Narito ang mga katangian ng mabuting asawa na dapat taglayin ng bawat misis para sa mas masaya at matibay na pagsasama.
Mababasa sa artikulong ito:
- Ano katangian ng mabuting asawa?
- Payo sa mga mag-asawa
Ano katangian ng mabuting asawa?
Ayon sa psychologist na si Dr. Josh Klapow, normal na magtanong tayo sa ating sarili kung tamang tao ba ang ating napangasawa. Kasal man o hindi ay normal na pumasok ito sa ating isipan lalo na habang tumatagal ang relasyon. Normal rin na tanungin natin ang ating sarili kung naging mabuting asawa ba tayo? Lalo na sa panahon ng problema na sinusubok ang pagsasama.
Pagbabahagi naman ng relationship experts na sina Linda Bloom at Charlie Bloom, isa sa katanungang lagi nilang nakukuha sa mga bagong kasal na babae ay kung paano ba maging mabuting asawa. Base sa kanilang mga naging kliyente at sariling karanasan, ito ang mga katangian ng mabuting asawa na dapat taglayin ng bawat babae.
1. Ang isang mabuting asawa ay generous o mapagbigay sa kaniyang asawa.
2. Normal lang din na humindi paminsan-minsan sa pakikipagtalik kay mister ang isang mabuting asawa. Pero alam niya kung kailan siya babawi at mapagbibigyan ang hiling ng mister niya.
3. Alam din ng mabuting asawa na siya ay mahal ng kaniyang mister at kaya nitong maibigay ang pangangailangan niya.
4. Hindi rin siya nagde-demand o nagko-command sa kaniyang asawa. Sa halip ay tinutulungan niya ito.
5. Marunong din siyang magpasalamat sa bawat bagay na ginagawa o ibinibigay sa kaniya ng mister niya.
Tree photo created by diana.grytsku – www.freepik.com
6. Ang mabuting asawa ay marunong makinig sa hinaing o nararamdaman ng mister niya.
7. Naiibibigay niya ang kailangan ni mister ng hindi na niya kailangan pang tanungin ito.
8. Kapag nagbabahagi ng nararamdaman ang kaniyang mister, siya ay nakikinig at pinalalakas pa ang loob nito.
9. Sa oras na hindi kayang makapagsabi ng kaniyang mister ng kaniyang saloobin ay pinapagaan niya ang loob nito. Pinaparamdam din nitya na maaari siya nitong malapitan kahit sa anong oras.
10. Marunong din siyang magtanong sa kaniyang mister kung naibigay niya ba ang pangangailangan nito. Pakikingan niya ito. Kaya naman sa oras na hindi, ay gagawin niya ang lahat ng kaniyang makakaya para maibigay ang pangangailangan ng mister niya.
11. Ang mabuting asawa ay hindi kailangang maging masunurin kay mister.
12. Alam niya ang kaniyang boundaries at pinapanatili ito ng may pagmamahal.
13. Sa oras na nawawalan ng confidence ang kaniyang asawa ay tutulungan niyang maibalik ito sa pamamagitan ng pagpo-point-out ng mga strength o kalakasan niya.
14. Siya rin ay mayroong mataas na level ng integridad sa kaniyang sarili.
15. Alam niya rin ang mga kailangan niya at sasabihin ito sa kaniyang mister. Ito’y para maiparamdam dito na siya rin ay isang mabuti at responsableng asawa.
16. Sa oras na hindi gusto o may pag-aalinlangan ang mister niya sa kaniyang nais ay pinapaliwanagan niya ito. Ito ay para maipaliwanag na ang kaniyang nais ay makakabuti sa kanilang dalawa o sa kanilang pamilya.
Family photo created by pressfoto – www.freepik.com
BASAHIN:
Mga katangian ng mabuting magulang na dapat taglayin ng bawat isa sa atin
5 karaniwang pinag-aawayan ng bagong mag-asawa at paano ito masosolusyonan
8 signs na asawa mo ang boss
17. Ang mabuting asawa ay unang hinihingi ang opinyon ng asawa niya kaysa sa ibang tao.
18. Bagamat minsan, may mga bagay na hinihihingi niya ng tulong mula sa kaniyang mga kaibigan o pamilya para hindi na maging pabigat pa sa asawa niya.
19. Minsa’y ipinapakita niya rin na kaya niyang maging lider ng kanilang relasyon para maiparamdam ang dedikasyon niya sa kanilang pagsasama.
20. Siya rin ay malakas ngunit hindi bossy.
21. Alam niya kung kailan siya dapat tumayo sa sarili niyang paa at hindi na kailangang hintayin ang pagre-rescue ng asawa niya.
23. Flexible rin siya sa kung sino ang dapat mag-head sa kanila ni mister sa iba’t ibang areas ng kanilang relasyon o buhay pamilya.
24. Malakas man siya ay hinahayaan niya rin ang kaniyang sarili na maging soft at malambing sa kaniyang asawa.
25. Ang mabuting asawa ay inirerespeto ang privacy at confidentiality ng relasyon o pagsasama nilang mag-asawa.
26. Hindi niya tsinitsismis si mister. Hangga’t maaari ay hindi ikinukwento sa iba ang problema nila ng hindi pa nila ito nasuuolusyonang mag-asawa.
27. Ang mabuting asawa ay devoted sa pag-aalaga sa kaniyang kabiyak. Hindi ito nagbabago kahit sila ay may anak na.
28. Siya ay laging may naiisip na romantic para sa kanilang mag-asawa at pagsasama. Ito man ay sa pamamagitan ng bakasyon, getaway o honeymoon. Ito ay ginagawa nila kahit ilang taon na silang magkasama.
29. Lagi rin nakakaisip ang mabuting asawa ng iba’t ibang activities at adventure para panatilihin ang spark sa kanilang pagsasama.
Chinese photo created by master1305 – www.freepik.com
30. Ang mabuting asawa ay mas pina-prioritize ang katahimikan sa kanilang relasyon. Kung may nais siyang sabihin sa kaniyang mister ay sinasabi niya ito ng mahinahon na hindi pagsisimulan ng pagtatalo sa pagitan nila.
31. Alam ng mabuting misis na hindi siya nanalo sa mga argumento sa pagitan nila ng kaniyang mister. Sapagkat naniniwala siya na sila ay dapat na nagtatrabaho o humaharap sa mga problema ng may pagtutulungan at pagkakaintindihan.
32. Pagdating sa mga hindi pagkakaintindihan sa pagitan nilang mag-asawa, siya ay nangunguna sa pagsasaayos nito.
33. Ibinabahagi niya ang kaniyang nararamdaman sa paraang hindi ito makakasakit sa kaniyang asawa.
34. Sa oras na may ginawang pagkakamali ang kaniyang asawa ay pinatatawad niya ito at binibigyan ng pagkakataon na mapatunayan sa kaniya ang pagmamahal niya.
35. Pero ang mabuting asawa ay hindi martir. Alam niyang makakasama ito sa kanilang pagsasama. Ganoon din sa kaniyang asawa. Kaya naman sa oras na may nararamdaman siyang mali sa kanilang pagsasama ay agad niya itong ipinapaalam sa mister niya.
36. Ang isang mabuting asawa ay naniniwalang ang lahat ng mga nabanggit na katangian ay nirerespeto at ikinararangal ng asawa niya.
Source:
Psychology Today, Bustle
Photo:
People photo created by jcomp – www.freepik.com
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!