Kapag tinanong mo ang matagal nang mag-asawa marahil ay mayroon silang kanya-kanyang tips o sikreto kung bakit hindi matibag ang kanilang relasyon. Kahit na bagong kasal pa lang kayo o medyo matagal nang nagsasama ng iyong asawa, marahil ay lagi kang naghahanap ng paraan para mapatibay pa ang pagmamahalan at pagsasama ninyo.
May mga daily habits, o pag-uugali na dapat nating pagtibayin upang mapatibay ang isang pagsasama. Narito ang walong magandang halimbawa!
1. Magpatawad at humingi ng tawad
Ang pagpapatawad at paghingi ng tawad ang dalawa sa pinakamabuting pag-uugali. Sa mag-asawa, may mga pagkakataon talagang magkakaroon ka ng pagkukulang kay misis o mister. Ugaliing maging sensitibo at magpakumbaba upang walang maging sama ng loob sa’yo ang iyong asawa.
2. Maglambing
Yakapin mo siya at halikan. Huwag mo palalampasin ang araw na hindi mo ipinapakita ang pagmamahal mo sa pisikal na pamamaraan, kahit na simpleng paghalik sa pisngi pag-uwi mo galing sa trabaho.
3. Pagtanggap
Ang pag-intindi sa asawa mo ay napaka-importante. Lahat tayo’y nagkakamali, ang mabuting asawa ay hindi nagja-judge. Kahit na magkulang paminsan ang kanyang asawa ay nariyan lang siya upang magtiwala at umintindi.
4. Pagiging maalaga
Yung simpleng paghain ng pagkain o pagtimpla ng kape ay isa sa mga paraan upang mapatibay ang pagmamahalan ninyo. Maliit man na bagay kung tignan, ngunit napakalaki ng epekto nito upang mapatagal at mapaganda ang isang pagsasama.
5. Makinig
Minsan, sa dami nang kailangang gawin, nakakalimutan na nating tunay na makinig sa ating asawa. Pero napaka-importante nito sa buhay mag-asawa. Dahil dito natin nae-express ang mga kailangan natin at sa paraan nito’y nalalaman natin ang kailangan nating ayusin.
6. Iwasan ang sobrang paggamit ng gadgets
Subukang iwasan ang gadgets kahit isang oras man lamang kahit gabi. Mag-focus sa iyong asawa at sa pag-ba-bonding. Puedeng mag-date kayo sa labas o mag-dinner sa bahay, pero ang importante ay focused kayo sa isa’t isa, na walang anumang distractions.
7. Humingi ng tulong
Masarap yung feeling na kailangan ka ng asawa mo, diba? Ugaliing humingi ng tulong sa iyong kabiyak. Dahil katuwang niyo sila sa buhay. Huwag mahiyang mag-reach out o magsabi kapag may problema. Ang pagtutulungan sa mahirap na parte ng buhay ay makakatulong na mas ma-enjoy ninyo ang mga masasayang bahagi nito.
8. Alagaan ang iyong sarili
Para maalagaan ang relasyon, kailangan maging maalaga sa sarili. Magiging the best partner ka kapag pinahahalagahan mo ang iyong kalusugan at personal na kaligayahan. Kapag tunay na masaya at malusog kang tao, mas lalo mong maibibigay ang the best pagmamahal na deserve ng asawa mo!
sources: Yahoo, HuffPost, PsychCentral, Psychology Today
BASAHIN: Mga salita na kailangan nating marinig mula sa ating asawa