Paano mawala ang stress? Ito ang dapat mong kainin ayon sa pag-aaral. Plus additional tips na maaring gawin para mas stress-free ang iyong buhay!
Mababasa sa artikulong ito:
- Mga paraan na maaring gawin kung paano mawala ang stress.
- Pagkain na dapat kainin para mawala ang stress ayon sa pag-aaral.
Paano mawala ang stress
Ang stress ay ang natural na reaksyon ng ating katawan sa mga hindi kaaya-aya o katanggap-tanggap na pangyayari sa ating buhay. Ito rin ay maaaring epekto ng pagod o kakulangan ng pahinga.
Anuman ang dahilan ng stress, ito ay may masamang epekto sa ating katawan. Tulad ng pagkaramdam ng iba’t ibang pisikal na sintomas gaya ng sakit ng ulo, pananakit ng tiyan, pagtaas ng blood pressure, o hirap sa pagtulog.
Base rin sa mga pag-aaral, mas maaaring palalain ng stress ang mga sintomas ng mga sakit na kasalukuyan ng iniinda ng isang tao. Kaya naman hangga’t maaari ay iwasan dapat ang ma-stress o gumawa ng paraan na maaaring makapagpawala nito.
Hand photo created by 8photo – www.freepik.com
Ayon sa isang pag-aaral, pagkain ng gulay at prutas ang sikreto!
Pero ano nga ba ang maaaring gawin o paano mawala ang stress? Ayon sa isang pag-aaral, ang pagkain ng diet na rich in fruit and vegetable ang sikreto.
Natuklasan ng pag-aaral matapos obserbahan at subaybayan ang health at lifestyle ng 8,600 na tao sa Australia na edad 25-91 years old. Ang pag-aaral ay pinamagatan Australian Diabetes, Obesity and Lifestyle o AusDiab Study.
Sa pagsasagawa ng pag-aaral ay sinuri ng mga researcher ang vegetable at fruit intake ng lumahok sa pag-aaral. Saka ito iniugnay sa stress level na kanilang nararanasan.
Resulta ng pag-aaral, ang mga kumakain ng at least 470 grams ng prutas o gulay o halos dalawang tasa ng mga ito araw-araw ay 10% lower ang stress na nararanasan kumpara sa mga kumakain ng 230 grams ng prutas o gulay o halos isang tasa lang.
“We found that people who have higher fruit and veggie intakes are less stressed than those with lower intakes, which suggests diet plays a key role in mental wellbeing.”
Ito ang pahayag ni Simone Radavelli-Bagatini lead researcher ng ginawang pag-aaral na mula sa Baker Heart and Diabetes Institute.
Paliwanag ng pag-aaral
Dagdag pa niya, ang findings ng kanilang pag-aaral ay napakahalaga dahil sa makakatulong ito para makaiwas ang isang tao sa long-term effects ng stress. Ito ay mga seryosong mental at health problems tulad ng heart disease, diabetes at depression.
Paliwanag pa ni Radavelli-Bagatini, nagiging possible ito dahil ang mga prutas at gulay ay nagtataglay ng mahahalagang vitamins at minerals na nakakabawas ng oxidative stress sa katawan. Pati na ang nag-iimprove ng mood at well-being ng isang tao.
“Vegetables and fruits contain important nutrients such as vitamins, minerals, flavonoids and carotenoids that can reduce inflammation and oxidative stress, and therefore improve mental wellbeing.”
“Inflammation and oxidative stress in the body are recognized factors that can lead to increased stress, anxiety and lower mood.”
Food photo created by freepik – www.freepik.com
BASAHIN:
STUDY: Panonood madalas ng TV ng mga bata, stress ang dala sa mga nanay!
Iba pang paraan para mawala ang stress
Maliban sa pagkain ng prutas at gulay, ang iba pang paraan kung paano mawala ang stress ayon sa mga eksperto ay ang mga sumusunod:
- Mag-exercise dahil nakakatulong ito na mabawasan ang stress hormones sa katawan. Nakakatulong din ito sa pagre-release ng endorphins na nag-iimprove ng mood at umaaktong natural painkiller ng katawan.
- Pagtulog ng maayos na nagbibigay pagkakataon sa katawan na makapahinga.
- Pag-inom ng supplements para mas manatiling malusog ang katawan.
- Ang paggamit ng essential oils ay sinasabing nakakatulong para maibsan ang feeling ng stress o anxiety na nararanasan.
- Iwasan ang pag-inom ng kape. Dahil ang caffeine umano na dulot nito ay nakakadagdag ng feeling ng anxiety o pagkabahala.
- Isulat sa journal ang stress na nararanasan upang maging aware dito at mabigyan ito ng karapatang solusyon.
- Mag-spend ng time kasama ang iyong mga kaibigan at pamilya. Ito ay para maliwaliw ang iyong utak at maiwasang mag-isip ng problema.
- Tumawa dahil sa nakakatulong ito na ma-relax ang muscles sa katawan at iimprove ang iyong mood.
- Maging organize sa mga bagay na dapat mong gawin para maiwasan ang cramming na isa sa pangunahing dahilan ng stress.
- Mag-yoga. Isa ito sa effective na paraan ng pag-exercise at pampawala ng stress.
- Makinig sa nakakarelax na music para ma-relax rin ang iyong isipan.
- Magsagawa ng breathing exercises. Nakakatulong ito para pakalmahin ang mga muscles mo sa katawan.
Music photo created by drobotdean – www.freepik.com
Tips para maiwasan ang stress sa inyong bahay
Samantala, ang mga dapat gawin para maiwasan ang stress sa inyong bahay ay ang sumusunod.
1. I-express ang iyong sarili at ipaalam sa asawa at anak mo ang iyong naging karanasan sa buong araw. Ito ay upang makagawa sila ng mga bagay na makakakatulong upang mapagaan ang pakiramdam mo.
2. Magbawas ng trabaho o projects na hindi mo na kaya. Maglaaan ng oras na kung saan nasa bahay ka lang at nagpapahinga.
3. Kung may problemang nararanasan ay ipaalam ito sa iyong pamilya. Upang matulungan ka nilang maresolba ito na kayo ay sama-sama.
4. Panatilihing organized at malinis ang inyong bahay. Ito ay upang maging maaliwalas din ang iyong isipan.
5. Iwanan ang trabaho sa opisina at makipag-bonding sa iyong pamilya. Basahan ng libro ang iyong anak o manood ng movie katabi ang iyong asawa.
6. Magkaroon ng personal space sa inyong bahay. O ang lugar na kung saan maaari kang mag-isip o makapag-relax sa oras na may gumugulo na sa isip mo. Makakatulong din ito upang maiwasang mabaling sa iba ang init ng ulo mo.
7. Paligiran ng mga natural elements ang iyong bahay. Tulad ng mga halaman, kahoy at mga bato upang ma-relax ang pakiramdam mo.
Makakatulong din kung pipinturahan ang iyong bahay ng mga calming colors tulad ng green at soft blues. Ang mga kulay na ito ay mabisang nakakarelax ng isip ng mga tao.
Ilan lamang ito sa mga paraan kung paano mawala ang stress at kung paano ito maiiwasan. Pati na kung paano hindi nito mapektuhan ang magandang pakikisama mo sa iyong pamilya.
Source: