Paano makakatulong ang magulang sa paglago ng isip ng anak

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon sa pag-aaral, ang reaksyon ng mga magulang sa mga sitwasyon na nagkakamali ang mga anak ay malaki ang epekto sa pagunlad ng pag-iisip ng bata. Sa pag-iisip ng bata, siya ay nabibigyan ng dalawang pagpipilian sa tuwing may bago siyang nararanasan, ang buhay ba ay ligtas at madaling intindihin o pabago-bago at nakakatakot.

Kung ang bata ay lumaki sa magulong kapaligiran at may hindi tumutugon, nakakatakot o pabago-bagong pagpapalaki, ang pag-iisip nito ay masmarami ang sasayangin na oras at lakas sa pagiisip ng kaligtasan at pag-iwas sa panganib.

Kung ang bata naman ay lumaki sa kapaligiran na kaya niyang pagkatiwalaan, ang isip nito ay tututok sa pagpapalago ng mga kakayahan na kakailanganin niya upang maging matagumpay.

Anim na bagay na makaka-apekto sa kapaligiran ng bata

Upang malaman kung anong klaseng kapaligiran ang kinalalakihan ng bata, nagbigay ang mga psychologists ng anim na bagay:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Emosyonal at berbal na pagtugon ng mga magulang – Ang pagtugon ng mga magulang sa mga nagagawa at kailangan ng bata ay may malaking epekto sa pagiisip ng bata.
  • Pagtanggap ng mga magulang sa normal na paguugali at pag-iwas sa pagpaparusa – Kung ang bata ay napapagalitan sa bawat pagkakamali, ang pagiisip ng bata ay iiwas sa kusang paggawa ng mga bagay sa takot na muling mapagalitan.
    Pangkalahatan na pagtatatag sa kabahayan – Ang bahay na kalalakihan ng mga bata ay nakaka-apekto sa pag-iisip ng mga bata dahil ito ang magiging basehan ng kaligtasan ng mundo.
  • Pagkakaroon ng mga kagamitan na kailangan para matuto – Ang pagkakaroon ng tamang mga kagamitan upang mapalago ang pagiisp ng bata ay importante sa bawat kabataan. Bukod sa mga aralin, kasama dito ang paglalaro ng sports.
  • Araw-araw na pag-iba ng nagpapasigla sa bata – Ang pagkakaroon ng iba’t ibang bagay na maaaring makapagpasigla sapagiisip ng bata ay nangangahulugan na hindi ito maiinip sa paulit-ulit na mga ideya. Nahahamon nito ang pagiisip ng bata na maghanap ng ibang paraan.

Ayon sa pag-aaral, ang pinaka-importante sa mga ito ay tumuturo sa magandang relasyon ng anak sa mga magulang nito. Hindi nito sinasabi na hindi importante ang ibang bagay tulad ng sports at ibang aktibidad. Ang ibig lamang sabihin ay, kung kailangan mamili, mas maganda ang nagiging paglago ng pagiisip ng bata kapag nabibigyan ng tamang atensyon at pagaaruga ng mga magulang.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Source: Psychology Today

Also read: STUDY: 10 paraan para matulungan ang bata na maging matalino