Narito ang mga paraan kung paano magbayad ng contribution sa PhilHealth online at sa mga bayad centers. Ang isang PhilHealth member ay kailangang magbayad ng kontribusyon sa ahensya buwan-buwan.
Ito ay upang makagamit siya ng mga benepisyo na ini-offer o ibinibigay ng ahensya. Bawat nagtratrabaho o kumikitang PhilHealth member ay may responsibilidad na gawin ito.
Maliban na lang sa mga miyembrong itinuturing na sponsored, indigent, PWD, unemployed senior citizens at lifetime members.
Magkano ang dapat na bayarang Philhealth contribution ng isang miyembro?
Para sa mga empleyadong miyembro
Base sa pinaka-latest na 2020 PhilHealth contribution Table, ang mga miyembrong nagtratrabaho o kabilang sa formal economy sector ay kailangang magbayad ng monthly contribution sa ahensya ng 3% ng kanilang buwanang sweldo. Ang monthly premium na ito ay paghahatian ng empleyadong miyembro at ng kaniyang employer.
Sa ilalim ng formal economy sector ang mga PhilHealth members na kumikita ng P10,000 kada buwan ay dapat magbayad ng minimum monthly contribution sa ahensya na P300.00. O kung paghahatian ng employer at empleyado, ang bawat isa sa kanila ay magbabayad ng P150.00 kada buwan.
Habang para naman sa mga empleyadong kumikita ng P10,000.00-P59,999.00 pa ay kailangang magbayad ng monthly contribution ng P300.00-P1,800.00 kada buwan.
At para naman sa mga kumikita ng P60,000.00 pataas ay kailangang magbayad ng P1,800.00 kada buwan. Muli ang monthly premium ng mga miyembro ng PhilHealth mula sa formal na sektor ay dapat pantay na paghahatian ng empleyado at kaniyang employer.
Para sa mga voluntary o self-employed na miyembro
Para naman sa mga voluntary o self-employed members, ang annual premium rate na kailangan nilang bayaran sa isang taon ay tumaas na sa P3,600 ngayong 2020. Nangangahulugan ito na kailangan na nilang magbayad ng P300 kada buwan o P900 quarterly o kada 3 buwan.
Para sa mga kasambahay
Ang PhilHealth monthly contribution ng isang kasambahay na may sahod na P5,000 pababa kada buwan ay dapat binabayaran na ng kaniyang employer.
Ngunit kung siya ay sumasahod ng P5,000 pataas kada buwan, siya ay dapat ng makihati sa kaniyang employer ng pambayad sa kaniyang PhilHealth monthly contribution.
Ito ay katumbas ng minimum monthly contribution na P300 na paghahatian nila ng kaniyang amo o employer.
Para sa mga OFW
Ang mga land-based OFW o Overseas Filipino Workers ay dapat may minimum contribution sa PhilHealth ng P2,400 kada taon. Ito ay dapat bayaran ng OFW ng hanggang sa 5 taon advance depende sa kaniyang kontrata.
Base sa latest 2020 PhilHealth contribution table ay tumaas ang dapat bayaran ng mga OFW mula sa P2,400 kada taon ng P3,600 kada taon.
Ito ay katumbas ng P300 kada buwan na minimum contribution. Ang monthly premium ay nakadepende pa sa sinasahod buwan-buwan ng isang OFW.
Ngunit dahil sa isinagawang pagtutol ng mga OFW sa bagong contribution table na ito ay ipinahayag ni Pres. Rodrigo Duterte na maari munang hindi magbayad ang isang OFW ng kontribusyon depende sa kaniyang nais.
Para sa mga seafarers
Para naman sa mga seafarers ang PhilHealth monthly contribution na kailangan nilang bayaran ay tulad ng sa formal economy sector.
Kung ang seafarer ay kumikita ng P10,000 kada buwan ay dapat siyang magbayad ng minimum monthly contribution sa ahensya na P300.00. Ito ay kailangan na pantay nilang paghatian ng kaniyang managing agency na tumatayo niyang employer.
