Nais mo bang maging Youtube vlogger? Narito ang mga bagay na dapat mong malaman at tandaan tungkol dito.
Mga nilalaman ng artikulong ito:
- 7 bagay na dapat mong malaman tungkol sa pagiging isang Youtuber.
- Paano nga ba kumita sa paggawa ng mga Youtube contents?
- Magkano ang maaaring kitain ng isang Youtuber?
- Nais sumali sa VIP Community ng theasianparent? Narito ang mga hakbang na dapat gawin.
Sa ating henerasyon sa ngayon, kasabay ng pag-unlad ng teknolohiya ay ang pagsulpot ng iba’t-ibang social media platforms, isa na nga rito ay ang Youtube. Marami sa atin ang kinagigiliwan ang paggamit nito dahil hatid nito ay libo-libong videos. Iba’t-ibang kategorya, iba’t-ibang genre, talaga namang lahat ay naaaliw sa panonood ng mga videos dito.
Bukod sa hatid nitong aliw at kaalaman sa mga manonood, ang paggamit ng ng Youtube ay maaaring pagkakitaan, paano? Halina at alamin natin.
Magkano ang sweldo sa YouTube? | Image from Freepik
Nagbabalak maging isang Youtuber? Narito ang ilang tips na maaari mong gawin
Maaaring sa paningin ng iilan ay simple at madali lang ang paggawa ng sariling Youtube Channel, ngunit ang totoo kinakailangan ng matinding dedikasyon at maraming oras.
-
Alamin kung sino nga ba ang iyong magiging audience
Ang Youtube ay naa-access ng kahit na sino, ito ang rason kaya maraming tao ang nagtataka kung bakit may mga taong pina-follow ang mga partikular na content creators.
Ilan sa mga successful na vlogger ay alam kung sino at ano nga ba ang kailangan ng audience nila. Ang pinakaunang dapat mong malaman ay alamin kung saan ka nga ba kumportable, ano ang iyong kinahihiligan at saan ka mahusay.
Kinakailangan mo ring pag-aralan kung sino ang mga target mong makanood ng iyong vlogs. Dapat may tema ang iyong Channel, ikaw ba ay magpo-focus lang sa isang topic? O ‘di kaya naman ay magpa-publish ka rin ng mga iba’t ibang videos?
Importante na kilalanin mo ang iyong audience o manonood upang malaman kung anong content ang ibabahagi sa kanila.
-
Gawing pamilyar ang sarili sa Youtube at kung paano ito gumagana
Ito ang isa sa mga importanteng bagay na dapat mong tandaan. Kailangan bilang isang Youtuber may sapat na kaalaman ka kung paano gumagana si Youtube.
Maglaan ng oras sa pag-aaral kung paano ito gumagana. Gamitin ang search engine at alamin kung anong mga pamagat ang lumalabas. Magtuon ng atensiyon sa kung paanong ang iyong paboritong vlogger ay pino-promote ang kaniyang Youtube channel.
Ang mga simpleng detalye tulad nito ay maaaring magkaroon ng malaking epekto sa iyong journey bilang isang Youtuber. Pag-aralan din ang Youtube creator at ang kabuuang Youtube Environment.
Larawan mula sa Shutterstock
-
Mag-invest sa mga kagamitan pang-vlog
Hindi mo kailangan ng mamahaling camera upang makapag-vlog. Maaari ng makagawa ng video contents sa pamamagitan lamang ng iyong smartphone. Siguraduhin lamang na may maganda itong quality upang hindi masayang ang iyong pinaghirapan na content.
Kung pasok pa sa budget maaaring mag-invest sa microphone, lighting, tripods at iba pa. Ang mga kagamitan na ito ay makakatulong upang mapaganda ang kalidad ng iyong video.
-
Mag-invest sa mga kagamitan pang-vlog
Hindi mo kailangan ng mamahaling camera upang makapag-vlog. Maaari ng makagawa ng video contents sa pamamagitan lamang ng iyong smartphone. Siguraduhin lamang na may maganda itong quality upang hindi masayang ang iyong pinaghirapan na content.
Kung pasok pa sa budget maaaring mag-invest sa microphone, lighting, tripods at iba pa. Ang mga kagamitan na ito ay makakatulong upang mapaganda ang kalidad ng iyong video.
