Male infertility o pagkabaog ng lalaki: Sanhi, sintomas at ang maaring gawing lunas

Kailan ba masasabing maaring baog ang isang lalaki at kailangan ng magpatingin sa doktor ng magka-relasyon? Alamin dito ang sagot.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paano malalaman kung baog ang isang lalaki? Sa artikulong ito ay malalaman ang mga sumusunod na may kaugnayan dito.

  • Sintomas na maaring baog ang isang lalaki.
  • Posibleng dahilan ng pagkabaog ng lalaki.
  • Paano maiiwasan ang male infertility.

Male infertility o pagkabaog ng lalaki

Ang pagkakaroon ng supling ang pangarap ng bawat magka-partner at mag-asawa. Sapagkat ito ang kokompleto ng inaasam nilang buo at masayang pamilya. Pero may mga magkarelasyon ang hindi maisakatuparan ang pangarap nilang ito. Sapagkat ang isa sa kanila ay may problema o baog at hindi maaaring magkaroon ng sariling anak nila.

Ayon sa mga pag-aaral, may 15% ng magkarelasyon ang hindi nagbubuntis sa loob ng isang taon o higit pa kahit na sila ay walang proteksyon sa pagtatalik. Sa medikal na larangan ito ay kinukunsidera ng infertility. Dahil ayon sa American Urological Association, nasa 85% ng mga couples o magkarelasyon ang nagbubuntis na sa puntong ito. Kung ang pagbubuntis ay hindi pa nagaganap matapos ang isang taong pagtatalik at nasa higit 30-anyos na ang mag-asawa o magkarelasyon, pinapayuhan na dapat sila ay agad ng magpatingin sa doktor. Sapagkat maaaring isa sa kanila na ang baog na ayon sa mga pag-aaral, madalas ay nararanasan ng mga lalaki. Ito’y dahil sa mga sumusunod na dahilan.

Dahilan ng pagkabaog ng mga lalaki

People photo created by freepik – www.freepik.com 

  • Sperm disorder tulad ng mababang sperm production o abnormal sperm production.
  • Varicocele o ang pamamaga ng ugat na nagda-drain sa testicles ng lalaki.
  • Infection na umaapekto sa sperm production, sperm health at sa paglabas ng sperm mula sa ari ng lalaki. Ang mga impeksyon na ito ay tulad ng epididymis, orchitis at ilang sexually transmitted infections gaya ng gonorrhea o HIV.
  • Ejaculation issues o ang pagpasok ng semen sa bladder ng lalaki tuwing nag-o-orgasm imbis na lumabas sa penis. Ito ay maaaring dulot ng iba’t ibang health conditions tulad ng diabetes, spinal injuries at pag-inom ng mga medications.
  • Pag-atake ng antibodies ng katawan ng lalaki sa mismong sperm sa pag-aakalang ito ay harmful invaders.
  • Tumor o cancer na nakakaapekto sa functions ng male reproductive organs.
  • Undescended testicles kung saan ang isa o parehong testicles ay hindi nakaposisyon ng tama sa scrotum.
  • Hormone imbalances o mababang testosterone.
  • Tubules defects na dinadaanan ng sperm na maaaring dulot ng injury sa surgery, infection, trauma o abnormal development.
  • Chromosome defects na kung saan ang lalaki ay ipinanganak na may dalawang x o y chromosomes imbis na tag-isa lang.
  • Problema sa pagtatalik gaya ng nahihirapang mag-panatili ng erection, nag-premature ejaculation o nakakaramdam ng pananakit sa ari tuwing nakikipagtalik.

Iba pang dahilan ng pagkabaog ng lalaki

Maliban sa mga nabanggit ng medical condition, may iba pang dahilan kung bakit nababaog ang lalaki. Ang mga ito ay ang sumusunod:

  • Exposure sa mga kemikal na maaaring makapagpababa ng sperm count ng lalaki gaya ng pesticides, herbicides, organic solvents at painting materials.
  • Exposure sa lead o iba pang heavy metals.
  • Pagiging expose sa radiation o x-ray na nakakaapekto sa sperm production.
  • Overheating o labis na init sa testicles na dulot ng palaging gamit ng sauna o hot tub. Ganoon din ang pag-upo ng matagal at pagsusuot ng masisikip na damit.
  • Paggamit ng illegal na droga.
  • Pag-inom ng alak.
  • Paninigarilyo.
  • Obesity o labis na katabaan na nakakaapekto sa quality ng sperm ng lalaki.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Photo by cottonbro from Pexels

BASAHIN:

Nakakabaog ang kemikal na ito—na matatagpuan sa halos lahat ng produktong ginagamit mo

Nanay: nabaog ako dahil sa caesarean section

10 Pagkain na makakatulong para dumami ang sperm count ni mister

Paano malalaman kung baog ang isang lalaki?

