Paano maging matalino ang anak? May mga pagkaing hindi dapat siyang kainin!
Paano maging matalino ang anak?
Hindi lingid sa ating kaalaman na may mga pagkaing maaring magdulot ng masamang epekto sa ating kalusugan. Ngunit maliban rito ay may mga pagkaing ring maaring makakaapekto sa development ng utak lalo na ating mga anak. Narito ang mga pagkaing ito na dapat iwasan mo ng ipakain sa iyong anak upang hindi maapektuhan ang kaniyang talino.
Mga pagkaing hindi niya dapat kainin
Packed o processed foods
Ayon sa isang pag-aaral na nailathala sa Journal of Epidemiology and Community Health, ang mga packed o processed foods ay nagpapababa umano ng IQ ng isang bata. Dahil ito ay may taglay na mataas na amount ng fats, sugar at MSG o monosodium glutamate na lubhang nakakaapekto sa function ng ating utak. Tulad nalang ng mood at behavioral changes, sakit ng ulo at hyperactivity sa isang bata.
Ang mga halimabawa ng packed at processed foods na dapat iwasang kainin ng iyong anak ay noodles, chips, burger, pizza at instant noodles.
Pagkaing may artificial coloring
Ang mga pagkaing may artificial coloring tulad ng mga candies at jellies ay dapat ding iwasang kainin ng iyong anak. Dahil ang artificial color na inilalagay sa mga ito ay may masamang epekto sa utak at behavior ng isang bata.
Ayon sa isang 2007 study ng United Kingdom’s Food Standards Agency natuklasang ang mga pagkaing may artificial coloring ay may kaugnayan sa pagkakaroon ng sakit ng ulo, anxiety, hyperactivity sa isang bata.
Pagkaing may artificial sweetener
Maliban sa artificial coloring, ang mga pagkaing may artificial sweetener ay maari ring makaapekto sa function ng utak ng isang tao. Dahil ayon sa isang 2017 study ang pag-inom ng mga inuming may taglay ng artificial sweetener tulad ng soda ay may kaugnayan umano sa pagkakaroon ng dementia.
Inuming may taglay na caffeine
Kapag sinabing caffeine, ito ay hindi lamang makikita sa inuming kape. Ang mga tsaa, tsokolate at iced tea ay taglay rin ito na natuklasang may masamang epekto sa utak ng isang tao lalo na sa mga bata. Ang pag-inom rin ng mga ito ay nagdudulot rin ng sakit sa ulo, tiyan, pagiging nerbyoso, hirap sa pagtulog at hyperactivity.
Pagkaing may mataas na amount ng sugar
Ang mga pagkaing matatamis ay may taglay na mataas na amount ng fructose at glucose. Ang mga ito ay nakakaapekto sa secretion ng insulin ng utak na nakakaapekto naman sa function ng utak particular na sa mood changes ng isang tao.
Ayon din sa isang UCLA study ang fructose ay nakakabawas rin sa brain activity ng utak. Pinapabagal nito ang processing ng utak sa mga thoughts at emotions. At pinapabagal rin ang pagkatuto at nagdudulot ng memory loss.
Baked goods
Ayon naman sa isang 2015 study, ang mga baked goods ay nagpapahina rin ng memory ng isang tao. Natuklasan ito ng pag-aaral sa pamamagitan ng isang test na kung saan nahirapan umanong makaaalala ng mga salita ang mga taong kumain ng mataas na level ng trans-fat sa isang araw. Maliban sa mga baked goods, mabuting i-check din muna ang trans-fat amount ng iba pang pagkaing ibinibigay sa iyong anak.
Pagkaing may taglay na saturated fat
Ang mga pagkaing may saturated fat ay natuklasan ng isang Harvard study na nakakaapekto sa brain function at memory ng isang tao. Ang mga pagkaing may mataas na saturated fat ay taba at pulang karne ng hayop, butter, cheese, ice cream at coconut oil. Para mas tumalas ang memorya mabuting kumain ng mga pagkaing may monounsaturated fats tulad ng avocado at olive oil.
Maliban sa pag-iwas sa mga nasabing pagkain, ang isa pang paraan kung paano maging matalino ang anak mo ay ang pagsisiguro na nakakakuha siya ng maayos at kumpletong tulog. Ito ay upang makapahinga ang kaniyang utak at mas maayos siyang makapag-isip at makapag-concentrate sa mga oras na kailangan niya ng mag-aral at matuto.
Source: CNN, The Healthy, The AsianParent
Photo: Freepik
Basahin: 8 Pagkain na pampalakas at pampatangkad sa mga bata