Nagiging balakid nga ba ang caesarean scar sa pagkakaroon ng mga susunod na mga anak? Ibinahagi ng isang ina ang kaniyang istorya tungkol sa malagim na naging kinahinatnat matapos siyang manganak sa pamamagitan ng caesarean section.
Emergency C-section
Sa kaniyang unang pagbubuntis, sumailalim si Catherin Woulfe sa isang emergency CS para maipanganak ang kaniyang anak na lalaki. Nang magdadalawang taon na ang bata, nag-desisyon sila ng partner niyang sundan na ang kanilang panganay.
Ngunit hindi naging madali ang pagbuo sa dapat ay susunod nilang supling. Dalawang taon na ngunit hindi pa rin siya nabubuntis. Kumonsulta siya sa iba’t ibang duktor.
“Sumailalim ako sa iba’t ibang tests,” aniya. “Tinanong kami ng napakadaming tanong. Nilagay kami sa ‘catch-all’ na kategorya. Hindi nila maipaliwanag ang pagkabaog ko.”
Dahil desperado nang masundan ang kanilang panganay, sinubukan nila Catherin na magpa-IVF o in vitro fertilization. Nang magpa-ultrasound siya, may nakitang kakaiba ang kaniyang duktor.
“Nakita ng duktor na may fluid sa aking matris,” saad niya. “Wala dapat fluid doon.”
Matapos ang isa pang ultrasound makalipas ang ilang araw, andoon pa rin ang fluid. “Nirekumenda ng espesyalista na kolektahin na ang mga itlog ko at i-freeze habang hindi pa alam kung ano ang fluid na iyon.”
Caesarean Scar
Hindi nakampante si Catherin sa resulta na nakuha niya kaya nag-research siya sa internet tungkol sa “fluid matris pagbubuntis.” Nang lumabas ang resulta nakita niya na may mga pangyayari na minsan naghihilom ang caesarean scar nang hindi normal—ito ang nagiging sanhi raw ng pagkabaog.
Nang suriin siyang mabuti ng mga duktor, napag-alaman na mayroon siyang secondary infertility matapos ang caesarean section. Nakumpirma ito ng MRI.
“Nagkaroon ako ng caesarean scar defect o caesarean scar syndrome,” aniya.
Ang mga babaeng nanganak sa pamamagitan ng C-section ay maaring mgakaroon ng caesarean scar na nagiging sanhi ng pagkabaog, pagsakit at di normal na pagdurugo.
Ito ang resulta kapag ang scar tissue ay hindi naghilom nang tama at bumubuo ng isang pouch sa mababang bahagi ng uterine lining na tinatawag na isthmocele. Ito ay napupuno ng fluid at naaantala ang normal na pagdurugo tuwing may regla.
Caesarean scar defect ang tawag sa kondisyong ito.
Kapag ang lumang panreglang dugo ay naiwan sa isthmocele sa loob ng uterine cavity, nagsisimula ang pamamaga ng matris, na nagiging sanhi ng paghina ng embryo.
Mga posibleng risk factors sa pagkakaroon ng caesarean scar defect:
- Bilang ng beses na ginamit ang Caesarean section
- Posisyon ng uterine
- Pag-lalabor bago ang Caesarean section
- Surgical na pamamaraan sa pagsara ng hiwa sa uterine
Mga sintomas ng C-section scar tissue
- Pagsakit ng pelvic
- Di normal na pagdurugo
- Vaginal discharge
- Masakit na pagreregla
- Pagkabaog
- Nahihirapang sa mga gynecologic pamamaraan tulad ng IUD insertion and uterine evacuation
- Ectopic na pagbubuntis sa C section scar
Ang mga ina na mayroong C-section scar at may karanasan sa secondary infertility ay dapat magpakonsulta sa isang reproductive specialist.
Ang laparoscopic surgery ay mabisang solusyon sa problema at kayang gamutin ang pagkabaog ng 75% ng mga pasyente.
Isinalin mula sa wikang Ingles ni Criselle Nunag at Candice Venturanza
Mum says C section scar prevented her from having more babies
Sources: bayareafertilitydoctor.com, JMIG
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!