Paano maiiwasan ang breast cancer? Ito ang maaring gawin ayon sa isang pag-aaral.
Mababasa dito ang mga sumusunod:
- Paano maiiwasan ang breast cancer.
- Mga produktong may parabens at phthalates.
Paano maiiwasan ang cancer

Ang sakit na cancer ang isa sa mga nakakatakot na sakit na maaring dumapo sa isang tao. Dahil ang sakit na ito ay maaring magdulot ng kamatayan at napakagastos ng gamutan. Kaya naman laging paalala ng mga eksperto i-praktis ang healthy living. Ito ang sinasabing isang paraan para makaiwas sa sakit.
Pero base sa isang pag-aaral, may bagong tuklas na paraan kung paano maiiwasan ang cancer. Ito ay ang pag-iwas sa paggamit sa mga preservatives na parabens at phthalates. Ang mga preservatives na ito ay madalas na makikita sa mga cosmetic products na pampaganda at pangangalaga sa katawan.
Paliwanag ng isang pag-aaral
Palliwanag ng pag-aaral na inilathala sa medical journal na Chemosphere, ang hindi paggamit ng mga cosmetics products ay kinakitaan ng malaking epekto sa paglaki at pagdami ng breast cancer cells. Natuklasan ito ng pag-aaral, matapos suriin ng mga health experts ang sample ng tissue mula sa suso bago at pagkatapos ang 28 araw. Nakita ng mga eksperto na matapos ang 28 araw ng hindi paggamit ng cosmetic products na may parabens at phthalates ay nagkaroon ng pagbabago sa cellular pathways na PI3K-AKT/mTOR, autophagy, at apoptotic signaling. Ang mga nabanggit ay inuugnay sa development ng cancer sa katawan.
Ang parabens at phthalates ay tinatawag ring mga xenoestrogens. Ito ay mga sintetikong kemikal na ginagaya ang estrogen sa katawan. Kaya naman konklusyon ng pag-aaral, ang pag-iwas na ma-expose sa mga nabanggit na kemikal na ito ay maaaring makatulong sa pag-iwas sa breast cancer.
Anu-ano ba ang mga produktong may parabens at phthalates?

Mga Produktong May Parabens
Ginagamit ang parabens bilang preservative upang maiwasan ang pagdami ng bacteria at amag sa mga produkto.
Skincare at Cosmetics
- Moisturizers
- Foundation
- Face powders
- Lipsticks at lip balms
- Mascaras at eyeliners
- BB & CC creams
Hair Care Products
- Shampoo
- Conditioner
- Hair gel
- Hair spray
Body Care Products
- Lotion
- Body wash
- Deodorant
- Sunscreen
Pharmaceutical at Hygiene Products
- Mga cream at ointment
- Medicated shampoos
- Feminine hygiene products (wipes, washes, at ilang sanitary napkins)
Mga Produktong May Phthalates
Ang phthalates naman ay ginagamit bilang plasticizer (pangpalambot ng plastic) at pampatagal ng amoy sa pabango at iba pang produkto.
Fragrance-Containing Products
- Perfume at cologne
- Body sprays
- Scented lotions
- Air fresheners
Hair & Skincare Products
- Shampoo at conditioner
- Hairspray
- Nail polish (upang maiwasan ang pagbitak)
- Moisturizers
Household Items & Plastics
- Plastic food containers
- Plastic packaging
- Vinyl flooring
- Shower curtains
- Mga laruan at gamit ng bata (lalo na ‘yung gawa sa soft plastic)
Medical & Personal Hygiene Products
- Medical tubing at IV bags
- Some types of sanitary napkins & tampons
Paano Maiwasan ang Parabens at Phthalates?

- Pumili ng “paraben-free” at “phthalate-free” na produkto.
- Gumamit ng natural o organic na pampaganda at skincare.
- Iwasan ang mga produktong may “fragrance” o “parfum” sa listahan ng sangkap (dahil maaaring may phthalates ito).
- Gumamit ng glass o stainless steel na lalagyan sa halip na plastic.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!