-
Gumawa ng outline ng mga topics na nais mong gawing content.
Hindi mo kailangang gumawa ng script para sa isang vlog. Mas mainam na gumawa ng outline. Imbis na script ay maaari mong isulat ang mga keywords.
Mas mabuti rin na gumawa ng outline ng mga contents na nais mong i-publish. Importante pa rin sa huli na maging malikhain sa content at maging maganda ang deliberasyon ng ideya na naisip.
-
Maglaan ng sapat na oras sa pag-eedit ng video at pag-upload
Bilang isang vlogger kinakailangan na maalam ka sa pag-eedit ng video. Sa pamamagitan nito ay magagawa mo ang gusto mo. Kung hindi sapat ang kaalaman maaaring manood ng mga tutorials sa Youtube.
Ipinapayo rin na magkaroon ng sapat na oras sa pag-eedit upang hindi magahol at maayos ang pag eedit.
Sa kabilang banda, ang oras ng pag-uupload ay importante rin. Kung alam mo ang iyong target audience alam mo kung kailan sila mas aktibo sa paggamit. Importante rin na maging creative at unique sa mismong caption at pagpo-promote nito.
7 bagay na kailangan mong malaman kung paano upang kumita sa Youtube
Noon ang pagkita ng pera sa youtube ay nababase lamang sa pag-upload ng mga videos na may magandang content, at pagkita sa pamamagitan ng ads o advertisement. Ngayon, mas marami ng paraan ang maaari gawin ng mga Youtubers upang ma-monetize ang kanilang contents. Kaya narito ang mga bagay na dapat mong malaman kung paano kumita sa Youtube.
1. Mag-apply sa Youtube Partner Program.
Paano kumita sa Youtube? Kinakailangan na mag-apply sa Youtube Parner program upang kumita ng pera. Upang maging partner dapat na ma-meet mo ang mga sumusunod na requirements.
- Ang iyong mga videos ay dapat sumusunod sa advertising guideline.
- Mayroong at least 4000 valid watch hours sa loob ng 12 buwan.
- Mayroong at least 1000 subscribers.
- I-link ang iyong Youtube sa isang Google AdSense Account.
Kapag nakumpleto mo na ang lahat ng requirements maaari ka ng mag-apply sa pamamagitan ng pag-click sa monetization’ section sa iyong profile.
Bilang isang partner, maaari kang kumita ng pera sa pamamagitan ng ads, membership perks at features tulad ng Super Chat kung saan nagbabayad ang viewers upang ma-highlight ang kanilang comments sa mga live streams.
Sa pamamagitan ng Youtube Partner Program, maaari kang magkaroong ng access sa Creator Support Team. Ang team na ito ay siyang nagbibigay ng guidelines sa mga Youtuber.
Paano kumita sa YouTube? | Image from Freepik
2. I-connect ang iyong account sa Google AdSense.
Upang ma-approved bilang partner kinakailangan na i-connect ang iyong youtube channel sa Google AdSense.
Ang AdSense ay isang advertising system, nagbabayad dito ng mga advertisers upang ma-ipromote ang kanilang mga produkto, serbisyo o kumpanya.
Sa madaling salita, ikaw ay kikita kapag napanood ng iyong viewers ang mga ads na nakalagay sa iyong videos.
3. Magkano nga ba ang maaaring ibayad sa iyo ng Youtube per view o Magkano ang sweldo sa YouTube?
Tandaan, hindi ka kikita sa simpleng panonood lamang sa mga videos mo. Ikaw ay babayaran kung ang iyong viewers, ay pinapanood o kini-click ang mga ads na nasa videos mo.
Ayon sa Marketing Hub, ang isang average Youtube Channel ay maaaring kumita ng $18 sa bawat 1000 views.
Sa United States, nagsisimula ang perang pumapasok sa kanilang YouTube na may halagang $2 sa bawat 1,000 views. Habang dito naman sa Pilipinas hindi umaabot ng $2 sa bawat 1,000 views kumbaga.
Once na ikaw ay kumikita na, maaari mong makuha ang perang naipon mo thru Google AdSense. Ang YouTube earning na ito ay maaaring i-send sa personal bank account o Western Union. Ngunit makukuha mo lang ang iyong YouTube sweldo kapag umabot ng $100 o 5,000 pesos ang iyong pera.
