Paano nga ba ang tamang paghuhugas ng kamay?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa panahon ngayon na maraming kumakalat na sakit. Ngunit, alam mo ba, na sa pamamagitan ng tamang paghuhugas ng kamay ay maaari mong maprotektahan hindi lamang si baby kung hindi pati na ang buong pamilya? 

Bakit Kailangang Ugaliin Ang Tamang Paghuhugas ng Kamay?

Ang tamang paghuhugas ng kamay ay hindi lamang para sa mga bata. Ito ay nakabubuti para sa lahat ng tao sa kahit anong edad. Alam mo ba na maraming sakit ang nakakahawa dahil lamang sa hindi paghuhugas ng tama? 

Ilan lamang sa mga sakit ay ang mga Salmonella at influenza. Kung hindi uugaliin ang tamang kalinisan sa katawan, maaaring magdulot ito ng komplikasyon sa iyong katawan, lalo na ng mga katabaan, mga matatanda, at ng mga taong mahihina ang immune system.

Paano Iiwasan Ang Malulubhang Sakit Gamit Ang Paghuhugas Ng Kamay?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Tuwing Kailan Dapat Maghugas ng Kamay?

Narito ang ilan sa mga scenario na mas mabilis kumalat ang germs. Mas makakatulong protektahan ang iyong buong pamilya kung papaalalahanan mo sila kung kelan ang tamang paghugas ng kamay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa ganitong paraan, maaari kang makatipid sa mga gamot at iba pang gastusin sa ospital. Laging tandaan na prevention is better than cure!

  • Bago, habang, at pagkatapos mag-prepare ng pagkain
  • Pagkatapos gumamit ng banyo
  • Bago at pagkatapos kumain
  • Bago, habang, at pagkatapos alagaan ang taong may sakit
  • Pagkatapos magpalit ng diaper ng iyong anak 
  • Bago at pagkatapos gamutin ang sugat
  • Pagkatapos tulungan sa banyo ang anak 
  • Kapag tapos umubo, suminga, at bumahing
  • Pagkatapos humawak ng kahit anong klase ng hayop o pagkain ng alagang hayop
  • Pagkatapos humawak ng basura

Paano kung walang sabon sa pampublikong lugar?

Hindi sa lahat ng panahon ay maaaring makagamit ng sabon. Minsan, makakapunta kayo sa isang establishimyento na walang bar soap o liquid soap. Maaari mo parin bang maprotektahan ang iyong buong pamilya laban sa mga germs? 

Dahil hindi maiiwasan ang mga ganitong senaryo, ugaliin ang pagdadala ng hand sanitizer. Tandaan na hindi ito kasing effective ng sabon kaya piliin ang sanitizer na may at least 60% alcohol content. 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paano gumamit ng hand sanitizer?

  1. Maglagay ng kaunting amount ng sanitizer sa palad. Tingnan sa bote kung mayroong recommended amount at sundin ito. 
  2. Ikalat sa buong kamay ang sanitizer hanggang sa ito’y matuyo. Karaniwan, natutuyo ito sa loob ng 20 seconds. 

Tips:

  • Gamitin lamang ang sanitizer kung walang available na tubig at sabon. Kung ang iyong kamay ay mamantika or maalikabok, hindi ito magiging effective kaya mas mabuti parin ang pag gamit ng sabon at ng running water.
  • Kahit na mas maigi ang pag gamit ng liquid soap. Mas mabuti paring gumamit ng bar soap dahil ito ay may anti-bacterial factor na mas lumilinis ng kamay.
  • Ingatan ang paggamit ng sanitizer sa mga bata. Siguraduhing hindi ito mapupunta sa mga mata o malunok. Laging bantayan ang mga bata kapag gumagamit ng sanitizer upang maiwasan ang ganitong klase ng mga panganib.
  • Kapag tapos gumamit ng bar soap, siguraduhing ilagay ito sa tuyong lugar. Kung gumagamit ka ng soap tray, i-drain it ng maigi upang mapatuyo ang sabon kapag hindi ito ginagamit.

Turuan ang iyong mga anak ng importansya ng kalinisan

Ang kalinisan sa katawan ay nagsisimula habang bata pa lamang. Ito ay isang importanteng kaugalian na natututunan ng mga bata at kanilang dadalhin hanggang sa kanilang pag tanda. Ngunit paano mo nga ba ito matuturo sa kanila habang nasa murang edad pa lamang?

Maging Ehemplo ng Kalinisan

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang mga magulang ay may responsibilidad na turuan ang kanilang anak ng tamang paguugali. Isang paraan upang maturuan ng tamang paghuhugas ng kamay ang mga kabataan ay ang paggawa ng tinuturo.

Gawing Mas Exciting ang Paghuhugas ng Kamay

Maaari mo rin silang hikayatin na maghugas ng kamay gamit ang tamang paraan sa pamamagitan ng isang laro. Puwede ka ring gumamit ng isang kanta, gaya ng “Happy Birthday Song” upang magsilbing timer sa pag huhugas ng kamay. Sa ganitong paraan, napanatili mong malinis si baby, nagkaroon pa kayo ng panibagong paraan upang mag bonding!

Also read: Super bacteria sanhi ng hindi paghuhugas ng kamay matapos mag-CR, hindi nagagamot ng antibiotics

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Audrey Torres