Paano nga ba manganak ang babae ng maayos at less pain? Posible ba? Alamin ang kwentong panganganak ng ating tAp moms at ang kanilang payo para sa’yo!
Mababasa sa artikulong ito ang:
- Tips kung paano manganak ang babae ng madali
- Advice ng mga propesyonal
32 tips para mapadali ang labor at delivery from Pinoy moms
The time has come…lalabas na si baby! Kung ikaw ay first time mom at hindi maiwasang mag-alala sa D-Day, narito ang payo ng ating tAp moms!
Kung nais basahin ang komento ng ating moms tungkol sa usaping ito, i-download lang ang theAsianparent app at magkaroon ng interaction sa ating TAP parents!
1. Tamang pag-ire
Marami ang nagpayo mula sa ating theAsianparent community tungkol sa tamang pag-ire kapag nanganganak. Advice nila, ‘wag sisigaw kapag nasa pampublikong ospital dahil maaaring mapagalitan ka!
“Inhale and exhale deeply tapos ire, ‘wag sisigaw lalo na pag public hospital. Mapapagalitan ka lang (truth po yan) And most importantly YOU PRAY.” “Kapag manganganak ka sa public hospital, ‘wag kang sisigaw kasi mapapagalitan ka. Kapag sumigaw ka mawawalan ka ng lakas para umire.” “Basta iire ka lang kapag naghilab ang tyan mo… para ‘di sayang ‘yung energy mo.” “Inhale and blow. ‘Wag sisigaw habang naglalabor. Then, habang nagco-contract o tumitigas ang tyan, sabayan ng ire para mabilis bumuka ang cervix.” “Huminga lang ng malalim. Inhale at exhale lang ‘pag humihilab ang tiyan during labor.”
Makakatulong din ang suportang ibibigay ni hubby sa iyong tabi habang nanganganak.
2. Bawasan ang carbs
Kapag malapit ka nang manganak, importante rin na bigyang pansin ang mga kinakain mo. Bawasan ang carbs! Payo ng ating tAp moms.
“‘Pag nasa kabuwanan ka na, medyo diet na. Matulog/pahinga rin kasi ‘di mo masasabe kung ilang oras ka magla-labor. Kailangan mo ng energy paglalabas na si baby. Siyempre, PRAY.” “Para ‘di mahirapan manganak dapat bawas sa carbo mga kanin sa pagkain.”
Samahan pa ng pahinga at sapat na tulog para hindi stress paglalabas na si baby.
3. Sundin ang advice ng iyong doctor
Isa sa mahalagang dapat ugaliin ay sundin ang payo at rekomendasyon ng iyong doktor. Sila ang tutulong at ang may alam ng iyong kalagayan.
“Sundin mo lahat ng sinasabi sa’yo ng OB mo. Saka ng mga matatanda sa’yo… Tapos lagi mo kausapin si baby sa tummy mo.”
“Sundin ang sinasabi ng doktor or nurse.”
“Follow your ob and always pray.” “Makinig sa advice ng doctors at nurses habang nanganganak.”
Makakatulong ang pagkakaroon ng journal o diary para magsilbi itong reminders at tracker ng iyong pagbubuntis. Maaaring ilagay rito ang mga supplements at vitamins na iyong iniinom, mga pagkain na dapat kainin o iwasan pati na rin ang safety reminders sa iyong pagbubuntis.
4. Exercise
Marami sa ating tAp moms ang nagpayo na magkaroon ng partikular na ehersisyo kapag malapit nang manganak ang isang babae.
“Kapag nasa 2 cm or 3 cm kana lakad-lakad ka tapos squat-squat ka lang tapos ‘pag humihilab siya sabayan mo nang squat for sure madali lang lumabas si baby. ‘Yan ‘yung ginawa ko.” “Saka maglakad lakad para umikot sa tamang posisyon ‘yung bata.” “Lakad-lakad lang po sa umaga.” “Positive thinking, exercise, lakad palagi lalo na sa umaga, and prayers is the best.” “More exercise to soften cervix.” “Squat or lakad lakad para mabilis bumababa cm niyo.” “More walking and squats.” “Exercise para bumaba at hindi ka na matagalan sa paglabor, at the same time hindi ka mangalay sa kakaire.”
Makakatulong ang squat o paglalakad sa umaga para sa iyong tiyan.
BASAHIN:
Manganganak ka na ba? Alamin ang presyo ng COVID-19 test sa hospital
LIST: Important emergency and delivery hotlines na dapat mong malaman
5. Relax ka lang mommy! Lakasan ang loob.
Isa sa kailangang tandaan ay ang pagiging kalmado kapag nanganganak. Makakatulong ito sa tamang paglabas ni babay pati na rin sa iyong energy.
“Make yourself relax ‘wag mag-iisip ng pwede mong ikanerbyos good, vibes lang.” “Relax lang po ‘wag masyado stressin ang sarili kasi ma i-stress din si baby.” “Stay calm. Be Brave, very brave. Masakit talaga kung iisipin na sumasakit kaya ituon ang isip sa ibang bagay ‘wag sa pain na nararamdaman.” “Tatatagan niyo ang loob niyo. Inhale exhale lang. Kalma lang po huwag matataranta.” “‘Wag masyado maarte.. kailangan malakas loob mo..kasi ikaw lang makakatulong sa paglabas ni baby.” “Lakasan mo lang loob mo beh mairaraos mo rin ‘yan. After all the pain na naranasan po ‘pag labas ni baby makakahinga ka na ng maluwag .”
Importanteng malaman ng ating moms na maging kalmado sa ganitong oras. Isipin ang mga tips na ibinigay ng ating tAp moms at iyong doktor. Bakit hindi mo kausapin si baby? Helpful ito!
6. Prayers
Payo ng ating moms, ‘wag kakalimutan ang magdasal para sa successful at safe delivery!
“Relax and pray lang kay God kahit sobrang sakit na.”
Bago manganak:
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.