Ang unang paraan naman kung paano malalaman kung baog ang isang lalaki ay sa pamamagitan ng mga sintomas na ipinapakita niya. Nangunguna na nga rito ay ang kawalan niya ng kakayahan ng magkaroon ng anak. Kung sakali mang ang kaniyang infertility o pagkabaog ay dulot ng ibang dahilan gaya ng problema sa kaniyang kalusugan, narito ang mga sintomas ng pagkabaog na maaari niyang maranasan:

Sintomas na baog ang isang lalaki

  • Hirap na magampanan ang kaniyang sexual function. Tulad ng hirap sa pag-i-ejaculate, kabawasan ng sexual desire, hirap na mapanatili ang erection ng kaniyang ari o kakaunti ang fluid na kaniyang nai-ejaculate.
  • Pananakit, pamamaga o bukol sa testicle area.
  • Pabalik-balik na respiratory infection.
  • Kawalan ng pang-amoy.
  • Abnormal breast growth o gynecomastia.
  • Kabawasan ng buhok sa katawan at iba pang palatandaan ng chromosomal o hormonal abnormality.
  • Mababang sperm count kumpara sa normal na 15 million sperm per milliliter of semen o less than 39 million sa kada ejaculation.

Mga pagsusuri para matukoy kung baog ang isang lalaki

Ang sunod na paraan kung paano malalaman kung baog ang isang lalaki ay sa pamamagitan naman ng pagsa-ilalim niya sa mga test o examination. Ito’y madalas na kinabibilangan ng mga sumusunod na tutukoy rin sa dahilan ng kaniyang pagkabaog.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Pag-ieksamin sa kaniyang ari at pagtatanong tungkol sa kaniyang medical history.
  • Semen analysis.
  • Scrotal ultrasound upang malaman kung ang dahilan ba ng kaniyang pagkabaog ay dahil sa problema sa kaniyang testicles at supporting structures nito.
  • Transrectal ultrasound na titingin naman sa kaniyang prostate at kung may bara ba o blockages sa tubes na dinadaan o nagdadala ng semen.
  • Hormone testing.
  • Post-ejaculation urinalysis.
  • Genetic tests.
  • Testicular biopsy.

Madalas ay hindi natutukoy kung ano ang eksaktong dahilan ng pagkabaog ng isang lalaki. Pero may mga paraan naman na makakatulong kung sakali na siya ay makabuntis. Ito ay magagawang posible sa tulong ng kaniyang partner na babae na kailangan ding maeksamin.

Kung sakali, depende sa kaniyang kondisyon, ang mga sumusunod ang treatments o lunas sa pagkabaog ng isang lalaki.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Woman photo created by pressfoto – www.freepik.com 

Treatments kung sakaling baog ang isang lalaki

  • Surgery halimbawa para sa mga varicocele na kailangang i-correct o vas deferens na may bara.
  • Antibiotic treatment sa mga infections.
  • Medication o counseling para sa mga nakakaranas ng problema sa pakikipagtalik.
  • Hormone replacement o medication kung ang infertility ay dulot ng kaniyang hormones.
  • Assisted reproductive technology o ART na kung saan kinukunan ng sperm ang lalaki na magagamit sa in-vitro-fertilization o intracytoplasmic sperm injection.

Paano maiiwasan ang pagkabaog ng isang lalaki?

Para maiwasan ang worry at kalungkutan na maaaring maidulot ng pagkabaog ay mainam na iwasan nalang ang ilan sa mga dahilan na posibleng magdulot nito. Ito ay ang sumusunod:

  • Huwag manigarilyo.
  • Limitahan o iwasan ang pag-inom ng alak.
  • Huwag gumamit ng ipinagbabawal na gamot.
  • Panatilihin ang malusog na timbang.
  • Matulog ng sapat sa oras.
  • Huwag magpa-vasectomy.
  • Iwasang maupo ng matagal o magsuot ng masisikip na damit. O kahit anong maaaring magdulot ng labis na pagbabad sa init ng testicles.
  • Umiwas sa mga hot baths o pagbababad sa mainit na tubig.
  • Iwasang ma-stess hangga’t maaari.
  • Kung maaari ay iwasan ring ma-expose sa mga pesticides, heavy metals at iba pang toxins na maaaring magdulot ng pagkabaog.

Source:

Mayo Clinic, NIH, WebMD

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement