23 paraan upang maging mas masaya

Ayon sa siyensiya, kung susundin o gagawin mong guide itong 23 na kasanayan na ito, maaaring umangat o tumaas ang iyong personal happiness. Alamin mga ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Madalas tanungin nating mga tao sa ating sarili kung paano maging masaya? Bakit ng aba? Paano ng aba?

Maraming bagay at dahilan kung bakit tayo pwedeng maging masaya at marami ring bagay at dahilan kung paano natin makakamtan ang kasiyahang gusto nating maatim sa buhay.

Ayon sa siyensiya, kung susundin o gagawin mong guide itong 23 na kasanayan na ito, maaaring umaangat o tumaas ang iyong personal happiness.

23 paraan kung paano magiging masaya

1. Alamin kung ano ang dapat gawin muna

Paano mo dapat buuin ang tamang mga bagay na pwede kang lumigaya kung hindi mo naman alam kung saan ka talaga nagsta-struggle sa umpisa pa lamang? Marahil makakatulong kung kumuha ka ng eksam para i-explore moa ng happiness strengths at weaknesses mo. Unawaing mabuti ang mga strengths at weaknesses na ito at araling kung paano mo ito mapapabuti.

2. Bigyan ang iyong sarili ng isang confidence boost

Bakit ka pa nagabala sa pag-increase ng happiness mo kung hindi mo iniisip na maaari kang maging matagumpay dito? Kaya napaka-importante na i-build mo ang iyong self-efficacy—para ma-prove mo sa iyong sarili na kaya mo talaga i-increase yung happiness mo. Ang pinakamahusay na paraan para gawin ito ay syempre unahin sa pinakamadali—tulad ng pag-prioritize sa paggugol ng oras sa masasayang bagay.

3. Dapat maganda ang pakiramdam mo sa iyong sarili

Upang maging mas maligaya, dapat mas mag-pokus ka sa mga bagay na may kaugnayan sa happiness sa paraan na iyon mas mapapadali mong makamtan ang happiness na iyong minimithi—positive self-views.

4. Gawing balanse ang iyong buhay at i-overcome ang pagod

Hindi mo makakamtan ang enerhiya upang maging masaya kung ikaw mismo ay pagod at miserable sa trabaho? Talagang mahihirapan ka. Kung gusto mo talagang maging masaya kailangan mong paglaanan ng oras at enerhiya ito, kaya dapat mag-create ka ng mas magandang work-life balance.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

5. Dapat maganda ang growth mindset mo tungo sa iyong happiness

Ang growth mindset ay ang belief na kaya mong baguhin ang iyong sarili. So basically, kapag ginawa o inapply natin ang growth mindset ng ating happiness, naniniwala rin tayo na kaya nating baguhin ang ating happiness.

6. Gumawa ng mga magagandang memorya

Imbes na mga negatibong bagay ang iyong isipin, dapat mong mas ipagtibay ang mga mabubuti o masasayang bagay na nangyari sa iyong buhay dahil ito rin ang makakatulong sa iyo para sa happiness na gusto mo.

7. Hanapin ang mga silver-lining

Marahil paminsan sa ating buhay na may nangyayaring mga ‘di mo inaasahan pero mas maganda kung hanapan mo ito ng benefits or silver-lining na tinatawag nila, malay mo baka masupresa ka sa iyong madidiskubre na maganda palang dahilan.

8. Magpahinga sa paggamit ng social media

May mga negatibong epekto ang paggamit ng Facebook o social media in general sa ating happiness. Kaya piliin na minsa’y magpahinga sa paggamit ng mga ito upang ma-boost ang iyong happiness.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

9. Siguraduhin gumastos ng tama para sa iyong happiness

Kung paano natin ginagastos ang ating pera ay mayroong ding impact sa kaya nating gawin at sa kung paano tayo mamumuhay. Halimbawa na nga lamang gumagastos tayo sa mga mamahaling bahay o kotse o di kaya naman mga signature bags na naiisip natin makapagpapasaya sa atin, bakit hindi natin gastusin an gating pera sa mga adventures, sa experience o sa mga regaling pwedeng ikasiya rin ng ibang tao. Ibang kaligayahan at contentment ang mararamdaman natin dito.

10. Siguraduhing maging magalang kapag nakikipag-usap

Kapag tayo ay magalang sa iba, maganda ang feeling nito sa ating mga sarili. Ugaliin na gumawa ng magandang bagay sa iba at may respeto.

