Nanay, nakadiskubre ng mabisang paraan para matanggal ang stretch marks

Isa ito sa mga dahilan kung bakit tinawag na 'liquid gold' ang breastmilk ng mga ina.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paano mababawasan ang stretch marks? Ito na nga ba ang kasagutan?

Maraming pisikal na pagbabago ang nangyayari sa katawan ng isang ina sa loob ng 9 na buwan na pagdadalang-tao sa kaniyang munting anghel. Pagkatapos nito ay marami na naman siyang haharaping pagbabago sa kanyang katawan – at isa na rito ay ang pagkakaroon ng mga stretch marks.

May paraan ba kung paano mababawasan ang stretch marks? Isang ina ang nakadiskubre ng mabisang paraan para matanggal ang mga ito.

Isang sikreto kung paano mababawasan ang stretch marks

Isang ina mula sa Alberta, Canada, ang nagbahagi ng kaniyang naging karanasan matapos na unti-unting nabawasan ang kaniyang stretch marks sa tiyan.

Nanganak noong Disyembre 2018 ang 28-taong gulang na ina na si Chantelle Clarke. Isang eksperimento ang kaniyang ginawa upang mawala ang kaniyang mga stretch marks at matapos ng dalawang buwan ay kaniyang ipinost sa Facebook ang naging resulta nito.

Ang kaniyang sikreto kung paano mababawasan ang stretch marks – ang kaniyang sariling breast milk.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Breast milk bilang solusyon sa stretch marks

Marami talagang benepisyong nagagawa ang breastmilk sa buhay ng tao. Ito ang pinakamasustansiyang pagkain para sa mga bagong silang na sanggol dahil sa taglay nitong mga nutrients at antibodies. Nagbabago rin ang components nito depende sa kalagayan at gender ng baby.

Epektibo rin itong ginagamit ng mga mommies upang matanggal ang acne sa mukha ng kanilang baby o panggamot sa sore eyes. Napatunayan ito sa isang pag-aaral noong 2016 na mahusay ang breast milk bilang gamot sa anumang inflammation o pamamaga.

Ito ang dahilan kung bakit tinawag na “liquid gold” ang breast milk ng isang ina.

Sa post ni Chantelle ay inilahad niya kung paano niya ginamit ang kaniyang sariling breast milk bilang natural na gamot sa kaniyang mga stretch marks.

“Been trying a little experiment for the last 2 weeks. Been putting breast milk on one side of my stomach. I can’t believe the difference!! For any moms out there breast feeding put a little on those tiger stripes lol (For moms asking) I rub it into my tummy while nursing and lather it on so it’s almost dripping off. I let it air dry and just pull my shirt over after. I put it on every time I nurse.” saad sa post ni Chantelle.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Resulta ng eksperimento

Ayon kay Chantelle, nakita na niya ang naging pagbabago sa kaniyang mga stretch marks sa loob pa lamang ng tatlong linggong paglalagay ng breastmilk dito.

Unti-unti umanong nag-lighten ang kulay nito at bumababaw ang ilang malalalim na stretch marks.

“Been doing it for about 3 weeks now. My baby is now 2 months old. I noticed a big difference not just on coloring but also in depth of my stretch marks.

“I posted this after my mom convinced me too share with other moms. I cannot promise it will work 100% for everyone but it definitely helps,” aniya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“They have gone from dark red to light red now. Starting to get light purple on edges. Like I said before it’s not just the lightning up that is amazing but also it helps with the depth if marks,” dagdag pa niya.

Napagpasyahan umano niyang i-post ito upang matulungan din ang mga kapwa niya ina kung paano mababawasan ang stretch marks sa natural na paraan.

Hinimok niya ang lahat na huwag husgahan ang mga ina sa anumang kagustuhan nilang mangyari sa kanilang mga stretch marks.

“I am truly just trying to inform other moms. There’s is nothing wrong with stretch marks but it is nice to know they can fade faster.”

“Some woman are perfectly fine and confident over their stretch marks but a lot of women are not. So please do not judge either way it is a personal choice. Be kind to all!” saad niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ilang tips kung paano mababawasan ang stretch marks na hindi nangangailangan ng cosmetic procedure

Magmasahe gamit ang healing oil

Ang marahang pagmamasahe sa mga parte ng katawan na may stretch marks ang pinakamainam na paraan upang mabawasan ito. Sa ganitong paraan tumataas ang blood flow sa balat na siyang kumukumpuni sa mga scar tissues sa stretch marks.

Gumamit ng mga oil na may Vitamin A at E gaya ng Jojoba oil at Sunflower seed oil at ipahid ito sa mga parte na madalas may stretch marks tulad ng tiyan, balakang, puwet, suso, at hita.

Para sa pinakamagandang resulta, maaaring mag-warm shower o magbabad sa warm bath sa loob ng 10 minuto bago magmasahe upang bumukas ang mga pores ng iyong balat.

Gumamit ng specialized cream at moisturizers

Maraming stretch marks cream at moisturizers ang available ngayon sa merkado. Komunsulta sa dermatologist upang mabigyan ka ng nararapat na cream o moisturizer.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Uminom ng maraming tubig

Kailangan ang tubig upang manatili ang hydration sa ating balat. Mas mabilis ang pagkukumpuni ng skin cells kung hydrated ang ating balat.

Kumain ng masusustansiyang pagkain

Ang pagpapanatili ng healthy diet ang susi upang makakuha ng sapat na nutrisyon ang ating balat para mabawasan ang stretch marks. Kumain ng masusustansiyang pagkain gaya ng prutas, gulay at karne at iwasan ang pagkain ng mga processed foods at mga chichirya.

Magkaroon ng kumpletong oras ng tulog

Nangyayari ang healing process ng ating katawan kapag tayo ay nagpapahinga kaya naman mahalaga ang pagkakaroon ng sapat na oras ng tulog. Sikapin na magkaroon ng 8 oras na tulog sa gabi at gumawa ng mainam na routine upang magawa ito. Iwasan ang pagpupuyat at paggamit ng gadgets bago matulog.

 

Source: The Sun, The Mirror UK, Mustela

Images: Chantelle Clarke Facebook account

BASAHIN: Ano ang safe na paraan para matanggal ang stretch marks?