Kung ang seafarer ay kumikita ng P10,000.00-P59,999.00 pataas ay kailangan niyang magbayad ng monthly contribution ng P300.00-P1,800.00 kada buwan.
Para naman sa mga kumikita ng P60,000.00 pataas ay kailangang magbayad ng P1,800.00 kada buwan. Muli ang monthly premium na ito ay dapat pantay na paghahatian ng seafarer at kaniyang managing agency.
Para sa mga foreigners
Ang mga foreigners na miyembro ng PhilHealth ay may pinakamalaking binabayarang kontribusyon. Ito ay maari nilang bayaran quarterly, semi-annual at annually.
Para sa mga foreign retirees ang kanilang kailangang bayaran ay P15,000 kada taon. Habang ang mga exchange students at iba pang foreigners ay dapat magbayad ng P17,000 kada taon.
Para sa mga Pilipinong may dual citizenship
Ang mga Pilipinong may dual citizenship ay dapat magbayad ng P3,600 na premium kada taon. Sila ay maaring mag-advance ng kanilang bayad ng hanggang sa 2 taon lamang.
Paano magbayad ng contribution sa PhilHealth
Samantala, hindi tulad ng dati ay hindi na kailangan pang pumunta ng isang PhilHealth member sa opisina ng ahensya upang magbayad ng kanilang monthly contribution. Dahil may mga mas madali at komportableng paraan na ng pagbabayad ang ini-ooffer ng ahensya sa mga miyembro nito. Ang mga paraan na ito ay ang sumusunod:
Paano magbayad ng contribution sa PhilHealth sa pamamagitan ng collecting partners nito
Kung sakaling walang malapit na PhilHealth office sa inyong lugar ay maari namang maghulog ng contribution sa ahensya sa mga over-the-counter collecting partners nito.
Ang kailangan lang ay magpunta sa mga opisina ng accredited collecting partner, mag-fillup ng form sa pagbabayad na kung saan dapat nakalagay ang PhilHealth account at number ng miyembro magbabayad ng kontribusyon. Pati na ang buwan o quarter na iyong babayaran.
Ang mga over-the-counter collecting partners ng PhilHealth ay ang sumusunod:
- Asia United Bank
- Bank of Commerce
- Bank One Savings & Trust Corporation
- Bayad Center outlets and accredited agents
- Camalig Bank
- Century Rural Bank
- Century Savings Bank
- China Bank
- China Bank Savings
- Citystate Savings Bank
- Development Bank of the Philippines (DBP)
- EastWest Rural Bank
- LANDBANK
- Maybank
- Money Mall Rural Bank
- One Network Bank
- Overseas Filipino Bank
- Penbank
- Philippine Business Bank
- Philippine Veterans Bank
- RCBC Savings Bank
- RCBC
- Robinsons Bank
- Rural Bank of Bambang
- Rural Bank of Sta. Catalina
- Saviour Rural Bank
- Rural Bank of Jose Panganiban
- SM Business Centers and bills payment counters in SM Supermarket, SM Hypermarket, and Savemore
- UCPB
- UCPB Savings Bank
- UnionBank
Paano magbayad ng PhilHealth sa bayad center?
Para naman sa mga voluntary members na magbabayad sa bayad center. Ito ang kanilang kailangang gawin.
- Magpunta sa pinakamalapit na bayad center.
- Mag-fillout ng Bayad Center Payment Form.
- Isulat ang kumpleto mong PhilHealth Account Name, Address at Contact Number.
- Sa Transaction details section ay lagyan ng check ang Bills payment option. Ilagay ang PhilHealth sa biller at ang petsa o araw ng pagbabayad.
- Sa Government Transactions section, ilagay ang 12-digit PhilHealth ID number. Lagyan ng check ang contribution at VM para sa voluntary member. Ilagay ang buwan na babayaran at magkano. Siguraduhing pang-3 buwan na premium ang iyong babayaran.
- Lagyan ng check ang salitang Cash sa Payment Details section pati na ang halaga ng iyong babayaran.
Paano magbayad ng contribution sa PhilHealth online?
Noong una ang pagbabayad ng PhilHealth contribution online ay nagagawa lang ng mga employers o may mga empleyadong miyembro ng PhilHealth. Ngunit ngayon ay maari naring gawin ito ng mga voluntary o self-employed members sa pamamagitan ng Moneygment app.
Ang kailangan lang gawin upang makabayad ng PhilHealth contribution online sa tulong ng Moneygment app ay ang sumusunod:
- I-download at i-install ang Moneygment app sa iyong smartphone. Ito ay available sa Google Play at App Store.
- Mag-register sa app gamit ang mga personal details mong hinihingi nito.
- Mahalagang punan ang hinihinging account numbers ng iyong PhilHealth, SSS, at Pag-ibig. I-save ang mga ininput mong impormasyon.
- Sa Moneygment app home screen ay piliin ang ‘Pay pag-IBIG, PhilHealth & SSS” option. Saka piliin ang PhilHealth tab sa ilalim. Hihingin nito kung magkano ang iyong monthly salary. Bagamat maari mo itong baguhin sa (self-employed, voluntary OFW o employer). Piliin rin ang term ng iyong pagbabayad kung monthly ba ito, quarterly, semi-annual o annual at saka i-tap ang Submit button.
- I-review ang iyong transaction summary at i-tap ang “CONFIRM”.
- Pumili ng iyong mode of payment. Maaring ito ay sa pamamagitan Moneygment wallet, bank deposit, ECPay, Dragonpay, 7-11 o PayPal. I-tap ang “PROCEED.”
Kung pipiliin ang Dragonpay ay may opsyon itong gamitin ang iyong online banking account. Tulad ng BDO, BPI, Metrobank, RCBC, UnionBank at iba pang local banks sa bansa.
Para sa opsyon na “bank deposit” ay magpapadala ang Moneygment ng email sayo ng instruksyon kung paano ang gagawing pambayad gamit ang iyong online banking o fund transfer. Matapos ang fund transfer ay kailangang mong mag-send ng photo o scanned copy ng deposit slip sa email na [email protected].
Gamit ang nabanggit na 2 opsyon ay mag-rereflect sa iyong PhilHealth account ang ginawang pagbabayad matapos ang 2-3 araw.
Paano magbayad ng PhilHealth sa Gcash?
Narito ang mga step sa pagbabayad ng PhilHealth online gamit ang GCash:
- Buksan ang PhilHealth Member Portal:
- Pumunta sa PhilHealth Member Portal at mag-login gamit ang iyong captcha code, password, at PhilHealth identification number. Kung wala ka pang account, lumikha ng isa sa pamamagitan ng pag-click sa “Gumawa ng Account” at sundan ang mga steps sa pagpaparehistro.
- Mag-Generate ng SPA (Statement of Premium Account):
- Pagkatapos mag-login, pumunta sa bahagi ng Payment Management.
- Piliin ang “Generate SPA.”
- Sa ilalim ng Premium Payment Option, pumili ng bilang ng buwan na nais mong bayaran (1 hanggang 36 na buwan).
- I-click ang “Generate Statement of Premium Account (SPA).”
- Kumpirmahin at Magpatuloy sa Pagbabayad:
- I-click ang “Yes” sa pop-up window para kumpirmahin at magpatuloy sa pagbabayad.
- Pagbabayad sa Pamamagitan ng MyEg Philippines:
- I-click ang “Bayad” at magpatuloy sa MyEg Philippines.
- Pumili ng “Yes” para magpatuloy.
- Payment Summary:
- Suriin ang payment summary para sa tamang impormasyon.
- I-click ang “Next” para magpatuloy.
- Paraan ng pagbabayad – Piliin ang GCash:
- Piliin ang “Mobile” bilang paraan ng pagbabayad.
- Pagkatapos, piliin ang GCash bilang iyong paraan ng pagbabayad.
- Ilagay ang mga detalye ng para sa iyong payment:
- Ilagay ang kinakailangang detalye ng pagbabayad, kabilang ang iyong impormasyon sa GCash account.
- Authentication Code:
- Ise-send ang authentication code sa iyong mobile number.
- Ilagay ang Authentication Code at GCash MPIN:
- Ilagay ang authentication code na natanggap sa iyong mobile.
- Ibigay ang iyong GCash MPIN para sa pag-verify.
- Maghintay para sa Pagproseso ng Pagbabayad:
- Maghintay para sa pagproseso ng pagbabayad. Kapag tapos na, dapat mong matanggap ang kumpirmasyon ng matagumpay na pagbabayad sa PhilHealth.
Deadline ng pagbabayad ng PhilHealth contribution
Samantala pagdating sa deadline ng pagbabayad ng PhilHealth contribution ng mga self-employed o voluntary members, ito ay dapat gawin bago ang pinakahuling araw ng buwan, quarter, semester o ng taon.
Paano maging miyembro ng PhilHealth?
Para magpa-rehistro na maging miyembro ng PhilHealth ay maaring magpunta sa opisina ng PhilHealth o gawin ito online.
Sa opisina ng PhilHealth ay kailangang mag-fillout ng form at magbigay ng mahahalagang dokumentong kailangan. Tulad ng valid IDs, at photocopy ng birth certificate.
Kung nais mag-parehistro sa PhilHealth online ay bisitahin ang PhilHealth website. Magpunta sa Online Services link o kaya naman ay bisitahin ang PhilHealth Electronic Registration System https://eregister.philhealth.gov.ph.
Benepisyong makukuha ng PhilHealth member
Ang mga benepisyo namang makukuha ng mga PhilHealth member ay ang sumusunod:
In-patient benefits
Sa in-patient benefits o ang benepisyong makukuha kapag na-ospital ang PhilHealth member na kabilang ang room and board, medicines, diagnostic at iba pang services, professional fees at operating room services sa ilalim ng “all case rate” payment scheme.
Outpatient benefits
Outpatient benefits na kabilang ang mga day surgeries, elective (non-emergency) surgical procedures mula minor to major operations na kung saan ang miyembro o dependent nito ay maaring pauwiin sa kanilang bahay at nangangailangan lang ng post-operative care.
Z benefits
Z benefits o ang benefit package na ini-ooffer ng ahensya sa mga miyembro nitong nangangailangan ng matagalan at magastos na pagpapagamot.
Sa ilalim ng Z benefit package ay nakapaloob ang mga sakit na nahahati sa apat na uri. Ito ay nagsisimula sa Type A bilang pinaka-simple at mura. At hanggang Type D bilang pinaka-malala at magastos.
Ang mga sakit na ito ay ang mga kondisyon na kung tawagin ng PhilHealth ay “economically at medically catastrophic”. Tulad ng acute leukemia, breast cancer, prostate cancer, end-stage renal disease at iba pa.
SDG Benefits
Ang SGD benefits ay magagamit para sa mga kondisyon na nasa ilalim ng Sustainable Development Goals o SDG. Tulad ng malaria, HIV-AIDS, tuberculosis, at animal bites
Maternity benefits o ang packages ng PhilHealth para sa mga buntis at bagong silang na sanggol.
PhilHealth requirements na kailangan para maka-avail ng mga nabanggit ng benepisyo
Ang mga PhilHealth requirements na kakailanganin upang maka-avail ang isang miyembro ng mga nabanggit na benepisyo ay ang sumusunod:
- Member Data Record (MDR) at PhilHealth Claim Form na may pirma ng employer para sa mga miyembrong nagtratrabaho.
- Proof ng pagbabayad ng PhilHealth contribution tulad ng ORs o certificate of payment
- PhilHealth ID at isa pang valid ID
- Medical/ hospitalization documents at iba pang kakailanganing personal na dokumento
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!