11. Alisin ang mga negatibong bagay sa iyong isipan

Aminin na natin, madalas tayo talaga ang nagpapa-miserable sa ating mga sarili. Ang mga negatibong bagay na tumatakbo sa ating isipan tulad ng pagaalala, takot sa rejection, at iba pa. Itigil na natin itong habit na ito at mag-pokus sa mas magaganda at positibong bagay.

12. Hanapin ang kaliwanagan ng pag-iisip

Paano ka makakapag-move on kung ikaw mismo sa sarili mo hindi mo alam ang iyong nararamdaman at kung bakit mo ito nararamdaman? Para maging masaya, subukan mong liwanagan ang iyong pag-iisip lalo na sa iyong emosyon: alamin ang tunay mong nararamdaman at kung bakit mo nararamdaman ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

13. Siguraduhin na live your values

Pagsinimulan mo i-explore ang iyong sarili at iyong values, baka madiskubre mo na alam mo pala talaga kung paano ka magiging masaya at kung ano talaga magpapasaya sa iyo.

14. Bigyan ng atensyon ang mga mabuti o magandang bagay

Aminin na natin minsan ang buhay ay hindi madali pero lagi natin bigyang pansin ang magagandang bagay sa ating paligid, na kaya mo at kakayanin mong malampasan ang mga paghihirap.

15. Gamitin ang iyong imahinasyon para ilikha ang buhay na iyong minimithi

Kapag ikaw ay nagi-imagine, mag-imagine ka na mga bagay na makakatulong sa iyo sa paglikha mo ng happiness.

16. Maging mindful

Minsan gusto nating umeskapo sa mga bagay. Ang mundo ay marahil minsan madilim at nakakatakot, pero mas maganda kung i-practice nating maging mindful sa mga positibo at negatibo.

17. Alamin kung ano nga ba ang happiness para sa ‘yo

Lahat tayo iba-iba ang pag-define sa happiness. Kung alam mo talaga kung ano ang ibig sabihin ng happiness para sa iyo, mas mapapadaling mahanap mo ito. Kung kaya’t magsaliksik kung ano nga ba talaga ang happiness para sa ‘yo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

18. Harapin mo ang iyong buhay

Ang buhay mahirap man dapat mo itong harapin. I-push mo ang sarili mo na labanan ang takot at i-approach ang buhay ng may kagalakan.

19. Siguraduhing napapakinggan ang iyong boses at syempre be yourself

Paghinahayaang mong tinatapakan ka lang ng mga ibang tao, magiging miserable ka. Pero kung hahayaan mo ang iyong sarili na mapakinggan, mas mafi-feel mo na in control ka sa buhay mo. Kung matututunan mong ipahayag ang iyong sarili mao-overcome mo ang mga interpersonal challenges na nagpapalungkot sa iyo.

20. Hanapin ang iyong purpose

Lahat tayo na-feel natin na para bang mayroon tayong mga positibong bagay na nagawa sa mundong ito, pero minsan hindi tayo sigurado kung ano ang mga bagay na ito na gusto nating magawa. Kung kaya’t alamin natin kung ano talaga ang ating sense of purpose and paano natin makakamtan o maisasakatuparan ang purpose na ito.

21. Mag-build ng mga makabuluhang mga koneksyon

Mas liligaya tayo kung nage-enjoy tayong gawin ang mga bagay kasama ang iba. Kung kaya siguraduhin na mag-build ka ng mga makabuluhang relasyon at social connection sa ibang mga tao. Siguraduhing pagtibayin mo ang mga relasyon na iyon at magsanay na maging mabuti sa iba at magbigay pasasalamat lagi sa mga taong importante sa iyo.

22. Mag-get off sa hedonic treadmill

Ang hedonic treadmill ay tumutukoy sa tendency na bumalik tayo sa ating mga original happiness level over time. Para ma-boost moa ng baseline-level ng iyong happiness, pwede mo i-try na baguhin ang pag-iisip mo tungo sa nutrisyon at ehersisyo para ma-maintain ang iyong happiness level.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

21. Siguraduhin na ikaw ang accountable sa mga nangyayari sa iyo

Marahil gawin natin ang mga bagay na sinasabi nating gagawin natin kung kaya naman dapat mag-iskedyul ng tama sa mga dapat mong gawin para ma-track mo ng tama ang mga bagay-bagay. Kung gusto mo talagang mas maging masaya, huwag mong hayaang lamunin ka ng kalungkutan, iyon talaga ang pinaka-number one kung paano maging masaya.

 

Source: Psychology Today

Basahin: Happy Wife Happy Life: Ang sikreto sa masayang pag-aasawa