Noong nakaraang buwan, ilang mga local utilities ang nag anunsyo na mag eextend sila ng monthly bills kasama na dito ang Meralco, Manila Water at iba pa. Ngunit ngayong nasa 2nd month na tayo ng ating quarantine at gumugulo na sa isip mo ang mga tambak na bayarin sa tubig, kuryente, internet o cable, mapapatanong kana lang talaga kung “Paano magbayad ng bills online?” Dahil ito na lang ang nakikita mong solusyon para makabayad on time sa mga rambak na bills sa inyong bahay.
Makakatulong rin sa’yo ang pagbabayad ng bills online lalo na kung ayaw mong malate o magkaroon ng penalty ang iyong monthly na bayarin.
How to pay bills online? | Image from Freepik
Paano magbayad ng bills online?
Sa panahon ngayon, sobrang bilis na gumalaw lalo na kung ikaw ay may internet. Mismong kuryente at tubig bills ay maaari mo nang bayaran online. Hindi kana magsasayang ng gasolina o ma-s-stuck sa traffic sa makapunta lang sa store at makapagbayad on time ng monthly bills.
Mommy, don’t worry! Narito ang mga ways kung paano magbayad ng bills online!
1. Paymaya
Nakakalimutan mo rin bang magbayad on time ng bills dahil sa sobrang pagka busy dahil sa trabaho o mga gawaing bahay? Laging stuck sa traffic dahilan para hindi makapagbayad ng bills? Don’t worry mommy! Makakatulong sa problema mo ang Paymaya. Trust me! Sa Paymaya, maaari kang makapagbayad ng bills, makapag shop online, load, magpadala ng pera, mag book ng flight o kaya naman bumili ng concert ticket!
How to pay bills online? |I mage from Paymaya
Steps:
- I-download ang Paymaya application sa iyong cellphone
- Mas advisable na gumawa agad ng account sa iyong Paymaya dahil tumatagal ito ng atleast 3 days para sa confirmation ng iyong profile.
- Once na maapprove ang iyong account, agad na i-connect ito sa iyong bank account at maglagay ng pera dito.
- Kapag mayroon ng pera ang iyong Paymaya account, maaari ka nang makapagbayad ng bills dito!
2. Gcash
Paano magbayad ng bills online? | Image from GCash
Isa rin ang GCash sa mga ways kung paano magbayad ng bills online. Ito ay isang mobile wallet app na maaari kang makapagbayad ng bills, makapagpadala ng pera, magpaload o magbayad ng QR!
I-download lang ang kanilang app at ready to go na magbayad ng iyong bills online!
3. Coins.ph
Sa Coins.ph ay maaari ka ring magbayad ng iyong monthly bills, mag paload, magdonate sa charity, remit money at card less ATM. Magdownload lang ng Coins.ph application at gumawa ng account dito. Ready to pay na sa bills!
4. Paypal
Makakapagbayad ka rin ng bills online gamit ang Paypal. Nasa mahigit 10 million online stores ang kanilang hatid at maaari ka ring mag shopping sa mga international stores!
Steps:
- Gumawa ng account sa Paypal.
- I-conect ang iyong debit card sa iyong Paypal Account.
- Whola, maaari ka nang makapag bayad ng bills!
5. Bayad Center App
Maaari ka ring makapagbayad ng nasa 1000 online bills online thru Bayad Center App. Pwede ka ring mag load at mag send ng load dito!
I-download lang Bayad Center App na available sa playstore.
Kung ikaw naman ay may banko, maaari ring makapagbayad ng bills dito thru online banking. Narito ang ilang banko na may online banking:
- BDO
- BPI
- RCBC
- Metrobank
- Unionbank
- Security Bank
BASAHIN: Paano nga ba mag file ng reimbursement sa Philhealth kapag na-ospital?
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!