Dahil sa aming pagnenegosyo online at sa aking pagba-vlog, nakapagpatayo kami ng simpleng bahay.
Nais kong ibahagi sa inyo kung paano ko ba ito nagawa at mga pinagdaanan namin para mapatayo namin ang aming bahay.
Pagnenegosyo online: Paano ba ako nagsimula?
I discovered my passion when I was pregnant. I am an HRM graduate pero hindi ko forte noon ang baking at cooking. Noong buntis ako, nag-crave ako sa isang baked dessert then out of curiosity.
Gusto kong matutunan paano siya gawin kaya nag-enroll ako sa TESDA ng baking class. Dito ko hinugot ang idea at ang lakas ng loob ko sa pinasok kong negosyo.
I’m Mompreneur for almost 3 years already. Months after ko manganak sumubok ako mag-work para mayroon kaming mag-asawa na sapat na kita.
Kaso after a year din I’ve decided na mag-resign na lang dahil lumalaki na anak namin at gusto kong masubaybayan ang paglaki niya. Nakikitira lang kami that time sa parents ko kaya Nanay ko ang nag-aalaga sa baby namin noong may trabaho pa ako.
May maliit kaming ipon nung nag-resign ako. So I prayed really hard kung anong online business ba ang pwede kong simulan at alam kong kaya kong gawin.
Ang unique business na naisip ko
So naisip ko na magbenta ng mga baked goods, customized cakes at nag-add ako ng Edible Printing Service. Since kaunti pa lang that time ang gumagawa nito so naisip ko na papatok siya dahil very unique ito. Edible printed photo siya na nilalagay on top ng mga cakes, gumagamit kami ng edible ink at edible paper.
Nag-research ako, pinag-aralan ko ulit ang baking, at umattend ako ng mga basic trainings and workshops about sa paggawa ng baked goods, cakes, etc.
Gamit pa rin ang puhunan na hawak ko dahil gusto ko pang ma-enhance ang skills ko at gusto kong mapalawak ang negosyo ko. Noong ready na ako, sinubukan ko munang ialok ang mga gawa ko sa mga kamag-anak at kakilala, sa mababang presyo ko lang muna siya binebenta.
Dumating ang time na marami na ang nagtiwala at tumangkilik sa business namin
Until such time na marami ng nagtitiwala at tumatangkilik. After few months, pinag-resign ko na ang husband ko sa trabaho dahil kailangan ko na ng tulong niya sa business namin.
Dahil dumarami na ang client ko sa Custom Cakes at gayon din sa Edible Printing Service naming so hindi ko na kayang pag-sabayin at gawin lahat.
May times minsan, wala talaga kaming tulog. Nakakatulog nalang kapag nakapag-deliver na ng cakes at ng iba pang orders. Pero sa pagtutulungan naming, kinakaya naman.
A year after ng business namin, nagdesisyon kaming umpisahan nang magpagawa ng bahay paunti-unti sa lupa sa Quezon City. Maliit na lupa lang ito mga 55sqms.
Kapag nakakaipon ng kaunti, pinapagawa namin tapos tigil ulit kapag wala ng budget. Until dumating na itong time na nagkaroon na ng pandemic.
BASAHIN:
10 na mga negosyo na puwedeng mong simulan with less than P5,000
Leche Flan Recipe: Ang egg-cellent dessert na puwedeng ipang-negosyo
Naghahanap ng dagdag na kita? 6 Online business na madali lang umpisahan
Noong nagkaroon ng pandemic
Humina ang pagnenegosyo namin online dahil first wave ng ECQ sobrang higpit sa mga checkpoints. Tapos walang mga events so lahat din ng custom cake orders ko for upcoming events ay na-cancel.
Ang printing service namin ay apektado rin, lalo at nawalan kami ng mga provincial shipping. Nung mga buwan na ‘yon, gumagawa ako ng mga pastries like cheesecakes, Ube cheese pandesal, cake in tubs, etc. para kahit papaano nakaka-survive naman kami.
Kalagitnaan ng taong nagkaroon ng pandemic, dito nag bukas ang bagong opportunity para sa amin. Since dumoble ang bilang ng mga Homebakers, dahil nga may iba na nawalan ng trabaho.
Naisip namin na mag-open kami ng maliit na tindahan, isang Baking Supplies Store. Ino-operate lang namin siya thru online orders then pick-up na lang ng mga courier.
Pagnenegosyo online
Pinapaikot lang din namin and puhunan namin dito. Naging okay ang takbo ng online business namin na ito at hanggang ngayon ay running pa din.
Kung paano ako nag-star sa vlogging
Ito rin ang time na nag-start ako ng aking Youtube Channel (Hainah’s Kitchen and Lifestyle). At first, out of boredom lang because its pandemic kaya nag-try akong mag video habang gumagawa ng best seller ko na Ube cheese pandesal.
Hindi ko akalaing tatangkilikin ito, madaming manonood, tapos tuloy-tuloy na. May time minsan may mag-send ng private message sa ‘kin, nagtatanong kung paano gawin ang ganito, ganiyan.
Tapos minsan mayroong magpapasalamat sa ‘yo dahil raw sa video ko sa Youtube nakapag-start siya ng business niya sa baking. Masarap sa feeling na may mga nakaka-appreciate at nakakatulong ka sa mga newbie na gustong matuto rin.
Iba na ang goal ko ngayon
Now my goal is to share my knowledge about cooking, especially baking. Nakaka-amaze din na umabot ng million views ang iba kong video.
And I have 55,000 subscribers as of the moment. Sa pagva-vlog ko na ito, nakatulong ang kinikita ko dito sa pangdagdag sa aming ipon. At paunti-unti nag umpisa ulit kaming ipa-gawa ang bahay kahit pandemic dahil sa kagustuhan na talaga naming bumukod.
After 2 years in the making, natapos din ang pangarap naming simpleng bahay. Siyempre ang pinaka main goal talaga namin dito ay ang bumukod.
Katas ng pagnenegosyo namin online
Sa kabila ng lahat ng pagsubok at hirap, hindi kami tumigil. May time na nagpapahinga pero diretso pa rin para sa goal. Nung nag-pandemic nawalan talaga kami ng pag-asa. Akala namin dito na kami magiging mahina.
Pero ito pala ang mabubukas din sa amin ng mga bagong opportunity. ‘Wag kang mahihiyang magbenta o ialok ang produkto mo at higit sa lahat importanteng nagtutulungan kayong mag-asawa para sa inyong pangarap at para sa inyong pamilya.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!