Narito kung paano mag-file at isinasagawa ang Philhealth reimbursement process kapag nagkasakit. Partikular na ang Philhealth reimbursement for COVID-19 patient.
Philhealth reimbursement
Ang Philhealth ay isa sa mga major health insurance provider sa Pilipinas. Ito ay nasa ilalim ng pangangasiwa ng gobyerno na nagbibigay ng benepisyong pang-medikal sa mga miyembro nito.
Sa oras ng pagpapagamot o pagpapaospital ay may dalawang paraan kung paano magagamit ng isang Philhealth member ang kaniyang benepisyo. Una ay sa pamamagitan ng automatic deduction sa kaniyang bill sa ospital. At pangalawa sa pamamagitan ng reimbursement na kaniyang expenses o ginastos sa pagpapagamot.
Bagamat sa automatic deduction ay awtomatikong naibabawas sa bill ng Philhealth member ang kaniyang benefits, may pagkakataon naman na kailangan niya paring maglabas ng sariling pera o gumastos. Ito ay kapag hindi available sa ospital kung saan siya naka-confine ang gamot na nireseta ng doktor. O kaya naman hindi maaring maisagawa rito ang diagnostic at medical procedures na kinakailangan sa kaniyang kondisyon. Sa puntong ito ay hindi naman dapat mag-alala ang Philhealth member o ang kaniyang dependents. Dahil maari parin naman siyang mag-file ng Philhealth reimbursement upang maibalik ang kaniyang gastos nang magkasakit.
Samantala, maari rin namang piliin ng Philhealth member na buo na munang bayaran ang kaniyang bill sa pagpapagamot. At saka mag-file ng reimbursement sa Philhealth upang makuha ang refund sa kaniyang mga nagastos. Tanging ang gastos na pasok lang sa kada case rate ang maaring i-reimburse ng Philhealth. Ang kahit anumang gastos na lagpas sa case rate allotment ng Philhealth ay hindi na maaring mai-refund o mai-reimburse.
Philhealth reimbursement process
Sa ngayon ay mas ini-encourage ng gawin ang automatic deduction sa pag-claim ng benepisyo ng Philhealth. At ang proseso ay pinangungunahan na mismo ng ospital kung saan na-admit ang pasyente.
Ganoon rin ang Philhealth reimbursement process na kung saan ang ospital na ang nag-aasikaso. Ang kailangan lang gawin ng pasyente ay sagutan ang mga form na kailanganin at ipasa ang mga requirements na hinihingi.
Ngunit sa oras na ito ay hindi maisagawa ng ospital na pinagpagumatan ng pasyente ay kailangan niyang asikasuhin ang filing ng kaniyang reimbursement sa loob ng 60 days matapos siyang makalabas sa ospital.
Ang mga form na kailangan sagutan ay ang Claim Form 1, Claim Form 2, Claim Form 3 kung kinakailangan at ang bagong Claim Form 4. Mahalagang mapunan ang mahahalagang impormasyon na kailangan ng mga claim forms. Ganoon rin ang mga lagda na hinihingi nito tulad sa Claim Form 1 na nangangailangang ng lagda ng employer o pinagtratrabahuan.
Requirements sa pagpa-file ng reimbursement
Kailangan ring ihanda ang mga sumusunod na dokumento:
- Kopya ng updated Philhealth Member Data Record o MDR.
- Kung kasal at hindi pa nag-rereflect ang impormasyon sa Philhealth data record ay dapat ring maghanda ng kopya ng marriage certificate.
- Kopya ng lahat ng resibo ng mga gamot na ibinili. Pati na ang kopya ng statement of accounts na nagmula sa ospital.
- Waiver mula sa Philhealth section ng ospital na nagpapatunay na walang naibawas na PhilHealth benefits sa kabuuang binayaran.
- At iba pang supporting documents tulad ng birth certificate, at Philhealth ID kung kinakailangan.
- Sa oras naman na ang dependent ng miyembro ang na-ospital ay dapat makita ang pangalan nito sa listahan ng mga dependents sa kaniyang MDR.
Sa oras na makumpleto ang mga dokumentong kinakailangan ay maari ng magpunta sa Philhealth upang mai-proseso ang iyong reimbursement. Asahan ring maaring abutin ng 2-6 na buwan ang Philhealth reimbursement process. Matatanggap ang notipikasyon kung ito ay maari ng makuha sa pamamagitan ng sulat na ipapadala sa address na iyong inilagay sa claim form o sa numero ng mga telepono na isinulat mo rito.
Philhealth reimbursement for COVID-19 patient
Sa ngayon ay mainit ring usapin ang Philhealth reimbursement ng mga miyembro na naging biktima ng COVID-19. Ngunit batay sa pahayag ni PhilHealth chief Ricardo Morales ay sasagutin ng ahensya ang lahat ng gastos sa pagpapaggamot ng mga biktimang na-ospital mula noong magsimula ang outbreak hanggang ngayong April 14. Ang mga nakapagbayad na ay maari ring mag-file ng reimbursement basta kanilang maipapakita ang mga resibo at dokumentong kinakailangan.
“Lahat ire-reimburse ng PhilHealth ‘yon. Kung nakapagbayad na siya, we will reimburse fully all the expenses. Makapag-ugnayan lang sila sa amin.”
Ngunit dagdag pa ni Morales tanging ang mga nagpa-ospital lang ang maaring mag-fle ng COVID-19 Philhealth reimbursement. At hindi kabilang ang mga dumaan sa self-administered treatment at hindi nagpaggamot sa accredited hospitals ng ahensya.
Case rate package sa COVID-19
Samantala, sa pagpasok ng April 15 ay lilimitahan at magkakaroon na ng case rate package ang mga pasyente ng COVID-19. At ito ay naka-depende sa lala ng kanilang kondisyon.
Ang Philhealth case rate package para sa COVID-19 ay ang sumusunod:
Mild pneumonia- PHP 43,997
Moderate pneumonia- PHP 143,267
Severe pneumonia- PHP 333,519
Critical pneumonia- PHP 786,384
“Starting April 15, mag-implement na kami ng package rate na ‘yan, case rate na tinatawag.”
Ito ang pahayag ni PhilHealth vice president for corporate affairs at spokesperson Dr. Shirley Domingo.
“But meron rin tayong mechanism naman, lalo na kung indigent, wala siyang pambayad ng bills, kung lalampas siya sa case rate, kasi malaki-laki rin naman ang mga case rate natin, ay puwede naman siya mag-request ng assistance doon sa balance of bill.”
Ito ang dagdag niya pang pahayag.
Source:
GMA, Business World, Philhealth
Basahin:
Paano mag-apply sa Philhealth? Sundin lang ang aming step-by-step guide!
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!