Masarap magmahal at makasama ang taong mahal mo habambuhay, subalit kahit na mahal niyo ang isa’t isa marami pa rin ang mga salik na dapat ninyong tignan at parehas na mapagkasunduan, paano nga ba mas pahalagahan ang isang relasyon?
Paano ba malalaman kung hindi na ang iyong asawa ang iyong priority?
Mababasa sa artikulong ito:
- 7 signs na mas priority mo ang iyong barkada kaysa sa iyong asawa
- Paano pahalagahan at pagtitibayin ang isang relasyon?
Sa isang relasyon talaga hindi lamang dalawang tao ang nag-uugnay, naririyan din ang pamilya at kaibigan ng magkarelasyon. Naroroon na sila sa buhay mo bago pa man dumating ang iyong asawa o partner.
Mahalaga ang ating mga kaibigan o barkada, dahil bukod sa iyong partner sa buhay sila rin ang isa sa ating mga matatakbuhan kapag may mga problema. Masarap ding makipagtawanan at makipag-usap sa ating mga kaibigan. Lalo na pag-usapan ang mga pagsasama ninyong magbabakarda.
Hindi namang masamang lumabas kasama ang ating mga kaibigan o barkada at mag-enjoy sa kanilang company. Subalit huwag din nating hahayaan na maramdaman ng ating mga asawa na hindi sila mahalaga.
Ayon sa mga eksperto
Nagsisimula talaga ang lahat ng pagsasama sa romance at love. Subalit kalaunan ay magbabago umano ito paglipas ng panahon at marami sa mga mag-aasawa ang hindi alam kung bakit humantong sa ganito ang kanilang pagsasama.
Subalit hindi naman ito bigla-bigla na lamang nangyayari sa isang relasyon. Ang tanong, paano ba pahalagahan ang isang relasyon? Lalo na kung marami na ang responsibilidad ng mag-asawa dahil maaaring sila na ay mga magulang.
Bilang mga magulang na mas nagiging busy ang mag-asawa sa kanilang responsibilidad. Halimbawa na lamang si misis na nag-aalaga sa kaniyang mga anak at si mister ay busy sa pagtatrabaho para kumita ng pera para sa kaniyang pamilya.
Sa mga dahilan na ito minsan nawawalan na ng oras ang mag-asawa sa isa’t isa. Kumbaga, nawawalan sila ng quality time na magkasama. Sapagkat mas nakapokus sila sa kanilang mga tungkulin.
Minsan umano ang mga problema na pinagdadaanan ng isang mag-asawa ay hindi nila pinag-uusapan bagkus mas sinasabi nila ito sa kanilang mga kaibigan. Kaya naman hindi ito nare-resolve agad dahil hindi naman ito naia-address sa simula pa lamang.
Larawan mula sa iStock
Ito umano ang nangyari sa mag-asawang Sonam at Kartik, nang sila’y ikasal ang pinagusto nilang ginagaawa ay lumabas na magkasama. Subalit nagbago ito nang sila’y naging busy na sa pagiging magulang at responsibilidad nila.
“We would try and slot our time at home in a way that one of us could be there with our child. But, in the process, we began spending less and less time with one another and before we knew it, we were quite comfortable just being there under the same roof, instead of being with one another,”
Pagbabahagi nila sa indianexpress.
Mahalaga umano ayon sa mga eksperto ang pagma-manage mga mahahalagang bagay sa iyong buhay. Lalo na ang pagsasama ng isang mag-asawa. Dito pumapasok na mas gusto mo na lamang na mag-spend time sa iyong mga kaibigan kaysa sa iyong asawa dahil hindi mo nama-manage ang inyong relasyon.
Pakiramdam kasi ni misis na may mas oras ka pa sa iyong barkada kaysa kaniya. Ang dapat sana na oras na nilalaan mo lagi sa iyong mga kaibigan ay oras sana upang mas pagtibayin pa ang inyong relasyon.
Isa umano ito sa mga madalas na pinag-aawayan ng mga mag-aasawa. Ang isa pa sa mga maaaring dahilan nito ay hindi matanggap ng iyong partner o asawa na ikaw ay nagsasaya kasama ang iyong mga kaibigan na wala siya. Pakiramdam niya siya’y nale-left out.
Kaya naman sa artikulong ito malalaman ang 7 signs na mas priority mo ang iyong barkada kaysa sa iyong asawa.
7 signs na mas priority mo ang iyong barkada kaysa sa iyong asawa
Makakatulong ang signs na ito upang malaman ang mga maaari mong gawin kung mas nagiging priority mo na nga ang iyong barkada at hindi ang iyong asawa. Sa pamamagitan din nito ay matutulungan ka kung paano mas pahalagahan ang isang relasyon, lalo na ang relasyon ninyong mag-asawa.
Larawan mula sa iStock
1. Late ka nang umuwi
Hindi mo man napapansin minsan subalit ang lagi mong late na pag-uwi ay nakakaapekto kay misis dahil tila ba hindi mo siya nais makita agad. Iniisip din niya na baka lumabas ka kasama ang iyong barkada. Kaya naman kapag late kang uuwi ay sabihan agad si misis kung bakit.
2. Lagi mong kausap ang iyong mga kaibigan kaysa sa kaniya
Kahit na kayo’y nasa bahay at nakaupo sa sala at magkasama pero kung lagi mong ka-chat o kausap ang iyong kaibigan ay maaaring maramdaman ni misis na hindi na siya ang iyong priority.
Sapagkat busy kayong dalawa lagi subukan na mag-schedule ng ‘bebe time’ kung saan mag-uusap at magba-bonding kayo’y dalawa na walang istorbo.
Larawan mula sa iStock
3. Nagsisinungaling ka na sa iyong asawa
Kung nagsisinungaling ka na kay misis para makasama ang iyong barkada, isa na ito sa senyales na mas priority mong makasama ang iyong barkada kaysa sa kaniya.
Huwag magsinungaling sa iyong asawa. Hindi maganda sa isang relasyon ang may lihim sa isa’t isa. Kung may mahalaga talagang ganap ang barkada hindi naman ito masamang sabihin kay misis, huwag ka ring matakot na baka hindi ka payagan. Basta magsabi ka ng maayos at maiintindihan ka niya.
BASAHIN:
36 na palatandaan at katangian na mabuti kang asawa kay mister
#TAPMomAsks: Kasama ng asawa ko ang pinagseselosan ko sa outing nila, papayagan ko ba?
5 karaniwang pinag-aawayan ng bagong mag-asawa at paano ito masosolusyonan
4. Ginagamit mo ang iyong free time kasama ang iyong barkada kaysa masakama si misis
Kung mas pinipili mong lumbas kasama ang iyong barkada kapag free time mo ay isa na nga ito sa senyales na mas priority mo na ang iyong barkada kaysa magkaroon ng quality time kasama ang iyong asawa.
Mahalaga ang pagkakaroon ng quality time ninyong mag-asawa upang mas mapatibay pa ang inyong pagsasama. Kaya kung maaari ay laging maglaan ng oras kasama ang iyong asawa. Magplano ng date, o movie night kasama si misis.
Larawan mula sa iStock
5. Hindi ka mapakali kapag kapag inaya ka ng iyong barkada
Kapag inaya ka ng iyong mga kaibigan o barkada ay hindi ka mapakali at kahit nasa date na kayo ni misis ay gusto mong pumunta sa gala niyong magkakaibigan.
Tandaan kung tunay nga silang mga kaibigan ay maiintindihan nila na kung hindi ka makakapunta kahit birthday pa halimbawa ng isa sa inyong mga kaibigan.
6. Laging malayo ang isip mo kapag kasama mo si misis
Kahit magkasama kayo ni misis ay mas naiisip mo ang mga kaibigan mo lalo na kung mayroon silang ganap at wala ka kasama nila.
7. Mas nag-e-enjoy ka na kasama ang iyong barkada kaysa sa iyong asawa
Kapag mas naiisip mong mas mag-e-enjoy ka kasama ang iyong bakarda kaysa magkaroon ng quality time sa iyong misis. Isa na ito sa mga signs na hindi mo na priority ang relasyon niyong mag-asawa.
Paano pahalagahan at pagtitibayin ang isang relasyon?
Ang totoo mahirap din mag-maintain ng isang pagsasama lalo na kung matagal na kayong magkarelasyon o mag-asawa. Kaya naman sa kabila ng mga pagsubok. Dapat isa sa mga pangunahin mong priority ay ang iyong asawa at inyong pagsasama.
Kung nararamdaman mo na minsan ay mas masaya ka o nag-e-enjoy ka kasama ang iyong mga kaibigan kaysa sa iyong asawa ay sabihin ito sa iyong asawa. Maging bukas ka sa lahat ng iyong nararamdaman sa iyong partner sa buhay.
Larawan mula sa iStock
Sa pagiging bukas sa isa’t isa ay madali ninyong masusulusyunan ang mga problema na inyong pinagdadaanan. Huwag din ipagsawalang bahala ang inyong pagsasama. Tandaan mahalaga man ang ating mga kaibigan at maka-bonding sila. Mas mahalaga pa rin ang ating mga asawa at pamilya.
Iparamdam lagi sa iyong asawa na mahalaga siya at importante ang inyong pasasama at pamilya kanino man. Lagi rin siyang gawing bahagi ng iyong mga plano at ipagbigay alam sa kaniya ang iyong nararamdaman at mga desisyon.
Mag-set kayo ng quality time o ‘bebe time’ na dalawa upang mas tumibay at maging matatag ang inyong relasyon.
Source:
The Atlantic, Indian Express, Metro UK
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!