Ngayong labis ang tag-init, dapat ay dobleng ingat din tayo na makaiwas sa pagkakaroon ng sunog sa ating mga tahanan. Paano maiiwasan ang sunog? Narito ang ilang tips.
Bakit mahalaga ang fire prevention?
Alam niyo ba mommy at daddy na sa unang dalawang buwan ng 2024, nakapagtala ang Bureau of Fire Protection (BFP) ng tinatayang 3,044 sunog sa bansa. Mas mataas nang di hamak sa 2,000 insidenteng naitala noong nakaraang taon sa parehong buwan.
Larawan mula sa Shutterstock
Marso man ang fire prevention month, kahit anong buwan ay posibleng magkaroon ng sunog. Kaya importante na maalam tayo sa kung ano ang dapat gawin.
Wala mang warning bago magkaroon ng sunog, hindi ito nangangahulugan na hindi na natin ito maiiwsan. Posibleng maiwasan ang pagkakaroon ng sunog sa pamamagitan ng mga sumusunod na fire prevention tips.
6 Tips paano maiiwasan ang sunog sa bahay
Isa sa mga kinatatakutan ng mga magulang ay ang magkaroon ng sunog sa bahay. Hindi lang ito banta sa kaligtasan ng ating pamilya. Nakapanlulumo ring isipin na mawawala sa isang iglap ang mga pinaghirapan nating ipundar sa ating tahanan. Kaya naman, mahalagang alam natin kung paano maiiwasan ang sunog.
Narito ang ilang tips kung paano makakaiwas na magkaroon ng sunog sa bahay:
Paano maiiwasan ang sunog? Huwag iiwanan ang niluluto
Kung magluluto kayo ng pagkain sa inyong kusina, tiyakin na mababantayan niyo ito. Kapag kinakailangan na sandaling umalis sa kusina, siguraduhing humingi ng tulong sa ibang miyembro ng pamilya para bantayan ang inyong niluluto.
Tiyaking nasa ayos ang mga heating source
Maaari kasing ang sanhi ng sunog ay ang mga heating source na hindi nagfa-function nang maayos. Siguraduhing linisin ang inyong air conditioning filters. Gayundin, tiyaking ilayo ang inyong heater sa ano mang bagay na flammable. At syempre, siguraduhin na napapatingnan niyo ang mga ito sa professional taun-taon.
Paano maiiwasan ang sunog? Patayin ang mga kandila at ilayo sa mga bata
Larawan mula sa Shutterstock
Kung kinakailangang gumamit ng kandila, halimbawa ay nakaranas ng brownout, tiyakin lamang na huwag itong iiwang nakasindi kung kayo ay aalis ng kwarto o kaya naman ay matutulog na.
Bukod pa rito, huwag na huwag ding pababayaang paglaruan ng mga bata ang ano mang pwedeng pagsimulan ng sunog tulad ng kandila, posporo, o lighter.
Siguraduhing maayos ang mga wire
Bago isaksak sa electric source ang inyong appliances, mahalagang i-check muna ang mga cord nito. Tingnan kung wala bang sirang wire. Lalo na kung may alagang hayop na posibleng ngumatngat sa mga wire. Delikado kasi ang mga damaged o sirang wire, kaya kailangan itong palitan agad.
Paano maiiwasan ang sunog? I-ayos ang pagtatago ng mga flammable products
Ang mga household cleaners at iba pang items tulad ng hair spray at shaving cream ay posibleng magdulot ng sunog kung mae-expose sa labis na init. Kaya tiyakin na ilagay ang mga ito sa cool area na malayo sa heaters at hindi maaabot ng mga bata.
Maglagay ng fire extinguisher
Larawan mula sa Shutterstock
Dapat na available ang fire extinguisher at mga kumot ano mang oras na aksidenteng magkaroon ng sunog. Tiyakin din na ang bawat myembro ng pamilya ay marunong gumamit ng fire extinguisher. Makatutulong din ang fire blankets o kumot para mapatay ang maliliit o mahihinang apoy bago pa ito kumalat at lumakas.
Mahalagang turuan natin ang ating mga anak kung ano ang dapat gawin bago, habang nangyayari, at pagkatapos ng sunog.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!