X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Gusto mo bang lumaking matalino at mabait si baby? Gawin mo ito araw-araw

3 min read

Paano maging matalino si baby? Hindi lang dapat lumaking matalino ang isang bata. Dapat ay lumaki rin siya na mabait at responsable. Ngunit bilang magulang, paano mo nga ba masisiguro ito?

Paano maging matalino si baby

paano-maging-matalino-si-baby

Image from Freepik

Alam mo ba na mayroong mga maliliit na bagay na puwedeng magkaroon ng malaking epekto sa iyong anak? Isa na rito ang pagbabasa sa kanila ng libro. Marahil ay marunong na silang magbasa mag-isa pero ang pagbabasa ng libro sa kanila ay mas nakakabuti raw ayon sa mga pag-aaral.

Subukan daw itong gawin araw-araw at makikita mo unti-unti ang mga benepisyo nito. Bagama’t madalas ay abala ang mga magulang sa ibang bagay, importante talagang bigyan pa rin ang iyong anak ng kahit kaunting oras at atensyon.

Ano ang mga benepisyo nito

paano-maging-matalino-si-baby

Image from Freepik

1. Malawak na vocabulary

Dahil ang bata ay makakarinig ng mga bagong salita at kahit papano ay malalaman ang ibig sabihin nito, lalawak ang kanyang vocabulary. Ayon sa mga pag-aaral, ang batang may malawak na vocabulary ay mas nage-excel sa eskwela dahil kapag mayroong itinuturo ang kanyang guro, naiintindihan niya ito nang buo. Kumpara sa bata na kaunti pa lang ang alam na salita.

2. Siya ay masasanay na magbasa ng libro

Dahil ito ay isang habit na mabubuo sa kanya, lalaki ang bata na nagbabasa ng libro. Hindi ka mahihirapan sa tuwing mayroon silang kailangang basahin para sa eskwela. Sa panahon din kasi ngayon, maraming bata ang mas gustong gumamit ng gadgets o di kaya ay matuto mula sa mga pinapanood sa YouTube. Wala namang masama sa mga ito, pero ang batang mahilig magbasa ay mas maituturing pa rin na advanced.

3. Bonding time

Ito rin ay magsisilbing bonding time niyo ng iyong anak. Sa tuwing babasahan mo siya ng libro, mararamdaman niyang naglalaan ka ng oras para sa kanya at dahil dito ay iloo-look forward niya ang bonding na ito.

4. Nagkakaroon siya ng empathy

Dahil sa mga kuwento ay nai-immerse ang bata sa iba’t ibang karakter. Dahil dito, natututo siyang pakiramdaman ang mga saloobin ng mga ito at siya ay magkakaroon ng sense of empathy.

Paano mo ito magagawa araw-araw

paano-maging-matalino-si-baby

Image from Freepik

Dahil marami sa mga magulang ay abala, mahirap itong gawin araw-araw. Kaya naman narito ang ilang tips para magawa mo itong exercise na ito nang tuloy-tuloy.

  • Magsimula muna sa mga maiikling kuwento para hindi masyadong matagal na oras ang kailanganin.
  • Mag-set ng oras na walang makakaabala sa inyo. Siguraduhin muna na tapos na ang mga dapat mong gawin.
  • Kung gusto mo ring masukat kung natututong magbasa ang iyong anak, pwede kayong mag-take turns sa pagbabasa ng isang kuwento.
  • Kung nahihirapan ka naman dahil distracted ang iyong anak sa tuwing kayo ay nagbabasa, siguraduhin na engaging ang istorya na iyong pipiliin.
  • Paminsan ay tanungin mo rin siya kung ano ang kanyang natututunan at huminto minsan minsan habang nagbabasa para siguraduhing siya ay nakikinig.
  • Para sa mga mas bata, ayos lang kung magbasa kayo ng istorya ng ilang ulit. Pero para sa toddlers at preschoolers, marahil ay palagi silang maghahanap ng bagong kuwento.

Simple lang ang pagbabasa sa iyong anak pero napakarami nitong benepisyo para sa kanila. Kung talagang gusto mo na lumaki silang matalino at mabait, alam mo na kung ano ang iyong dapat gawin!

 

Source:

Happy You, Happy Family

Basahin:

Pinakamatalino sa magkakapatid ang panganay, ayon sa pag-aaral

Partner Stories
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin
4 Modern Challenges Faced By Moms (And Tips To Manage Them)
4 Modern Challenges Faced By Moms (And Tips To Manage Them)
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

mayie

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Gabay ng Mga Magulang
  • /
  • Gusto mo bang lumaking matalino at mabait si baby? Gawin mo ito araw-araw
Share:
  • Gustong maging smart si baby? 34 na paraan para matulungan siyang maging matalino

    Gustong maging smart si baby? 34 na paraan para matulungan siyang maging matalino

  • 5 Simple ways busy parents can help raise smarter kids

    5 Simple ways busy parents can help raise smarter kids

  • 8 rason kung bakit hindi sumusunod ang bata kahit paulit-ulit ng pinagsabihan

    8 rason kung bakit hindi sumusunod ang bata kahit paulit-ulit ng pinagsabihan

  • Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

    Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

  • Gustong maging smart si baby? 34 na paraan para matulungan siyang maging matalino

    Gustong maging smart si baby? 34 na paraan para matulungan siyang maging matalino

  • 5 Simple ways busy parents can help raise smarter kids

    5 Simple ways busy parents can help raise smarter kids

  • 8 rason kung bakit hindi sumusunod ang bata kahit paulit-ulit ng pinagsabihan

    8 rason kung bakit hindi sumusunod ang bata kahit paulit-ulit ng pinagsabihan

  • Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

    Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.