school. Hindi mo sila kailangan bigyan ng sobra-sobrang pera na parang sweldo na ng isang nagtatrabaho.
Bigyan lang sila ng sapat na amount ng pera para sa pang araw-araw nilang gastusin. Ngunit bigyan rin sila ng extra para may matitira sa kanila para maipon. Turuan ang iyong anak na bigyang halaga ang bawat peso na mayroon sila. Siguradong magkakaroon ka ng anak na appreciative at less spoiled.
3. Iniispoil sila sa mga bagay
Mahalagang tandaan ng magulang na sila ang nagiging example sa kanilang mga anak. Kaya naman disiplinahin sila sa iyong kakayahan. Subukang mag reassess ng iyong behavior at habits. Maaaring sarili rin natin ang dahilan kung bakit entitled o spoiled ang anak natin.
Minsan, magandang tignan at suriin rin ang sarili para maging isang mabuting magulang.
4. Hindi matalino sa pag gastos
Sa paraan ng iyong pag gastos unang natututo ang iyong anak. Kaya naman turuan sila na mag budget ng kanilang pera sa murang edad pa lamang. Magbigay ng exact amount na gagastusin niya para sa pagkain, pamasahe at iba pang bagay. At syempre, ‘wag kakalimutan na magtabi at magsave ng pera.
Ang iyong bad spending habits ay maaaring makuha ng iyong anak. Kaya naman hangga’t maaga pa lang ay baguhin na ang iyong behavior sa paggastos ng wala sa tama.
Turuan silang maging praktikal sa pagbili ng mga bagay. Ipaunawa sa kanila ang kaibahan ng ‘wants’ at ‘needs’.
5. Hindi pagtuturo ng pagtitipid
Habang bata pa ang iyong anak, turuan na sila kung paano humawak ng pera dahil sila ay nakadepende sa inyo. Pagtanda nila, sila na mismo ang bahalang gumastos ng pera nila at lahat ng natutunan nila mula sa’yo ay maiaapply nila dito.
Kaya naman mahalagang turuan ang iyong anak na magtipid habang bata pa lamang sila. Para magkaroon sila ng disiplina at hindi gumastos ng todo para sa mga bagay na hindi naman nila kailangan.
‘Wag rin sanayin humingi lang sa’yo ang mga anak mo kapag kailangan nila ng pera. Tulungan sila sa pangangailangan ngunit ipaintindi sa kanila ang nangyari kapag sila ay nag overspend.
6. Pagiging malambot kapag umiyak sila
Hindi na bago sa bata ang umiyak para lang makuha ang gusto nila. Ito ang tanging paraan nila ang mag tantrums o umiyak kapag pinagbawalan o hindi mo sila pinayagan sa isang bagay. Nagiging spoiled sila kapag hinayaan lang sila na makuha ang kanilang gusto kahit na wala sa lugar.
Bilang magulang, karapatan natin ang disiplinahin sa magandang paraan ang ating mga anak. Maging matatag at ‘wag lumambot sa pag iyak nila.
7. Pagkunsinti sa kamalian nila
Bigla na lang bang sumagot ng pabalang ang iyong anak sa mas nakakatanda sa kanya? Ano ang ginawa mo? Hindi sapat ang dahilang ‘Bata pa lang ‘yan. Hindi niya alam ang sinasabi niya kaya ‘wag mo na lang intindihin.’ para hindi mo disiplinahin ang anak mo kapag siya ay sumagot sa mas nakakatanda sa kanya.
Hindi matututo at hindi nila malalamang mali sila kapag hindi dinisiplina ng magulang. Kung sasanayin sila, lalaki ang mg aitong spoiled at maaaring isipin nila na okay lang sumagot ng pabalang sa mas nakakatanda.
If you want to read the english version of this article, click here.