Mga dapat tandaan kung nais kumita sa YouTube
Hindi sapat na naka-connect ka sa Google AdSense at may uploaded video ka. Kaya naman bago ka magkaroon ng sweldo sa Youtube, kailangan mong:
- Magkaroon ng atleast 1,000 subscribers
- Meron kang atleast 48,000 views
Isang tip para maging maganda ang simula o takbo ng iyong channel ay ang pagkakaroon ng maganda at kakaibang content. Malawak na ang lugar ng YouTube kaya naman kung gusto mong magsimulang kumita dito, kailangan mo ng magandang content na talagang hahanap-hanapin ng mga viewers. Isa pang dapat ugaliin ay ang pagkakaroon ng matibay na paniniwala at tyaga sa iyong journey.
4. Kailan nga ba maaaring i-claim makatanggap ng pera mula sa Youtube?
Maaari mo lamang makuha ang iyong pera kung ito ay nasa $100 na. Kung ikaw ay mayroong channel maaari kang sumweldo buwanan depende pa sa iyong kita.
5. Maaari ka ring kumita sa pamamagitan ng Youtube Premium.
Hindi lamang Adsense ang paraan upang kumita sa sa Youtube. Maaari mo ring i-upload ang iyong videos sa Youtube Premium. Ang Youtube Premium ay isang version ng Youtube kung saan walang ads na mapapanood. Paano kikita rito? Sa pamamagitan ng membership fees, depende rin sa dami ng bilang ng iyong viewers.
BASAHIN:
Paano kumita ng 20k kada linggo? This lumpia vendor earns that!
10 na mga negosyo na puwedeng mong simulan with less than P5,000
Mommy vlogger, nakapagpatayo ng bahay mula sa katas ng online business at Youtube
4. Product placement at Video Sponsorship
Isa pang paraan upang kumita sa Youtube ay ang paghahanap ng Sponsors: Kapag maganda ang iyong contents at maraming nanonood rito, maaaring maging interesado sa iyo ang ilang kumpanya. Siguraduhin na handa kang i-promote ang isang kumpanya o produkto bago pumirma ng kontrata.
Kung ang iyong video ay naglalaman ng endorsement o product placement kinakailangan na pindutin ang ‘video contains paid promotion’ box sa advanced settings tab ng iyong video manager.
5. Magbenta ng mga produkto o serbisyo sa iyong viewers.
Hindi ka lamang maaring kumuha ng sponsors, maaari ka ring magbenta o i-promote ang sarili mong produkto at serbisyo. Halimbawa na lamang ay T-shirt, merchandise at iba pa. Maaari mong ilagay ang mga links ng iyong produkto sa description ng iyong videos.
6. Subukan ang Crowdfunding
Ang crowdfunding ay sa sa pinakamabisang paraan upang kumita sa Youtube. Kung kinakailangan mo ng pera para sa iyong mga proyekto, subukan ang crowdfunding, ang kinakailangan mo lamang gawin ay humingi ng donasyon mula sa iyong viewers.
Pumili ng proyekto na gusto mong suportahan. Pumili ng approved website kung saan iseset-up ang iyong crowdfunding account.
Maaari mong ipromote ang iyong proyekto sa mga vlogs at gumawa ng epektibong istratehiya kung paano maienganyo ang mga manonood na mag-donate.
7. I-share ang iyong viral o quality videos sa ibang media platforms
Kung nagviral ang iyong videos, maaaring ang ibang sites ay magbayad din upang magamit ang iyong video.
Hindi man sikat ang iyong video, kung ito ay may magandang quality at nagtataglay tamang impormasyon maaari ka pa ring kumito sa pamamagitan nito.
Maaari mong ilagay ang iyong contact details sa About section ng iyong Youtube Channel at sa iyong video description.
Bakit kinakailangang maghanap ng ibang paraan bukod sa ads para kumita sa Youtube?
May mga bagay na ikinokonsidera ang Youtube bago nito lagyan ng ads ang iyong videos.
- Bawal ang malalaswa o sexually suggestive content.
- Isa ring bawal ay ang masiyadong bayolente na content at pagpapakita ng mga malalalang injury.
- Bawal ang hindi angkop na pananalita, harrassment, profanity at vulgar words.
- Isa ring bawal ay ang ang pagpo-promote ng droga.
