Mas kailangan ka ng asawa mo ngayon: Paraan kung paano ipaparamdam ang suporta sa kanya

Anong bonding moments niyo ni hubby ngayong quarantine? | Lead image from Freepik

Paano nga ba magtatagal ang isang relasyon?

Ayon sa mga eksperto, nasa pagsasama ‘yan ng dalawang tao. Kailangan mo ng more more efforts para maging healthy ang inyong relationship.

Paano magtatagal ang isang relasyon: Mga dapat mong gawin para mapanatili ang ugnayan sa iyong partner

Mas kailangan ka ng asawa mo ngayon: Paraan kung paano ipaparamdam ang suporta sa kanya | Image from Freepik

Nagsisimula ang isang relasyon sa dalawang taong nagmamahalan. Dito nabubuo ang pagsasama at hindi nagtatagal ito rin ay nagiging ‘Happy memories’ para sa kanila. Ngunit katulad ng ibang istorya, normal rin sa isang relasyon ang magkaroon ng hindi pagkakaunawaan at minsan ay nagdadala sa kanila sa hindi magandang ugnayan. Dito na nagsisimula na magkaroon ng lamat ang kanilang relasyon.

Ngunit ano nga ba ang dapat na gawin para mapanatili ang healthy relationship?

Para sa akin, kapag pumasok ka sa isang relasyon, responsibilidad na rin itong maituturing. Hindi lang lagi saya ang iyong mararanasan. Minsan, kailangan mo ring masaktan para matuto.

Isang susi para mapanatili ang koneksyon sa iyong partner ay ang pagbibigay ng encouragement sa kanila araw-araw lalo na sa nararanasan nating pandemya ngayon. Sapat na ang iyong presensya at pagbibigay ng positive vibes para mabuo ang kanilang araw.

Marami ang relasyong hindi nagkakaroon ng happy ending. Isa sa dahilan nito ay ang tuluyang paghihiwalay nila. Ano ang dahilan? Maaaring sila ay pagod na dahil iniisip nilang hindi sila na-a-appreciate ng kanilang partner. Kulang sa appreciation at encouragement ang natatangap nila mula sa kanilang kabiyak.

Mas kailangan ka ng asawa mo ngayon: Paraan kung paano ipaparamdam ang suporta sa kanya | Image from Unsplash

How to make your partner feel special

Narito ang ilang dapat gawin para ma-improve ang inyong pagsasama ng partner mo.

1. One-on-one talk

Makaktulong ang pagtatanong mo sa kaniya kung ano ang mga hilig nito. Katulad ng paboritong pagkain, lugar, pasyalan o maski bagay. Ilista ang lahat ng ito! Nasa sa iyo na kung paano gagamitin ang lahat ng iyong nalaman. Maaaring isurpresa siya sa kanyang kaarawan gamit ang mga paborito niyang regalo at pagkain.

2. I-appreciate ang kaniyang small efforts

Ang pag-appreciate ng effort ng bawat isa ay mahalaga sa isang relasyon. Napapanatili kasi nito ang love na namamagitan sa inyong dalawa ng partner mo. Sino ba namang hindi gaganahang bumangon sa umaga kung alam mong may taong nakaabang sa iyong presyensya lagi?

3. Gumawa ng ‘Bucket List’

Lahat ng relasyon ay may pangarap. Para sa indibidwal man ‘yan o sa kanilang pagsasama mismo. Yayain si partner na gumawa kayo ng ‘Bucket List’ kung saan nakalagay lahat ng inyong pangarap o nais na matupad sa inyong pagsasama. Maaaring magbakasyon sa ibang bansa, mag-camping, ikasal sa beach, mag-swimming sa boracay o lahat ng inyong nanaisin bilang magkarelasyon,

Makakatulong ang ‘Bucket List’ sa inyong bonding. Nakikita niyo na rin ang inyong mga sarili sa future na magkasama.

Mas kailangan ka ng asawa mo ngayon: Paraan kung paano ipaparamdam ang suporta sa kanya | Image from Unsplash

4. Confession

Isa pang sikreto ng matibay ng relasyon ay ang pagiging honest sa isa’t-isa. Ngayon, bakit hindi mo sabihin sa iyong partner kung kailan ka sumasaya kapag kasama siya? Maaaring ‘Mas lalo akong sumasaya kapag kinakantahan mo ako habang natutulog’. Malaki ang nagiging epekto nito sa pinagsasabihan mo. Matutuwa rin sila na na-a-appreciate mo ang lahat ng kaniyang effort sa inyong relasyon.

5. Ipaalala kung gaano siya kahalaga

Bawat oras sa inyong pagsasama ay mahalaga. Wala ka dapat palampasin na pagkakataon para sabihin kung gaano siya kahalaga sa’yo. Dito niya mas lalong mararamdaman kung gaano siya ka-importante sa buhay mo.

 

Source:

Psychology Today

BASAHIN:

Relax ka lang! 5 tips at tricks para maging kalmadong magulang

#TAPfluencer Spotlight: Twinning mother-daughter takes family bonding time to a whole new level

Stay active during quarantine with these 5 fun family activities!

Sinulat ni

Mach Marciano