“Don’t go to bed angry” o “Let it pass for a while?” Saan ka sa dalawang ito sa tuwing may pag-aaway kayo ng asawa? Ano nga ba ang mas akma at totoo sa relasyon? Aalamin natin ‘yan sa artikulong ito.
Mga mababasa sa artikulong ito
- Study tungkol sa pag-aaway ng mag-asawa
- Problema sa “Don’t go to bed angry”
- 3 kung paano maiiwasan ang pag aaway ng mag asawa
Nag-away, nag-aaway at mag-aaway talaga ang mag-asawa sa ayaw man nila o hindi ay mahirap itong iwasan. Sila kasi ay dalawang tao kasing kahit papaano ay may pagkakaiba pa rin ng gawi at pag-iisip kaya hindi maiwasang magbanggaan sa mga bagay-bagay.
Siyempre, parte rin nito dapat ang pag-uunawaan at pakikipag-ayos.
Study tungkol sa pag-aaway ng mag-asawa
Napatunayan ng siyensya na may malaking kaugnayan ang pag-aaway ng magkarelasyon at ang pagtulog sa tao.
Sa pag-aaral nina Hick and Diamond (2011), nakita sa datos na ang mga participant ay nagkakaroon ng high levels of sleep disruption sa umaga kada pagtapos ng pag-aaway mag-asawa.
Ilan sa mga disruption na ito ay nahihirapan sa pagtulog, nagigising na lang bigla sa gabi, at pakiramdam na pagod pa rin sa umaga. Kaya dito pumapasok ang sikat na payo ng mga matatanda na huwag matutulog na magkagalit dahil pareho kayong maaapektuhan.
Ang koneksyon daw ng dalawa ay dahil na rin sa attachment avoidance at anxiety. Matindi ang epekto nito sa mga taong may mataas na attachment avoidance kumpara may mabababang lebel nito.
Kaya mas maraming kinahaharap na probelma sa pagtulog ang mga may higher attachment avoidance dahil na rin sila ay highly anxious.
Kahit pa ang mga taong nagsabing maaayos naman ang pakiramdam nila sa umaga matapos ang pag-aaway ay hindi ibig sabihin ay totoo.
Lumabas pa rin ang ilang mga pyschological issues na may koneksyon sa pagtulog. Kaya naman kahit pa sabihing “wala lang sa akin ‘yun” ay mayroon pa rin dahil sila ay apektado.
Dagdag pa nila,
“Elements of truth, although such notions must, of course, devote greater attention to between‐person variability in men’s and women’s responses to routine conflict, and also the multiple domains (affect, sleep, physiology) in which the ramifications of conflict can be discerned” (p. 281).
BASAHIN:
Paano disiplanahin ang ‘pasaway’ at sensitibo na bata na ayaw talagang makinig?
Ang pang-matagalang epekto ng pag-aaway ninyo ni mister sa harap ng inyong anak
5 karaniwang pinag-aawayan ng bagong mag-asawa at paano ito masosolusyonan
Problema sa “Don’t go to bed angry”
Bagaman ang katagang “don’t go to bed angry” ay may intensiyong hikayatin ang mga mag-asawa na ayusin ang mga pag-aaway, maaari pa rin itong maging problematic.
Hindi magkakapareho ang paraan ng tao sa kung paano haharapin ang problema. May iba na gusto kaagad pag-usapan kahit katatapos pa lang ng pagtatalo. Habang may iba namang nais muna mapag-isa at kumalma para hindi makapagsalita ng masasamang bagay.
Magiging band-aid solution lamang kung ipupumilit na ayusin agad ang problema kahit hindi pa handa ang isa. Hindi niya masasabi nang tunay ang nararamdaman dahil minadali siya iproseso ang mga bagay-bagay.
3 kung paano maiiwasan ang pag aaway ng mag asawa
Kung parati nang bumabagabag sa ‘yo kung paano ba maiiwasan ang pag-aaway niyo, subukan mo ang ilang tips na inilista namin para hindi parating nagbabangayan kayo ni partner.
1. Pause.
Mapupunta ka sa sitwasyong nasa mainit kayong pagtatalo, at mahihirapang mag-isip nang maayos ang iyong utak sa kung ano ang sasabihin. Kadalasang nauuwi ito sa pagbubulyawan ng masasakit na salita na hindi naman talaga natin gustong sabihin.
Kapag ganito na ang nangyayari mas mainam na huminto muna. Bigyan ang sarili ng ilang segundo o minuto para kumalma at makapagsalita nang maayos. Kung nakahinga na ay maaaring magsalita upang masabi at mapakit mo sa kanya kung ano talaga ang nais mong sabihin.
2. Iwasan ang character assault.
Sa sobrang mainit ang pagtatalo may tendensiynag mauwi sa personal na atake ang pag-aaway. Pagtatawag sa mga pangalang hindi kaaya-aya, pagtira sa mga below the belt na issue at panlalait sa pisikal na anyo. Ang ganitong mga pananalita ay hindi healthy sa relasyon.
Dapat ay pinag-uusapan ang puntong isyu kung bakit nagtatalo at huwag nang pasilabin pa ang apoy ng galit.
3. Listen more, talk less.
Nakakarindi ang pag-aaway dahil mas marami ang pagsasagutan kaysa ang makinig. Parehong gustong marinig hanggang sa hindi na nila marinig ang ibig sabihin ng isa’t isa. Kailangang may magparaya.
Dapat ay may pinakikinggan ang nagbring up ng issue at bakit ito naging sanhi ng pag-aaway. Huwag dapat agad depensahan ang sarili bagkus ay ipakita sa partner na nakikinig ka sa kanya. Sa ganitong paraan ay mas nagiging productive ang pag-uusap.