7 na bagay na hindi dapat sinasabi sa job interview

7 na bagay na hindi dapat sinasabi sa job interview

Narito ang mga hindi mo dapat sinasabi sa isang job interview na maaring maging dahilan ng hindi mo pagkakatanggap sa trabaho.

Paano sumagot sa job interview? Ito ang madalas na tanong ng mga nagnanais na makakuha ng trabaho. Dahil maliban sa qualifications, ang job interview ang basehan kung tatanggapin ba ang isang aplikante sa ina-applyang trabaho. Ngunit, ano nga ba ang dapat mong isagot sa mga job interview para masiguradong “You’ve got the job” ang isasagot sayo.

paano sumagot sa job interview

Image from Freepik

Simulan natin ang mga tips na ito sa mga hindi mo dapat sinasabi sa mga job interview na maaring magpababa ng tiyansa mong makuha ang posisyon na inaasam mo.

Mga hindi dapat sinasabi sa job interview
1. Kasiraan o pagrereklamo sa current o previous company mo.

Isa sa mga dahilan kung bakit lumilipat ng trabaho ang isang empleyado ay ang unhappiness sa kaniyang kasalukuyang trabaho.  Ngunit kung nagbabalak mag-apply sa ibang kompanya ay hindi mo dapat i-kwento at siraan ang kompanyang pinagtrabahuan mo pati na ang mga naging katrabaho mo. Dahil ito ay maituturing na pagrereklamo na hindi magandang tingnan para sa isang empleyado.

Sa halip sa oras na tanungin ka kung bakit gusto mong lumipat sa bagong kompanyang ina-applyan ay gamiting dahilan ang mga magagandang bagay na ginagawa ng kompanya. Isang halimbawa ay ang kanilang charitable activities at projects. Ngunit ito ay nangangailangan ng research na mas magpapa-impress sa ina-applyang kompanya at magpapakita na ikaw talaga ay interesado na magtrabaho sa kanila.

2. Pagtatanong tungkol sa kung anong ginagawa o negosyo ng kompanyang inaapplyan mo.

Tulad nga ng unang nabanggit, mahalaga na nakapag-research kana sa kompanya at posisyong iyong inaapplyan bago sumabak sa isang job interview. Dahil ito ay nagpapakita ng iyong interes at malaking kagustuhan na makuha ang trabaho.

3. Pagpapareschedule ng interview appointment mo sa mismong araw nito.

Lahat tayo ay may iba’t-ibang pinagkakaabalahan kaya naman hindi ka dapat gumagawa ng last minute changes lalo na sa scheduled job interview mo. Hindi lang nito ipinapakita na hindi mo priority ang ina-applyang trabaho, isa rin itong palatandaan ng lack of professionalism at dedication mo.

Kung pakiramdam mo ay alanganin ang scheduled date ng interview mo para sayo ay agad na ipaalam ito sa inaapplyang kompanya ahead of time. Ito ay para makapili sila ng oras at petsa na magiging tugma sa parehong schedule ninyo. At magawa nila ang ibang bagay kaysa ang maghintay sayo na bigla lang din palang mababago.

4. Pagbabanta ng kung hindi ka tatawagan agad ay tatanggapin mo na ang isa pang trabahong inaapplyan mo.

Kahit kailangang-kailangan mo na ng trabaho ay hindi ka dapat magbigay ng ultimatum sa mga ina-applyan mo.

Sa oras naman na nakapili ka na sa pagitan ng dalawang trabahong ina-applyan mo ay marapat lang na ipaalam sa isa pang ina-applyan na hindi mo na itutuloy ang application mo sa kanila at humingi ng sinserong paumanhin.

5. Pagsasabi na gusto mo sana ng mas mataas na posisyon pero okay na muna ang posisyon na ina-applyan mo sa ngayon.

Ang pagpili sayo ng employer sa isang posisyon ay nangangahulugang nakita nilang “fit” ka para dito. Kaya naman ang pagpapakita ng iyong pagnanais na mapunta sa ibang posisyon ay nagpapahiwatig na hindi mo gusto ang trabahong ibinibigay sayo na maaring makaapekto sa performance mo.

6. Pagsasabi na gusto mo talaga ang trabahong inaaplyan at gagawin mo ang lahat para makuha ito.

Bagamat gustong-gusto mo ang posisyon na ina-applyan hindi ka dapat magmukhang desperado. Muli ang pagpapakita ng interes mo sa isang trabaho ay ang pagbibigay ng oras na malaman ang background at nature of business nila sa pamamagitan ng pag-reresearch.

7. Pagiging aggressive at pagsasabing sa loob ng limang taon, ay ikaw na ang papalit sa posisyon ng nag-iinterview sayo.

Hindi masamang mangarap ng promotion o growth sa career mo, ngunit hindi ka dapat maging sobrang vocal o aggressive tungkol dito lalo na sa job interview. Dahil ito ay maaring magbigay ng “threat” sa nag-iinterview sayo na maaring maging dahilan para hindi ka niya i-qualify sa posisyon na ina-applyan mo.

Tips sa pagsagot sa job interview

Samantala ito naman ang ilang tips kung paano sumagot sa job interview.

1. Tell me about yourself.

Ito ang madalas na unang itinatanong sa mga job interview. Ngunit ito ay hindi tumutukoy sa mga hobbies at favorite color. Sa halip ito ay ang tamang pagkakataon para maibida mo ang iyong sarili at qualifications sa ina-applyang trabaho.

Simulan ito sa pagsasabi ng kasalukuyan o dati mong posisyon sa trabaho. Sundan ng iyong skills at experience na may kaugnayan sa posisyong ina-applyan mo.

2. How would you describe yourself?

Muli ang tanong na ito ay hindi tungkol sa personal na buhay mo. Ang hinahanap na impormasyon ng interviewer ay ang mga qualities at characteristics mo na makakatulong sa success ng kompanyang ina-applyan.

3. What makes you unique?

Bagamat hindi mo kilala ang ibang kandidato sa posisyong ina-applyan, ay dapat maisip mo kung ano ba ang alam mo o kaya mong gawin na makakatulong sa success ng kompanya o organisasyong nais mong mapabilang.

4. What motivates you?

Ang tanong na ito ay ang ginagawang basehan ng interviewer sa level ng self-awareness at ang dedication mo sa ginagawang trabaho. Sa pagsagot sa tanong na ito ay dapat kang maging specific. Makakatulong rin kung magbibigay ka ng real life examples o iyong naging karanasan na may magandang kinalabasan dahil sa good decision-making skills mo.

5. Why are you leaving your current job?

Maaring may hindi ka naging magandang karanasan kaya mo iniwan ang dati o kasakukuyan mong trabaho. Ngunit hindi ito dapat ang maging dahilan. Sa halip ay mag-focus sa future at sa mga bagong experience o skills na maibibigay sayo ng bagong posisyon.

Ilan lamang ito sa mga tips kung paano sumagot sa job interview. Walang tama at perpektong sagot, ngunit magiging malaking tulong kung magpapakatotoo ka. At mag-apply lang sa trabahong gusto at handa kang ibigay ang best mo.

Source: Indeed, AsiaOne, Energy Resourcing

Photo: Freepik

Basahin: The 5 questions you MUST ask in a yaya interview

 

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner