Pangpa-straight at pang-kulay ng buhok, may taglay na kemikals na maaring maging sanhi ng cancer sa mga babae. Ito ang natuklasan ng isang bagong pag-aaral.
Sanhi ng cancer sa mga babae
Regular ka bang nagpapakulay o nagpapa-straight ng buhok? May babala ang isang pag-aaral tungkol dito. Ayon sa pag-aaral ang mga gamot na ginagamit para matamo mo ang straight colored hair ay maaring maging sanhi ng cancer sa iyong suso.
Ang pag-aaral ay isinagawa ng mga researchers mula sa National Institute of Environmental Health Sciences. Tampok dito ang 46,700 kababaihan mula sa US na may edad 35-74 years old.
Sa simula, ang mga babaeng nakiisa sa pag-aaral ay pinasagot ng questionnaire tungkol sa kanilang kalusugan at lifestyle. Kabilang na nga rito ang produkto na ginagamit nila sa kanilang buhok. Saka sila regular na binabalikan upang kamustahin kung may pagbabago sa kanilang lifestyle at kalusugan sa loob ng walong taon.
Dito natuklasan ng mga researchers na 2,800 sa mga babae ang nagkaroon ng breast cancer. Karamihan nga sa mga ito ay mga black women na mas madalas na gumagamit ng permanent dyes at straighteners sa kanilang buhok.
“Researchers have been studying the possible link between hair dye and cancer for a long time, but results have been inconsistent.”
“In our study, we see a higher breast cancer risk associated with hair dye use, and the effect is stronger in African American women, particularly those who are frequent users.”
Ito ang pahayag ni Alexandra White, mula sa National Institute of Environmental Health Sciences Environment and Cancer Epidemiology Group at senior author ng ginawang pag-aaral.
Dahil sa kemikal na taglay nito
Dagdag pa niya, natuklasan nilang ang paggamit ng permanent dye o pangkulay ng buhok ay nagpapataas ng tiyansa ng kanser sa isang babae ng 9%. Ito ay kung ikukumpara siya sa isang babaeng hindi gumagamit nito.
Sa mga regular users naman nito ay tumataas ang tiyansa ng pagkakaroon ng kanser ng hanggang 45%. Habang 60% naman kung mai-expose sa mga produktong ito ang isang babae kada walong lingo o mas madalas pa.
Nakita nga nilang mas maraming black women ang nagkaroon ng breast cancer sa kadahilanang mas madalas silang gumamit ng mga produktong ito. At kinakailangan ng mas matapang na formulation ng mga ito para umepekto sa kanilang buhok.
Paliwanag ng researchers ng pag-aaral , ang mga pang-kulay at pang-straight ng buhok ay nagiging sanhi ng cancer dahil sa taglay nitong mga kemikal. Tulad nalang ng keratin treatments na mayroong carcinorgen formaldehyde na maaring makaapekto sa mga hormones sa katawan ng babae gaya ng estrogen.
Dagdag pa ni White na senior author ng ginawang pag-aaral, ang mga aromatic amines o colorless chemicals na taglay ng mga produktong ito ay may kakayahan ding maka-damage ng DNA na may kaugnayan parin sa pagkakaroon ng cancer. Ang kemikal na ito ay mas present sa mga permanent hair dye. Kumpara sa,mga temporary o semi-permanent hair dye na kokonti lang ang tinataglay na kemikal na ito.
Reaksyon ng mga eksperto
Hati naman ang reaksyon ng mga eksperto sa ginawang pang-aaral, lalo pa’t ang mga produktong sinasabing sanhi ng cancer sa mga babae ay isa sa madalas nilang ginagamit na pampaganda ng kanilang sarili.
Ayon kay Dr. Anne McTiernan, M.D., Ph.D., isang epidemiologist sa Fred Hutchinson Cancer Research Center sa Seattle, ang naging resulta ng pag-aaral ay makakatulong sa mga babaeng gustong makaiwas sa breast cancer.
Pero para kay Dr. Larry Norton isang medical oncologist sa Evelyn H. Lauder Breast Center at Memorial Sloan Kettering Cancer Center sa New York, ang pag-aaral ay kinakailangan pa ng mas ibayong pananaliksik upang mapatunayan. Kaya naman hindi naman daw dapat maging dahilan ito upang matigil na ang mga babae sa pagkukulay o pagpapa-straight ng kanilang buhok.
“Should a person stop dying their hair? Everything in life has cost and benefit, there’s always risk in everything you do, it depends how important this activity is for you. I wouldn’t tell someone not to use these products, this study doesn’t give anywhere near enough evidence to prove the products in these products are cancer-causing.”
Ito ang pahayag ni Dr. Norton.
Para sa mga nagsagawa ng pag-aaral, ang kanilang natuklasan ay hindi dapat maging dahilan upang matigil na ang mga babae sa pagpapakulay at pagpapatraight ng kanilang buhok. Dahil hindi lang naman daw ito ang sanhi ng cancer. Ngunit makakabuti naring magdahan-dahan nalang sa paggamit nito para makasigurado.
Source: Forbes, Time
Photo: Freepik
Basahin: 11 sintomas ng breast cancer na hindi alam ng karamihan
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!