Paano matanggal ang white hair? Sanhi at solusyon, ALAMIN!

Ito ang mga mabisang solusyon kung paano matanggal ang white hair. Ayon sa sa pag-aaral, ang stress daw ang pangunahin nitong dahilan!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon sa pag-aaral, isa sa pangunahing sanhi ng pagputi ng buhok ay ang stress. Paano nga ba matanggal ang white hair at paano ito maiiwasan na dumami?

 

Photo from Unsplash

 

Kadalasan nating nakikita ang white hair sa mga may edad na. Ngunit bakit nga ba hindi lang ang mga matatanda ang nagkakaroon white hair? Sa katotohanan niyan ay kahit anuman ang iyong edad, pwede kang tubuan ng white hair o uban.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sanhi ng white hair

 

Genes

Kapag ang isang tao ay sinimulang tubuan ng white hair sa kanyang murang edad (bago mag 20 years old), mataas ang posibilidad na namana niya ito. Maaaring ang kanyang mga magulang ay mabilis ding nagkaroon ng puting buhok.

Kakulangan ng Melanin

Ang Melanin ay nagbibigay ng kulay sa ating mga balat at buhok. Kadalasan, ang kakulangan ng melanin sa buhok ang sanhi ng pagputi nito. Kung kulang ka sa nutrition at protein, maaaring ito ang sanhi ng kakulangan ng melanin sa buhok.

Chemicals

Ang paggamit ng chemical-based shampoo, conditioner, sabon, pangkulay sa buhok ay isa ring sanhi ng white hair. Sa una maaari kang magkaroon ng side effects katulad ng allergy reactions. Kapag naabuso ang iyong buhok ng mga produktong ito, maaari itong masira.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paninigarilyo

Ayon sa pag-aaral, ang paninigarilyo ay isa sa mga pangunahing dahilan sa pagkakaroon ng white hair. Ito ay dahil sa reactive oxygen na sumisira sa mga hair follicle melanocytes kaya nagiging puti ang buhok.

 

Photo from Unsplash

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Stress

Isa sa mga dahilan ng pagkakaroon ng white hair ay stress. Ang Oxidative stress ay sanhi ng labis na pagpapagod ng ating mga sarili. Ang hindi balance na pagkain o lifestyle ang nagdudulot nito. Dahil dito, maaaring makaranas din ng sumusunod:

  • Pagbabago ng eating habits
  • Problema sa pagtulog
  • High Blood Pressure
  • Anxiety

 

Paano matanggal ang white hair?

1. Tumigil sa paninigarilyo at bisyo

Ang maayos na lifestyle ay magdudulot sa iyo ng maayos at maginhawang pamumuhay. Ang paninigarilyo ay nakakasira ng ilang mga hair follicle melanocytes dulot ng mga kemical nito kaya dapat iwasan na agad para mabawasan ang iyong white hair.

2. Kumain ng masustansya at wastong pagkain

Bigyan ng sustansya ang iyong katawan. Kumain ng pagkaing mayaman sa Vitamin B12. Katulad na lamang ng itlog, gatas, meat products, manok at seafoods. Importante rin ang ginagampanan ng Vitamin B12. Ito ang nagbibigay ng energy at nakakapagdulot ng paglago sa iyong buhok.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Photo from Unsplash

3. Home Remedy

Kung nais mong gawing itim ulit ang iyong white hair, maari mong gawin ang mga simple tips na ito. Mas maganda ang natural remedies kaysa sa paggamit ng mga kemikal na makakasira lalo sa iyong buhok.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Coconut Oil. Bago matulog, maglagay nito sa iyong buhok at anit. I-massage lang ito nang marahan. Hugasan din ang buhok kinabukasan.
  • Luya. Kumain ng isang teaspoon ng dinurog na luya, haluan din ito ng isang tablespoon ng honey.
  • Black Sesame Seeds. Kumain ng isang tablespoon ng black sesame seeds. Ugaliin itong gawin dalawa hanggang tatlong beses sa isang linggo.
  • Sibuyas. Gamit ang katas ng sibuyas, pahiran ang iyong anit at iwanan ito ng 30 minutes.
  • Carrot Juice. Ugaliing uminom ng isang baso ng carrot juice araw-araw.

 

SOURCES: Healthline , BBC News

BASAHIN: STUDY: Pang kulay at pang-straight ng buhok, maaaring magdulot ng cancer

Sinulat ni

Mach Marciano