Kasambahay, iniwan ang inaalagaang bata sa labas ng mall

Mga mommy at daddy, maging maingat at wais kung paano pumili ng kasambahay para magbantay sa inyong baby. Dahil mahalaga ang kaligtasan ni baby!

Paano pumili ng kasambahay

“Please let this child’s parents know what kind of helper is ‘taking care’ of her,” Ganito ang mga katagang binitawan ng isang concern citizen na nakakita sa isang batang mag-isa sa labas ng mall. Ang kanyang naturang post ay umabot sa 6,800 shares.

Sa post, makikita ang bata na mag-isa sa labas ng shopping plaza. Umiiyak at natatakot. Habang ang kanyang yaya ay nasa loob ng naturang plaza.

Paano pumili ng kasambahay? | Image from Mahita Vas Facebook post

Kasambahay, iniwan ang inaalagaang bata sa labas ng mall

Nang sumating na ang katulong, ayon kay Mahita Vas, napansin raw niya na tila wala itong pakialam sa bata at hindi manlang binilisan ang kilos kahit na nakitang umiiyak ang bata. Itinanggi rin ng katulong ang ginawang pag iwan sa alagang bata sa labas ng shopping mall.

Pinost niya ito sa Facebook para ipaalam sa magulang ng batang babae kung anong katulong ang kanilang kasama.

“Please let this child’s parents know what kind of helper is taking care of her. I found this little girl crying outside Coronation Plaza and sat with her until whoever left her there returned. Her Filipino helper sauntered towards us a couple of minutes later, making no effort to hurry despite seeing the child sobbing. When I told her she can’t leave the child alone, not like this, she got defensive. She made no effort to comfort the child as she told her to get going. What this helper did is indefensible. It is not always possible for parents to know what their helpers are up to. In this situation, i believe any mother would want to know. If you recognise this child, please alert her parents. I will delete this post as soon as her parents are identified.”

Paano pumili ng kasambahay? | Image from Mahita Vas Facebook post

Deleted na ang naturang post.

Ano ang gagawin mo kapag may nakita kang mag-isang bata?

  • Maging mahinahon para hindi ito mapasa sa bata.
  • Tanungin ang bata kung may kasama ba itong matanda.
  • Subukang alamin ang nangyayari. Tanungin ang bata kung may kasama ba itong katulong, magulang o matanda, kung meron at napagtanto mong nagkahiwalay ang dalawa, agad itong ipaalam sa pulis.
  • Kung sakali namang umiiyak ang bata, marahan lang na patahanin ito. Maaaring bigyan mo ng pagkain para kunin ang loob. Pagkatapos, pwese mo na siyang tanungin kung bakit siya mag-isa at kung may kasama ba siyang matanda

Paano pumili ng kasambahay? | Image from Art of Rosh on Unsplash

Alamin ang mga impormasyon na ito sa bata:

  1. Pangalan
  2. Birthday
  3. Height
  4. Weight
  5. Ibang paraan para matukoy ang bata. Halimbawa, nunal, braces o balat.
  6. Recent photo
  7. Kung saan mo nakita ang nawawalang bata
  8. Kasalukuyang suot nitong damit

 

Republished and translated with permission from TheAsianparent Singapore

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Sinulat ni

Mach Marciano