- Bawal ang mga kontrobersiyal o sensitibong content tungkol sa gera, political conflicts, natural disasters, o trahedya.
Ang advertising ay maaaring pinakamadaling paraan upang kumita ng passive income, ngunit ang 45% ng iyong kita ay mapupunta sa Youtube. Sa madaling salita mas mainam kung susubukan pang alamin at gawin ang ibang paraan upang kumita sa media platform na ito.
Iba pang online business ideas na patok sa Philippines
Ngayong quarantine, marami ang nakaisip ng pagkakakitaan na kasalakuyang bumubuhay sa kanila sa gitna ng COVID-19. Nandyan na ang mga pagbebenta online ng mga pagkain, damit o kahit na iba pang essential goods.
Kung nagpaplano ka ng iyong online business, narito ang ilang ideas na patok sa Philippines!
Paano kumita sa YouTube? | Image from Freepik
Pastries
Kung hilig mo na dati pa ang mag-bake ng kung ano-ano katulad ng cookies, cakes, bread o muffin, bakit hindi mo subukang pagkakitaan ito ngayon? Marami na ang tumatangkilik sa mga nabibiling pastry online dahil madali nilang nakikita ang mga pinopost na picture online ng iyong tinitinda.
Planuhin lang ng maigi ang iyong mga ibebenta at maging creative!
Ukay-ukay
Simulan nang mag declutter ng mga iyong luma pero maganda pang damit o bag! Maaari itong ibenta online at paniguradong madaming bibili ng iyong preloved clothes o bags.
Siguraduhin lang na nasa maayos pa itong kundisyon at maganda sa mata ng mga buyer. Bonus points ang magandang quality ng litrato ng iyong mga damit na ipopost online!
Online teaching
Marami rin ang nag-aalok ngayon na magturo online sa mga nais matuto ng specific subject. Katulad na lamang nang pagtuturo ng tamang pagluluto, foreign language, make-up o iba pang talento mo sa ibang bagay na maaaring ituro sa iba.
Blogging
Kung may talento ka naman sa pagsusulat, maaari mo nang simulan ang iyong sariling blog site! Karamihan sa atin gayon ay nakatutok na sa internet kaya naman madaling makita ang iyong blog sa isang search pa lamang.
Siguraduhin lamang na isipin ng mabuti ang dapat mong isulat na blog na tatangkilikin ng masa.
Iba pang paraan para kumita online, sumali sa theAsianparent VIP Community
Isa pang paraan para kumita ay ang maging bahagi ng theAsianparent VIP Community. Tama ka nang nababasa mommy at daddy, maaari kang kumita kapag ikaw ay naging bahagi ng aming VIP Community.
Pati na ang pagiging bahagi ng aming theAsianparent Community app kung saan ka pwedeng mag-earn ng points at i-redeem ito ng mga vouchers o products.
Sa aming platform na ito binibigyan ng theAsianparent Philippines VIP Communtiy platform ang mga parents ng mga pagkakataon para kumita sa pamamagitan ng pagsali nila sa mga campaigns.
Maaari kayong kumita ng extra cash o app points na pwede nniyo gamiting sa pag-redeem ng rewards. Mayroon ding mga panel jobs, kung saan sasagot lamang ng mga survey at maaari ka nang mag-earn ng app points. Pwede rin VIP credit na pwedeng gamiting sa pag-redeem ng vouches ng aming partner brands.
Pwede ka ring maging bahagi ng VIP Content Creators program kung saan may chance kang mag-earn ng cash kapag makakapagsulat ka ng articles na mapa-publish sa theAsianparent Philippines website. Walang limit ang pagbabahagi ng stories.
Kailangan lamang na mag-story pitch at kapag na-approve ang inyong story pitch pwede niyo nang isulat ang inyong article at kapag na-publish na ito, kikita kayo ng cash.
Paano nga ba maging bahagi ng VIP Community?
- Una, i-download ang theAsianparent Community App.
- I-select ang VIP Parents at mag-apply.
- Kinakailangan na mayroong at least 500 followers Facebook, Instagram o Tiktok.
- Isang aktibong user ng theAsianparent App.
Karagdagang ulat mula kay Joyce Vitug
Source:
Nerdwallet, Bluehost, Investopedia, Shopify
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!