Paano magpapayat gamit ang kape? Narito ang sagot ng isang pag-aaral.
Marami sa atin ang mahilig at nakasanayan ng uminom ng kape. Ngunit mas marami pa ang lalong kahihiligan ito dahil sa bagong natuklasan ng isang pag-aaral na kaya nitong gawin.
Partikular na sa mga naghahanap ng ibang paraan kung paano magpapayat maliban sa pag-eexercise. Dahil hindi lamang nakakagising o nakakabuhay ng inaantok na katawan, nakakapayat din daw ang pag-inom ng kape ayon sa isang bagong pag-aaral.
Paano magpapayat gamit ang kape?
Ayon kay Prof. Michaels Symonds mula sa School of Medicine sa University of Nottingham at nagco-direct ng ginawang pag-aaral, ang kape ay nakakapayat sa pamamagitan ng pag-stimulate ng “brown fat” na nagbu-burn ng calories at nag-ge-generate ng init sa katawan.
“Brown fat works in a different way to other fat in your body and produces heat by burning sugar and fat, often in response to cold,” paliwanag ni Prof. Symonds.
Brown fat sa ating katawan
Ang brown fat ay kilala rin sa tawag na brown adipose tissue o BAT na kaiba sa “white fat” na resulta ng excess calories.
Ito ang body fat sa katawan na naa-activate kapag malamig ang panahon o environment na nagme-maintain ng init ng katawan. Ginagawa niya ito sa pamamagitan ng pagbu-burn ng calories ng katawan para makapag-produce ng heat.
Ayon sa mga eksperto, ang mga taong payat o may mababang body mass index (BMI) ay mas mataas ang amount ng brown fat sa katawan.
At ang perfect way para ma-stimulate ang brown fat sa katawan lalo na sa mga matataba o obese ay sa pamamagitan ng pag-inom ng kape.
Pero hindi lang daw nakakapag-payat ang activity na ginagawa ng brown fat sa ating katawan. Nakakatulong rin ito para ma-improve ang blood sugar level na makakatulong sa mga may diabetes.
“Increasing its activity improves blood sugar control as well as improving blood lipid levels and the extra calories burnt help with weight loss,” dagdag pa ni Prof. Symonds.
Image from Pexels
Pag-aaral tungkol sa kape laban sa obesity at diabetes
Ang natuklasan nga daw ng pag-aaral ay kauna-unahang nakapagtukoy ng magandang epekto ng brown fat sa katawan sa pamamagitan ng pag-inom ng kape.
“The potential implications of our results are pretty big, as obesity is a major health concern for society and we also have a growing diabetes epidemic and brown fat could potentially be part of the solution in tackling them,” pagmamalaki ni Prof. Symonds.
Una na nilang sinubukan ang paraan kung paano magpapayat na ito sa mga stem cells para makita kung talagang nakakatulong ang kape sa pag-stimulate ng brown fat sa katawan.
At saka na nila sinubukang gawin sa mga tao gamit ang thermal imaging technique para ma-trace kung paano nagrerelease ng heat ang mga brown fat reserve ng katawan.
“From our previous work, we knew that brown fat is mainly located in the neck region, so we were able to image someone straight after they had a drink to see if the brown fat got hotter. The results were positive and we now need to ascertain that caffeine as one of the ingredients in the coffee is acting as the stimulus or if there’s another component helping with the activation of brown fat,” pagpapaliwanag pa ni Prof. Symonds.
Sa ngayon ay tinitingnan din ng mga researcher ng pag-aaral kung pareho rin ba ang epekto sa katawan ng mga caffeine supplements. Ito ay para maidagdag ito sa mga paraan kung paano magpapayat at kung paano makakaiwas sa diabetes.
Source: Independent UK
Photo: Pexels & Brigitte Tohm on Unsplash
Basahin: STUDY: Puwedeng uminom ng hanggang 25 tasa ng kape sa isang araw
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!