Ngayong mainit ang usapan tungkol sa pagpapatong ng buwis sa mga online seller — paano nga ba mag-register sa BIR ng online business?
Paano mag register sa BIR
Dahil sa COVID-19 at quarantine, maraming Pilipino ang nagtatayo ng mga online business upang maka-survive. Gayunpaman, biglaang naglabas ang Bureau of Internal Revenue o BIR ng Revenue Memorandum. Nakasaad dito na mayroon na lamang hanggang July 31 ang mga online businesses para mag-register at magbayad ng required taxes.
Image from Freepik
Ito naman ay kinikwestyon ngayon ng ilang senador dahil hindi nga naman ito makatutulong sa mga mamamayan.
Pahayag ni Deputy Revenue Commissioner Arnel Guballa:
“Not only partner sellers/merchants, but also other stakeholders involved such as the payment gateways, delivery channels, internet service providers and other facilitators.”
Paano ito maipapatupad
Image from Freepik
Bagama’t noon pa ay existing na ang batas na ito, aminado ang BIR na hirap silang kolektahin ang tax sa mga online sellers dahil walang physical na shop ang mga ito. Dahil dito, kinakailangan ng mga online sellers na mag-register ng kanilang mga online businesses. Ito ay upang magkaroon din ng data ang BIR sa kanila at makolektahan sila ng nakasaad na buwis.
Giit pa ni Guballa, “Likewise, they are encouraged to voluntarily declare their past transactions subject to pertinent taxes and pay the taxes due thereon, without corresponding penalty, when declared and paid on or before the said date.”
Dagdag pa niya, ito naman daw ay act of good citizenship at ito ay mayroon namang benefits para sa kanila. Kabilang na rito ang low-interest loan program ng DTI at maari ring ma-qualify para sa small business wage subsidy program.
Step-by-step guide para ma-register ang iyong online business
Image from Freepik
Para makapag-register:
- Pumunta lamang sa pinakamalapit na RDO o BIR branch sa inyo. Kumuha ng BIR Form 1901 at BIR Form 1906.
- Magdala ng photocopy ng Mayor’s Business Permit, Professional Tax Receipt na issued ng DTI o LGU.
Kung kumpleto ang mga documents, maaring mai-release ang TIN sa loob ng 5 working days.
Documents na kailangan para maka-register
|
Requirements
|
Individuals |
Non-Individuals |
1. Fill up Registration Form |
BIR Form No. 1901 (2 originals) |
BIR Form No. 1903 (2 originals) |
2. Present any government-issued ID that is readable and untampered |
E.g. Birth Certificate, Passport, Driver’s License, etc. |
As applicable: SEC Certificate of Incorporation; or SEC Certificate of Recording; or License to Do Business in the Philippines |
3. Other documents required |
DTI Certificate (if with business name) |
Articles of Incorporation; or Articles of Partnership |
4. Payments to the New Business Registrant Officer (NBRO) posted in the New Business Registrant Counter (NBRC) |
Registration Fee (P500.00) and loos Documentary Stamp Tax for affixture to COR (P30.00) |
Registration Fee (P500.00) and loos Documentary Stamp Tax for affixture to COR (P30.00) |
5. Secure BIR Printed Receipts (BPR)/BIR Printed Invoices (BPI) or the Authority To Print (ATP) |
(BPR/BPI- depending on the printing cost per RDO or ATP- own choice of printer from list of accredited printers |
(BPR/BPI- depending on the printing cost per RDO or ATP- own choice of printer from list of accredited printers |
Bilang ng mga nawalan ng trabaho
Sa estima ng Department of Labor and Employment o DOLE, nasa 10 million na manggagawa ang maaring mawalan ng trabaho ngayong taon dahil sa pandemya.
Sa ngayon ay mayroon ng 2.6 million na natanggal sa trabaho simula noong Marso. Ito ay dahil sa pagsasara ng ilang kompanya o pagkalugi ng mga business.
Banggit pa ni Labor Sec Bello, “Karamihan po ‘yan sa service sector. Malaki po ang tourism, ‘yung allied businesses like restaurants, then transportation.”
Gayunpaman, nag-request naman umano ang DOLE ng 40 million pesos na budget mula sa House of Representatives para sa mga planong recovery programs.
Source:
Philippines Lifestyle, Inquirer
Basahin:
Paano magbayad ng PhilHealth contribution online at sa bayad center?
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!