Gamot para makaiwas sa HIV, available na sa bansa

Narito ang mga impormasyon tungkol sa gamot na makakatulong para makaiwas sa HIV ang isang tao.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paano makaiwas sa HIV at maging protektado mula dito? Mayroon ng pill na maaring inumin na available na dito sa Pilipinas.

Image from Freepik

HIV sa Pilipinas

Nito lamang Lunes ay inihayag ni Dr. Louie Ocampo, country director ng UNAIDS o Joint United Nations Programme on HIV/AIDS Philippines na nangunguna ang bansa sa may fastest growing cases ng HIV sa buong mundo.

Ito ay matapos maitala ang 13,384 na bagong kaso ng HIV bago matapos ang taon na 2018 na halos 203% na mas mataas sa recorded infections noong 2010.

Sa ngayon ay tinatayang may 77,000 na Pilipino ang may HIV at tanging 62,029 sa mga ito ang reported o clinically diagnosed. Habang may 1,200 cases na ang naitalang namatay na may kaugnayan sa sakit ngayong taon.

Pabata ng pabata rin ang biktima ng sakit na kung saan 80% ng naitalang kaso ay mula sa 15-34 years old age bracket.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paano makaiwas sa HIV?

Ayon sa CDC o Center for Disease and Prevention Control, ang HIV o Human Immunodeficiency Virus ay isang kondisyon na umaatake sa immune system ng katawan ng tao. Ito ay isang lifelong condition na sa ngayon ay wala paring natutuklasang lunas. Ngunit maari naman itong ma-manage upang hindi mauwi sa mas malalang sakit na kung tawagin ay AIDS o Acute Immunodeficiency Syndrome.

Samantala, ang natatanging paraan para makaiwas sa sakit ay ang pag-praktis ng safe sex at pakikipagtalik sa isa lamang na partner. Bagamat ito ay hindi maituturing na 100% sure dahil kahit sino ay maaring tamaan ng sakit. Kaya naman isang napakagandang balita ang dumating sa Pilipinas ngayong linggo patungkol sa kung paano makaiwas sa HIV. Ito ay sa pamamagitan ng isang pill na mabibili at available na dito sa bansa.

HIV pill o Pre-exposure prophylaxis pill

Ang HIV prevention pill na ito ay tinatawag na pre-exposure prophylaxis pill o prEP na napatunayang kayang tulungang makaiwas ang isang tao sa HIV infection ng mahigit sa 90%. At ito ay naging available sa bansa sa pamamagitan ng non-government organization ng Love Yourself sa halagang P1,500-P2,400 kada bote na sapat na para sa isang buwang inuman.

Ayon kay Danvic Rosadino, program manager ng Love Yourself organization, ang HIV pill ay hindi lamang isang paraan kung paano makaiwas sa HIV. Isa rin itong empowerment tool na hinahayaan ang isang tao na ma-engage sa isang sexual behavior na may kasiguraduhang ligtas siya mula sa sakit.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pinatunayan naman ito ni Marvin Frondoza na isang taon ng gumagamit ng nasabing pill.

“It can empower someone like me. Kapag nagmahal ka dapat ‘yung tao ‘yung minamahal mo. Walang if’s, walang but’s. PrEP can help you build a more meaningful relationship and look beyond the HIV status of an individual.”

Ito ang pahayag ni Frondoza.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pero paglilinaw ng Love Yourself ang prEP ay iniinom para makaiwas sa HIV. Kung ang isang tao ay positibo na sakit ang pill ay wala ng bisa at hindi na makakatulong sa kaniya.

Paano mabibili?

Hindi rin ito basta-basta mabibili. Para makakuha nito ay kinakailangan ng reseta ng doktor. Dahil sa ito ay isang antibacterial drug at maaring magdulot ng side effects ang maling paggamit.

“Kasi anti-bacterial, anti-viral kaya hindi nabibili over the counter. This develops resistance if taken the wrong way. It has side effects. PrEP sometimes causes an upset stomach. It can cause a bit of loss.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ito ay ayon sa venereologist na si Dr. Gilbert Yang.

Dagdag pa niya ang prEP ay iniinom hindi mismo sa araw ng pakikipagtalik. Ito ay dapat inumin isang beses sa loob ng pitong araw bago magkaroon ng contact o makipagtalik. Saka ito itutuloy-tuloy hanggang sa kung kailan gusto ng gumagamit para makasigurado.

Kung sakali namang nagkaroon ng contact sa taong hinihinilang may taglay ng sakit ay may isa pang pill na maaring inumin para hindi kumalat ang HIV sa katawan.  Ngunit ito ay magiging mabisa lang sa loob 72 oras o tatlong araw matapos ng exposure. Ito ay ang post-exposure prophylaxis pill.

“If you got exposed to someone with HIV or if you had sexual contact with whom you don’t know, you can take this pill within 72 hours from the high risk behavior. It prevents HIV by 95%.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ito ang dagdag na pahayag ni Dr. Yang.

Source: GMA Network, Healthline, Manila Bulletin, CDC

Photo: flickr

Basahin: Hindi pa pagpapatuli, nagpapataas umano ng tiyansa ng pagkakaroon ng kanser at HIV ng mga lalaki