X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

9 na maduduming bagay na araw-araw hinahawakan ng anak mo

5 min read
9 na maduduming bagay na araw-araw hinahawakan ng anak mo

Hindi maiiwasan ng iyong anak na maghawak ng maduduming bagay. Para maiwasan na siya ay magkasakit, alamin kung paano lilinisin ang bahay nang maayos.

Ang mga bata ay talagang curious at adventurous pa. Lahat ng kanilang nakikita sa paligid ay gusto nilang pakialaman. Ang paglalaro sa maduduming lugar o paghawak sa kung saan-saan, lahat ay gusto nilang masubukan. Araw-araw, maraming maduduming bagay ang nahahawakan ng iyong anak. Narito ang 9 na maduduming bagay na araw-araw hinahawakan ng anak mo. Gamitin din itong gabay kung paano maglinis ng bahay!

paano-maglinis-ng-bahay

Photo from Unsplash

9 na maduduming bagay na araw-araw hinahawakan ng anak mo

1. Remote control

Sa isang hindi maipaliwanag na rason, mahilig ang mga bata na hawakan ang remote control. Kahit pa sila ay kumakain o simpleng nanonood lang ng TV, hawak-hawak lang nila ito palagi. Kahit nga minsan ang mga baby na 8 months old ay giliw na giliw dito. Makikita mo pa nga minsan na susubukan nila itong dilaan na para bang ito ay may lasa. Ngunit siguro naman ay alam nating sobrang dumi ng gamit na ito. Bukod sa kung sino-sino ang humahawak nito, kung saan-saan din ito nakatabi. Minsan ay naiiwan ito sa lapag, sa CR o sa ilalim ng sofa. Ang mga germs na nakakapit dito ay talaga namang nakababahala.

2. Mga laruan

paano-maglinis-ng-bahay

Photo from Unsplash

 

Tandaan na ang paboritong laruan ng iyong anak ang pinakamadumi sa lahat. Ganun din naman ang mga laruang dinadala niya sa labas kapag siya ay naglalaro. Naiipon ang mga germs dito at kung hindi maayos ang pagkakalinis dito o ito’y maiwan na basa, maaring mag-grow ang fungi dito.

3. Potty trainer

Halos lahat naman ng magulang ay natutuwa kapag nagsisimula nang gumamit ng potty trainer ang kanilang baby. Mahalaga ang potty training pero importante ring malaman ng mga mommies na ito ay naiipunan din ng germs. Ang kamay na ihahawak nila sa mga plastic seat covers ay maari nilang maisubo. Kaya naman mahalaga din na sila ay palaging babantayan.

4. Car seats

Ang car seat ng bata ay madalas na matapunan ng kung ano-anong bagay. Minsan pa nga ay nagli-leak ang diaper nila at naa-absorb nito. Kaya naman kung hahawakan ito ng iyong anak, siguradong makakasagap siya ng mga germs at dumi mula dito.

5. Mga hawakan ng cabinet at door knobs

Maraming cabinet handles at door knobs ang nahahawakan ng iyong anak hindi lang sa bahay, kung di pati na rin sa school. Dahil marami pang ibang tao ang humahawak dito, hindi malayong makapasa ito ng germs sa iyong anak. Hindi naman natin alam kung ang huling humawak nito ay may sakit ba. Pero para makasigurado, mas mabuti na ring linisin ito palagi.

6. Lababo

Isa pang hilig ng mga bata ay ang paglalaro ng tubig. Minsan, kapag sinasabihan silang maghugas ng kamay, hindi lang sila basta maghuhugas at aalis na. Madalas ay maglalaro pa ito at hindi maiiwasang mahawakan ang drain o ang gilid ng lababo. Dahil dito, nakakakuha rin sila ulit ng germs at madalas, nawawalan din ng bisa ang paglinis nila ng kamay.

7. Light switch

Katulad ng ibang mga nabanggit, ang mga light switch din ay hinahawakan ng kung sino-sino. Kung hindi kayang iwasan na ito’y kanilang mahawakan, linisin na lang palagi ang mga light switch sa inyong bahay.

