Bilang magulang, gusto natin na lumaking mabuti ang ating mga anak. Pero sa panahon ngayon, marami sa mga bata ang lumalaking suwail sa kanilang magulang. Kung ayaw mong maging ganito ang iyong anak, alamin kung paano magpalaki ng honest na bata.
Paano magpalaki ng honest na bata
Una sa lahat, kailangan nila itong makita sa iyo. Ang mga bata ay gumagaya lamang sa mga nakikita at kinalalakihan nilang environment. Kung sa inyong pamilya, nakikita niya ang pagmamahal at openness, ito rin ang kanyang maa-adapt.
Crucial ang role ng mga magulang sa paglaki ng isang bata. Kung maganda ang inyong ipinapakita na mga ugali sa kanya, malaki ang posibilidad na lumaki siyang katulad niyo. Habang bata pa siya at wala pa siyang mga influences mula sa ibang mga tao, i-train na kaagad siya at i-build ang disiplina.
Image from Freepik
Para sa oras na makakasalamuha na siya ng ibang tao, may sarili na siyang set of traits at principles na hindi na madaling mababago ng iba.
Narito pa ang ilang tips para mapalaki ang iyong anak na honest.
1. Huwag silang tanungin ng mga bagay na alam mo na ang sagot
Halimbawa, kung alam mong sila ang nakatapon ng pagkain at tatanungin mo pa sila kung sila ang gumawa nito. Para mo lang siyang isine-set up na magsinungaling. Imbis na ganito ay pagsabihan mo na lang siya nang mahinahon o di kaya ay tanungin kung ano ang nangyari.
2. Palagi silang kumustahin
Ang hindi pag-kumusta sa iyong anak ay maaring maging dahilan para magtago siya sa iyo ng mga bagay-bagay. Mahalaga ang open communication dahil dito mo madidiskubre ang personality ng iyong anak.
3. I-acknowledge ang pagsasabi nila ng totoo
Image from Freepik
Sa tuwing nagsasabi sila ng totoo, i-express na ikaw ay masaya at pleased sa kanilang ginawa. Iparamdam mo sa kanya na natutuwa ka kapag nagsasabi siya ng totoo para ito ang palagi niyang gagawin at malaman niyang ito ang tama.
4. Kapag nagkamali siya, maging kalmado lang sa pagsasabi
Minsan, ang pagiging strikto sa kanila ang nagiging dahilan kung bakit sila nagsisinungaling. Dahil kung pakiramdam nila na palagi kang nagagalit sa tuwing nagkakamali sila, ang mangyayari ay ‘di na lang nila ito sasabihin.
5. Bigyan sila ng privacy
Lalo na ang mga pre-teens o teenagers. Bigyan sila ng privacy at respetuhin ito. Iparamdam sa kanila na may tiwala ka. Bagama’t nakakatakot ito at parang hindi ka mapapalagay, ito ang kailangan mong gawin. Kapag alam nilang may tiwala ka sa kanila, hindi sila gagawa nang ikasisira nito.
Iwasan namang gawin ang mga ito
Ang pag-disiplina ay isang paraan para maipakita ng isang magulang ang pagmamahal sa kanilang anak. Pero ano nga ba ang tamang paraan ng pagdidisiplina. Walang makakapagsabi ng pinaka-magandang paraan dahil bilang magulang, marahil ay alam mo na ang ito. Pero walang magulang na perpekto at kailangan din nila ng guidance para lalo pang ma-improve ang kanilang parenting skills.
1. Pagsaway sa hindi “pasaway” na ugali
Ang mga bata ay natural na makulit at madaldal. Pero ibig sabihin ba nito ay pasaway na sila? Normal na parte ito ng paglaki nila at ang mukhang pasaway na ugali ay hindi naman pala dapat palaging sawayin.
2. Pagsigaw nang malakas
Madalas hindi mo talaga maiiwasan ang sigawan ang anak mo. Dahil dito, para mong itinuturo sa anak mo na okay lang na sigawan ang kapwa niya.
Ang pagsigaw ay karaniwang pag-express ng frustration, pero ugaliing maging kalmado at maging klaro sa pag-explain sa anak mo kung bakit hindi maganda ang kanyang ginawa. Linawin mo din na hindi siya ang problema, kundi ang ginawa niya.
Image from Fotolia
3. Pagiging inconsistent
Halimbawa, sinabi mo sa anak mo na 1 hour lang siya puwedeng maglaro sa iPad pero pumayag kang sumobra siya dito. Sa susunod na araw, ide-demand na niya ang more than one hour dahil naging inconsistent ka sa pag-set ng rules.
Mahalaga ang consistency, lalo na sa mga batang nasa edad 6 pataas. Marunong na silang mag-reason out at sa edad na ito.
4. Pagdi-disiplina na hindi angkop sa edad
Sa bawat stage ng buhay ng anak mo, magbabago din ang requirements ng pag-disiplina sa kanya. Kasama na rito ang pagdisiplina. Hindi dapat “one size fits all” ang pagsaway sa anak. Halimbawa, sa batang edad 10 hanggang 12 months maaaring tumalab na ang pagsabi ng no o pagpalo ng light lang sa kamay. Pero kapag preschooler na ang anak mo, puwede mo na sila turuan ng tama at mali o bigyan ng karampatan na parusa ang bad behavior.
Puwede mong kunin ang favorite toy nila o bigyan sila ng time out sa paglaro. Kung ano man ang paraan ng pagdisiplina, i-explain mo sa kanila kung bakit at ipaalala sa kanila na ginagawa mo ito dahil gusto mo lang silang maging mas mabuti.
5. Pinag-iisa ang disiplina at punishment
Ang pagpaparusa at pag-disiplina ay dapat ng magkahiwalay. Tandaan, ang pag-disiplina ay pagturo ng pagkakaiba ng good at bad behavior. Ang punishment naman ay isang technique na parte ng pagdisiplina.
Importanteng mag-establish ng self-control ang isang magulang sa pagpataw ng punishment, huwag masyadong severe dahil baka lalong mapasama lamang ang mga anak mo. Set boundaries at discipline with love dapat ang gawing priority.
Source:
Great Schools
Basahin:
Pinapalo ko ang anak ko, ito nga ba ang tamang disiplina sa mga bata?
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!