Ibinabahagi ni Harry Benson, isang relationship expert, ang sikreto sa masayang pagsasama niya kasama ng kaniyang asawa. At ito ang tinatawag na “happy wife happy life.”
Naging malungkot ang kanilang pagsasama matapos magkaron ng anak
Photo from: pexels.com
Ibinahagi ni Harry sa unang walong taon ng kanilang kasal, sinabi ng asawa niya na hindi siya masaya.
“You know I love you, Harry,” sabi sa kaniya ng kanyang asawa. “But since we’ve had the children, I’ve found it harder and harder to talk to you. We have a comfortable life and you’re wonderful with the children when it suits you. But you don’t seem at all interested in me. We don’t seem to be friends any more. I feel lonely and unimportant. I’m not sure how long I can go on like this.”
Dagdag niya, “Everyone accepts that good marriages can go bad. But it was never going to happen to us, was it? Yet insidiously we’d grown apart and, without knowing it, were drifting toward a break-up.”
Dahil dito, napagdesisyunan niyang unahin ang kaniyang asawa sa kanilang relasyon.
Ano ang ibig sabihin ng “Happy wife happy life?”
Matapos mag survey ng mahigit 300 na ina, natagpuan ni Harry at ng kaniyang asawa ang sikreto sa masayang pagsasama.
Mas mahalaga sa kanila ang pagkakaroon ng asawa na handang alagaan ang kanilang mga anak, maalagain, at higit sa lahat, binibigyan sila ng atensyon.
Nalaman nila na hindi gaano mahalaga sa mga ina ang sahod ng asawa, pagiging malakas o sexy, at pagiging adventurous.
Sinabi ni Harry na ang gusto ng mga ina ay alagaan sila ng kanilang mga asawa. Kailangan nila ng mister na tumutulong sa kanila, at ipinaparamdam sa kanila na mahalaga sila. Kapag masaya ang isang ina, ay siguradong magiging masaya rin ang buong pamilya, aniya.
“Like Kate, most women want friendship more than anything from their husbands. That’s it. It’s not about being a doormat. I learned to really love Kate and she loved me back. That’s what mums want. And that’s what dads need to know. It’s a disarmingly simple formula, but it is the key to a happy and enduring marriage,” dagdag niya.
Isinalin sa Filipino ni Alwyn Batara
https://ph.theasianparent.com/relationship-expert-shares-secret
Basahin: 5 Bagay na madalas pinag-aawayan ng mga mag-asawa
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!