8. Sapatos

Alam naman nating madumi talaga ang sapatos. Ang shoelace at sole ng sapatos ang pinakamaduming hinahawakan ng iyong anak araw-araw. Hindi naman ibig sabihin nito ay ikaw na lang ang magtatali ng kanilang sintas palagi. Turuan lamang sila na maghugas ng kamay pagkatapos.

9. Sports equipment

Kung ang iyong anak ay mahilig sa sports, kailangan mong malaman na importante ring nililinis ang mga gamit nila dito. Dahil exposed sa pawis at dumi ang mga ito, kailangan na linisin agad ito pagkatapos gamitin.

Para maiwasang magkasakit ang iyong anak, narito ang ilang paraan para malinis nang maayos ang iyong bahay.

Paano maglinis ng bahay

paano-maglinis-ng-bahay

1. Madalas na paglilinis ng mga laruan ng bata

Kung marami ang laruan ng iyong anak at wala kang masyadong oras para linisin ito. Ang palaging pagpupunas dito ng basang basahan na may alcohol ay maari mo ring gawin. Para naman sa mga stuffed toys, maaaring labahan na lamang ito.

2. Gumamit ng disinfectant

Hindi lang dapat bastang hinuhugasan ang mga gamit sa bahay. Kailangan din na ma-disinfect ang mga sulok at gilid-gilid ng bahay.

3. I-decontaminate ang mga sapatos, car seat at sports equipment

Dahil nga prone na maipunan ng germs ang mga gamit na nabanggit, importante na matutunan ng mga magulang na mag-decontaminate. Matapos labahan o punasan nang maigi ang gamit, maaari mo rin itong patuyuan sa direct sunlight para sa dagdag na UV treatment.

Maraming nagsasabi na ayos lang din na exposed ang mga bata sa dumi dahil nakakatulong ito sa pag-build up ng kanilang immune system. Pero para na rin safe at healthy ang iyong anak, subukan pa ring panatilihin ang kalinisan sa iyong bahay.

 

Republished and translated with permission from theAsianparent Singapore.

BASAHIN: Directory ng Cleaning at Yaya Services sa Metro Manila at iba pa, Antibacterial Wipes Are Useless For Thorough Cleaning, Expert Says

Partner Stories
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin
4 Modern Challenges Faced By Moms (And Tips To Manage Them)
4 Modern Challenges Faced By Moms (And Tips To Manage Them)
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

mayie

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Gabay ng Mga Magulang
  • /
  • 9 na maduduming bagay na araw-araw hinahawakan ng anak mo
Share:
  • Namamaga ang bakuna ni baby, normal ba ito?

    Namamaga ang bakuna ni baby, normal ba ito?

  • ALAMIN: Gaano kadalas ba dapat labahan ang tuwalya?

    ALAMIN: Gaano kadalas ba dapat labahan ang tuwalya?

  • Maitim na kilikili? 12 iba't ibang natural na paraan pampaputi ng kilikili

    Maitim na kilikili? 12 iba't ibang natural na paraan pampaputi ng kilikili

  • Mom Confession: "Naging pabaya akong nanay dahil inuna ko ang aking trabaho."

    Mom Confession: "Naging pabaya akong nanay dahil inuna ko ang aking trabaho."

  • Namamaga ang bakuna ni baby, normal ba ito?

    Namamaga ang bakuna ni baby, normal ba ito?

  • ALAMIN: Gaano kadalas ba dapat labahan ang tuwalya?

    ALAMIN: Gaano kadalas ba dapat labahan ang tuwalya?

  • Maitim na kilikili? 12 iba't ibang natural na paraan pampaputi ng kilikili

    Maitim na kilikili? 12 iba't ibang natural na paraan pampaputi ng kilikili

  • Mom Confession: "Naging pabaya akong nanay dahil inuna ko ang aking trabaho."

    Mom Confession: "Naging pabaya akong nanay dahil inuna ko ang aking trabaho."

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.